SUGATAN ang 15 Red Cross volunteers nang madamay sa pagsabog ng landmine na itinanim ng New People’s Army (NPA) sa Davao del Sur.
Kinilala ang ilan sa mga sugatan na sina Alberto Cabual, Arnel Generoso, Jun Dumayas at Bonita dela Cruz.
Naganap ang pagpasabog ng landmine pasado alas-7:00 kagabi nang mapadaan ang convoy ng ambulansiya ng Davao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pangunguna ni Dela Cruz.
Ang Red Cross Davao del Sur chapter ay nasa ilalim naman ni Winston Malinao at kasunod ang ambulance ng 39th Infantry Battalion na pinangungunahan ni 1Lt. Allan Dale Ibones.
Binabagtas ng convoy ang lugar papunta ng Sitio Balutakay, Brgy. Managa Bansalan, Davao del Sur nang pasabugan ng landmine ng mga rebelde na kumikilos sa Sitio Tower
Mariin namang kinondena ni Lt. Col. Norman Zuniega, commander ng 39th IB ang insidente na pagpapakita lamang na patuloy na nilalabag ng mga rebelde ang karapatang pantao at ang International Humanitarian Law.
The post 15 Red Cross volunteers nasabugan ng landmine appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment