Tuesday, March 31, 2015

Muhammad Ali hanga kay Pacman

HANGA ang tinaguriang ‘boxing great’ na si Muhammad Ali kay 8-division boxing champion Manny Pacquiao at kampante itong mananalo kay U.S. undefeated champion Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 3 sa MGM Grand.


Mismong ang anak ni Ali na si Rasheda Ali ang nag-anunsyo na malaki ang tiwala nito kay Manny Pacquiao.


Dagdag pa nito, kilala ni Ali si Manny bilang magaling na boksingero pero mas hanga ito sa kanyang ginagawa sa labas ng boxing ring gaya ng pagtulong sa mga mahihirap.


Bilang malapit sa kanyang ama, sinabi ni Rasheda na nirerespeto rin niya si Floyd Jr.


Sinasabing naging kaibigan ni Pacquiao si Ali sa selebrasyon ng 70th birthday noong taong 2012.


Samantala, inihayag pa ni Rasheda na hindi na dapat na ikumpara ang dalawang boksingero dahil magkaiba sila.


Sinabi ni Rasheda na hindi makapapanood ng live si Ali sa MGM pero tiniyak nito na manonood ito sa kanilang bahay sa pamamagitan ng pay-per-view. JOHNNY ARASGA






.. Continue: Remate.ph (source)



Muhammad Ali hanga kay Pacman


11,000 mga pasahero dumagsa sa mga terminals

BUMUHOS ang tinatayang 11,000 pasahero sa iba’t bang terminal ng bus sa Metro Manila area ngayong araw.


Kanya-kanyang gimik na ang mga pasahero para makasakay sa mga bus at makauwi na sa kani-kanilang mga lalawigan.


Ang iba ay matiyagang naghintay at natulog na sa mga bus terminals para sa tiyansang makasakay sa mga bus sa pamamagitan ng chance passenger seat, habang ang iba ay sa kalsada na mismo naghintay at nagbabakasakaling isakay ng mga bus na dadaan.


Ngayong araw ay nasa 11,000 mga pasahero na aasahang pupunta sa Araneta center bus terminal liban pa sa ibang bus terminals na dinarayo din ng mga commuters.


Kampante naman ang LTFRB na walang kakulangan sa units ng mga bus na bibiyahe dahil sapat na ang ibinigay na special permits para sa karagdagang biyahe ngayong Holy week.


Inilunsad na rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang oplan “Lakbay Alalay” na magiging gabay ng mga motorista at commuters.


Patuloy naman ang pagdami ng mga mananakay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Aabot sa 53,000 pasahero ang naitala kahapon sa NAIA terminal 3 mas marami sa karaniwang 47,000 kada araw.


Sa dami ng mga mananakay, naitala ang 46 delayed flights.


Dahil dito, pinag-aaralan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) na kasuhan ang mga kumpanya ng eroplano na laging may delayed flights.


Sa kabilang dako, buhos pa rin naman ang mga mananakay sa Batangas Port para humabol dahil sa oras na ideklarang may public storm signal na sa bansa bunsod ng bagyong Maysak ay hindi na papayagan ang anomang uri ng sasakyang-pandagat na bumiyahe.


Sa ngayon ay mabigat na ang daloy ng trapiko papasok sa nasabing port dahil sa pagbuhos ng maraming pasahero.


Sa Dau Toll sa North Luzon Expressway (NLEX) usad pagong ang mga sasakyan palabas ng Metro Manila kabaligtaran ito sa sitwasyon ng Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX) na kakaunti pa lamang ang mga dumadaan. JOHNNY ARASGA






.. Continue: Remate.ph (source)



11,000 mga pasahero dumagsa sa mga terminals


Maysak, lumakas pero bumagal palapit sa PAR

LALO pang lumalakas at bumagal ang binabantayang bagyo na may international name na Maysak.


Sa huling update ng PAGASA kaninang alas-4:00 ng madaling-araw, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 215 kph at pagbugsong 250 kph.


Huli naman itong namataan sa layong 1,410 km Silangan ng Surigao City.


Tinatahak nito ang direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 17 kph.


Asahang mananalasa ito sa Philippine area of responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng madaling-araw.


Kapag hindi magbabago ang direksyon ay tutumbukin nito ang central o northern Luzon partikular sa Aurora o Isabela.


Kapag tumaas naman ay maaaring mag-landfall sa Cagayan.


Apektado nito ang malaking bahagi ng bansa dahil may diameter itong 700 km.


May tiyansa pa rin naman daw itong humina habang papalapit sa kalupaan.


Samantala, ang Cagayan Valley, Cordillera at rehiyon ng Ilocos ay makararanas ng bahagyang maulap na kalangitan.


Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.


Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan hanggang timog-silangan ang iiral sa Hilagang Luzon at mula naman sa hilagang-silangan sa nalalabing bahagi ng bansa na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. JOHNNY ARASGA






.. Continue: Remate.ph (source)



Maysak, lumakas pero bumagal palapit sa PAR


12 patay, mahigit 20 sugatan sa pagsabog sa Mexico

PINANGANGAMBAHANG tumaas ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog ng isang gasoline tanker truck sa southern Mexico.


Napag-alamang ngayon ay 12 na ang kumpirmadong patay habang mahigit 20 ang nagtamo ng serious burns sa insidente.


Ipinaalam ng Civil Defense agency na nag-crash ang 15,800-gallon (60,000-liter) tanker sa kalye ng Villahermosa at Coatzacoalcos sa dakong timog-silangan ng Mexico.


Binalewala kasi ng mga residente ang babala na binigay ng mga awtoridad na lumayo sa truck at sa halip ay kumuha pa ito ng gas mula sa sirang tanker. MARJORIE DACORO






.. Continue: Remate.ph (source)



12 patay, mahigit 20 sugatan sa pagsabog sa Mexico


'Chedeng' lumakas pa

MANILA, Philippines - Hindi pa man nakakapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong "Maysak" ay lumakas pa ito, ayon sa state weather burea .. Continue: Philstar.com (source)



'Chedeng' lumakas pa


‘Maysak’ lumalakas

MANILA, Philippines – Patuloy ang paglakas ni Typhoon Maysak (international name) na nagbabantang pumasok sa ating bansa ngayong Holy Week. .. Continue: Philstar.com (source)



‘Maysak’ lumalakas


Recall sa Puerto Princesa ‘go’ na

MANILA, Philippines – Tuloy na ang recall election laban kay Puerto Princesa City, Palawan Mayor Lucilo Bayron makaraang aprubahan ito kahapon ng Commission .. Continue: Philstar.com (source)



Recall sa Puerto Princesa ‘go’ na


Fame o shame: Anong tingin mo sa Tekken fighter na si Josie Rizal?

Ilang araw matapos maibalita ang paglikha ng unang Pinay character sa Tekken game series na si Josie Rizal, umalma ang isang opisyal ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), dahil sa ginawang pag-uugnay sa karakter sa pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Fame o shame: Anong tingin mo sa Tekken fighter na si Josie Rizal?


Durant undergoes bone graft surgery

LAST year’s NBA MVP Kevin Durant had a bone graft surgery Tuesday to repair a Jones fracture in his right foot.


The Oklahoma City Thunder forward will be sidelined for the rest of the season and is expected to resume basketball activities in four to six months.


In 27 games this season, Durant averaged 25.4 points, 6.6 rebounds and 4.1 assists.


With Durant out, Russell Westbrook became a nightly triple-double threat and joined the MVP discussion alongside favorites James Harden of the Houston Rockets, Stephen Curry of the Golden State Warriors and four-time winner LeBron James of the Cleveland Cavaliers. Noli Cruz


.. Continue: Remate.ph (source)



Durant undergoes bone graft surgery


Pinoy patay sa Libya bombing

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na isang Pinoy ang nasawi sa pambobomba sa Libya noong Marso 29. .. Continue: Philstar.com (source)



Pinoy patay sa Libya bombing


Gov’t offices whole day ngayon

MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng Malacañang na may pasok pa rin ngayon (Miyerkoles Santo) sa lahat ng tanggapan ng gobyerno. .. Continue: Philstar.com (source)



Gov’t offices whole day ngayon


Responsable sa sunog kakasuhan - BFP

MANILA, Philippines – Nagbabala ang kagawaran ng Bureau of Fire Protection sa publiko na sasampahan nila ng kasong kapabayaan ang sinumang mapapatuna­yang na .. Continue: Philstar.com (source)



Responsable sa sunog kakasuhan - BFP


Pag-freeze sa P183M ari-arian ni Jinggoy pinagtibay ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines – Kinatigan ng Sandiganbayan Fifth Division ang freeze order sa P183 milyong ari-arian ni Sen. .. Continue: Philstar.com (source)



Pag-freeze sa P183M ari-arian ni Jinggoy pinagtibay ng Sandiganbayan


Pagligo, pagkain tuwing Holy Week hindi bawal - CBCP

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Bishop Socrates Villegas na hi .. Continue: Philstar.com (source)



Pagligo, pagkain tuwing Holy Week hindi bawal - CBCP


Albay muling napili ng Philtoa bilang Top Summer Destinations

LEGAZPI CITY, Philippines – Muling napili ng Philippine Travel and Operator’s Association (Philtoa) ang Albay bilang isa sa mga “top summer destinations” nga .. Continue: Philstar.com (source)



Albay muling napili ng Philtoa bilang Top Summer Destinations


Taguig handa na sa hosting ng nationwide journalism competition

MANILA, Philippines – Nasa 5,000 mga campus journalist at kanilang mga adviser mula sa iba’t -ibang paaralan ang magtitipun-tipon sa Taguig City para sa pres .. Continue: Philstar.com (source)



Taguig handa na sa hosting ng nationwide journalism competition


Babaeng informer daw ng militar, pinaslang ng mga nagpakilalang NPA

Patay sa pamamaril ang isang babae sa Davao City na sinasabing dinukot ng mga armadong lalaki na nagpakilalang miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA). .. Continue: GMANetwork.com (source)



Babaeng informer daw ng militar, pinaslang ng mga nagpakilalang NPA


Bagong laya sa Bilibid, dinakip ng mga pulis dahil sa iligal na droga

Isang lalaki na kalalaya lang noong Nobyembre sa New Bilibid Prison (NBP) ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa Cebu City dahil sa pagtutulak umano ng iligal na droga. Napag-alaman na kasong illegal drugs din ang dahilan kaya ito nakulong noon. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Bagong laya sa Bilibid, dinakip ng mga pulis dahil sa iligal na droga


Bangkay ng magkapatid na babae, nadiskubre sa bahay dahil sa mabahong amoy

Dahil sa mabahong amoy, nadiskubre sa loob ng bahay ang karumal-dumal na krimen na sinapit ng magkapatid na matandang babae sa Tabaco City, Albay. Sa loob ng bahay, nakita rin ang sugatang anak na babae ng isa sa mga biktima. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Bangkay ng magkapatid na babae, nadiskubre sa bahay dahil sa mabahong amoy


Pagbaril ng lalaki sa isang babae sa loob ng isang bar, nahuli-cam

Kitang-kita sa kuha ng closed-circuit-television camera ang ginawang pagbaril ng isang lalaki sa isang babae sa loob ng isang bar sa Naga City. Ang suspek, napag-alamang kapitan ng barangay sa Ligao City. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Pagbaril ng lalaki sa isang babae sa loob ng isang bar, nahuli-cam


KAMATAYAN AT CEASEFIRE

CEASEFIRE muna tayo sa politika, mga Bro, bagama’t ang daming usapin dito.


Sa halip, nais nating bigyan ng pansin ang mga kamatayan ng mga Pinoy sa pag-asang makahanap tayo ng mga paraan para mabago ang kalagayan nila.


Alalahanin, hindi nagtatapos sa kamatayan ang Semana Santa kundi sa muling pagkabuhay, gaya ng nangyari kay Kristo.


P30M PCGG LITIGATION FUND


Kabilang sa mga usaping pampulitika na nais sana nating talakayin nang todo ay ang halos pagkasaid na ng napakalaking nakumpiskang salapi mula sa martial law government na ginawang pondo para sa litigasyon o labanan sa korte ukol dito.


