Monday, March 3, 2014

2 minero patay sa tunnel sa Surigao del Sur

NAKUHA na ang bangkay ng dalawang minero na na-suffocate sa gold tunnel sa Surigao del Sur.


Nagsasagawa na ng post mortem examination sa San Francisco, Agusan del Sur sa bangkay ng dalawang minero matapos marekober sa loob ng gold tunnel sa Barobo, Surigao del Sur.


Kinilala ang mga biktima na sina Juniel De Guzman, 25, ng Brgy. Bahi; at Manuel Ranoco, 39, ng Purok 5, Brgy. Kauswagan, naturang bayan.


Ang insidente ay ipinabatid sa pulisya ng kanilang mga kasamahang sina Albert Pedarios, 23, at Joel Dua, 24, parehong residente ng Purok 5, Brgy. Kauswagan, sa bayan ng Barobo, na na-suffocate sa loob ng gold tunnel.


Ito’y matapos matapon ang isang container na may lamang walong litrong gasolina na inilagay sa entrance ng tunnel at kumalat sa loob.


The post 2 minero patay sa tunnel sa Surigao del Sur appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 minero patay sa tunnel sa Surigao del Sur


No comments:

Post a Comment