TUMAWA ang press nang sabihin ni Marian Rivera sa press launching ng kanyang latest endorsement, ang Biofitea, na ang gift niya sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes nang mag-graduate ng kolehiyo sa isang college sa Bocolod City nang kursong Management, ay love and kisses.
Sa pagiging endorser ng Biofitea, gumagamit talaga si Marian ng tea. Saludo siya sa produkto na sadyang nagpababa ng kanyang timbang. Sumususod din siya sa tagubilin at pagti-training regularly sa gym. Plus syempre ang regular exercise.
Sobrang malihim lang talaga si Marian, kung minsan, hinggil sa lovelife niya. May mga personal na bagay sila ni Dingdong na private lang talaga sa kanilang dalawa.
Aminado si Marian na bilang artista, public property sila. Pero may bakod pa rin siyang itinitira kapag personal life na ang nadadamay.
Nang nag-graduate si Dingdong sa Bocolod College, talagang pinaglaanan ni Marian ng oras. Hindi siya tumanggap ng anomang trabaho. Matagal na kasing hiling sa kanya ni Dingdong na dapat pagtanggap niya ng diploma sa kolehiyo ay nandoon siya para maging saksi sa pagsisikap niyang matapos sa kolehiyo.
Ayon kay Marian, desidido si Dingdong na kumuha pa ng masterral course. Pagdating sa pag-aaral ay hindi hadlang kay Dingdong ang pag-aartista. Nang nag-aaral sa Bacolood, once a week siyang nag-re-report sa school. Talagang naka-schedule si Dingdong na mag-fly sa Bacolod para magkaroon ng regular exams at lectures sa mga professor ng school. Ang kolehiyo sa Bacolod ay affiliated sa Ateneo de Manila University, kung saan dito nag-start ng kolehiyo si Dingdong.
BENJAMIN ALVES, LALABAN NG DUTAHLON SA BISPERAS NG KANYANG BIRTHDAY
DEADSET na magtagumpay si Benjamin Alves sa kanyang first competition para sa Duathlon na magaganap sa March 30 sa isang lugar sa Cavite. Kaya halos araw-araw ay nag-eensayo ito sa pagtakbo at pagba-bicycle. Kahit ‘di siya magku-compete sa swimming, nagsisimula na rin siyang lumangoy sa kanyang regular training.
Kaya huwag kayong magtaka kung tan o brown ang kulay ngayon ni Benjamin. Talagang sa ilalim ng morning sun siya madalas tumakbo at mag-cycling.
Ayon kay Benjamin, fulfillment niya na makapag-join sa mga athletic competitions. Hindi lang hinggil sa physical fitness, kundi nakatataba rin ng puso kapag ikaw ay lumalahok at nasusubukan mo ang lakas mo sa pagtakbo at biking kung hanggang saan.
Sinasamantala ni Benjamin na off taping days siya ngayon. Anytime kasi ay puwede siyang ipa-call time para sa panibagong soap opera ng GMA 7.
Bale ang competition ni Benjamin ay nataon a day before sa kanyang 25th birthday (March 31 birthday niya). Simpleng celebration lang ang kanyang gagawin. Aniya: “Masaya na ako kapag may nagbigay ng cake sa akin.”
Ganyan ka-simple ang buhay ni Benjamin ngayon! Iwas sa party sa gabi dahil may training at simple living para maging healthy ang strong.
STEPHANY STEFANOWITZ AT JUNE MACASAET INVITED SA PANAAD FESTIVAL NG NEGROS
MADALAS magkasama ngayon sa mga affair ng New Placenta soap sina Stephany Stephanowitz at June Maca-saet. Wala po silang relasyon! Pareho silang may karelasyon sa ngayon. Kaya magkasama ang dalawa palagi ay dahil pareho silang endorser ng New Placenta soap. Si Stephany na dating Miss Earth-Air 2012 ay endorser ng soap for women. Si June naman ay para sa soap for men. Si June ang dating Mr. Manhant World 2012 winner. First Pinoy winner sa male personality contest na ginawa sa Beijing, China.
Naka-schedule ang dalawang magkasama sa Panaad Festival ng Negros sa April 4. Bongga ang Panaad Festival dahil dinudumog ito ng mga celebrities na gustong mag-participate sa taunang event.
Mismo ang Panaad Festival organizing committee ang nagpadala ng sulat kay Psamstre President Jaime Acosta na mag-participate sa festival ang dalawang talents niya.
Big occasion ang Panaad Festival kaya sina Stephany at June ay hindi makatanggi sa kanilang gagawing parade sa festival. Iikot din ang dalawa sa mga Mercury Drugs para maging speaker sa pagpapaganda at good grooming sa lalaki.
The post Love and kisses, graduation gifts ni Marian kay Dingdong appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment