Tuesday, March 25, 2014

Motorsiklo vs 10-wheeler truck, 2 tepok

DALAWA ang patay matapos sumalpok sa 10-wheeler truck ang isang motorsiklo sa Cannery Road, Polomolok, South Cotabato.


Agad na namatay ang biktima na kinilalang si Romulo Espadon, residente ng Brgy. Poblacion na driver ng motorsiklo at ang backrider nitong si Teddy Diahan, taga-Yungco Subdivision, kapwa empleyado ng Tibod sa Katigbawasan Cooperative.


Ayon kay PO3 Noel Achuela ng Polomolok-Philippine National Police, galing sa plantasyon ng pinya ang mga biktima at pauwi na sa kanilang bahay nang sumalpok sa naturang truck ang minamanehong motorsiklo.


Kaagad namang sumuko sa pulisya ang driver ng 10-wheeler truck na si Jovito Hecosta.


Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.


The post Motorsiklo vs 10-wheeler truck, 2 tepok appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Motorsiklo vs 10-wheeler truck, 2 tepok


No comments:

Post a Comment