Mantakin ninyong nasa $30-milyon (P1.3-bilyon mahigit) lahat iyon pero nasa $8M (nasa P350M) na lang ang natitira.


Noon pa nagkaroon ng panukala na tapusin na ang buhay ng Presidential Commission on Good Government na nilikha ng Executive Order No. 1 noong February 28, 1986 ni ex-President Cory Aqino.


20 taon ang ibinigay na buhay at trabaho sa PCGG para mabawi ang mga nakaw at tagong yaman ng gobyernong martial law.


Pero magta-30 taon na sa pag-alis ni PNoy sa Palasyo, maaaring buhay pa rin ito at uubos pa ng malaking halaga.


BINARA AT KAPIT-TUKO


May inisyu si ex-President Glor Macapagal-Arroyo na Executive Order No. 643 noong July 27, 2007 para buwagin na ang PCGG at ilipat ang lahat ng kapangyarihan at trabaho nito sa Department of Justice, Solicitor General at Department of Finance.


Pero binara ito ng kung sino-sino at walang nagawa na patakaran para sa paglilipat ng nasabing mga kapangyarihan at trabaho.


Ayon sa ating Uzi, mga Bro, itong PCGG kasi ang isang tapunan ng mga walang mapwestuhan na pinagkakautangan ng loob ng mga politiko makaraan ang isang halalan.


Lumolobo ang bilang ng mga abogado at consultant sa PCGG at dito nauubos nang mabilis ang pondo nito.


Naging milking cow o gatasan ng mga korap ang PCGG. Hindi nga ba matinding pinag-aawayan ang pagbubuhay-hari ng mga boss dito?


Sayang na sayang ang napakalaking pondo na dapat ay natipid sana kung naipatupad lang ang EO ni Aling Gloria.


Ang PCGG ay lungga ng mga kawatan at ito ang isang napakalaking iskandalo mula sa panahon ni Aling Cory hanggang kay PNoy at hindi pinapansin kahit ng Matuwid na Daan.


P166B ATBP.


In fairness sa PCGG, nakarekober naman ito ng P166B mula sa nasimulan ito hanggang taong 2013, pwera pa ang mga ari-arian na bilyon-bilyon din ang halaga.


Ang sabi, pumunta sa Department of Agrarian Reform ang halagang P87.2B at sa industriya ng niyog ang P72B habang P10B ang para sa mga biktima ng karahasan ng martial law.


Tanong ngayon: bakit nanggagaling sa mga magsasaka, magniniyog at biktima ng martial law ang nagsasabing hirap sila o lalong naghihirap hanggang ngayon?


Hindi ba dahil sa ipinambili ang kalakhan ng nasabing mga pondo sa mga lupa ng mga panginoong maylupa at ang yumaman talaga ay ang mga panginoong may lupa?


At hindi ba ang mga malalaking may-ari ng mga lupain sa sakahan at niyugan ang pinapaboran sa paglalabas ng pondo para sa pagpapaunlad ng mga sakahan at niyugan?


Anak ng tokwa, sa milyong biktima nga lang ng Yolanda na magniniyog, halos walang natatanggap na ayuda ang pamahalaan.


At sa pasahan ng pondo sa pagitan ng PCGG, DAR at may kontrol ng industriya ng niyog mas malaki ang iskandalo.


KAMATAYAN


Parami nang parami na nga pala ang mga nakikidnap, napupugutan at pinapatay sa ibang paraan sa mga bansang may mga digmaan gaya ng Libya, Syria, Iraq, Yemen at iba pa na kinatatagpuan ng libo-libo at milyon-milyong overseas Filipino worker.


Pinakahuling naiulat na napatay sa bombahan sa Libya ang isang Pinoy.


Ngayong sumali sa bombahan ang 10 bansa sa Yemen sa pangunguna ng Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates, Egypt at iba pa, tiyak na nasa mas matindi at mas malawak na panganib ang kinahaharap ng mga OFW.


Hindi na lang ang mga OFW sa Libya, Syria, Iraq at Yemen ang nanganganib kundi ang mga nasa ibang Arabong bansa na kasali sa pagbomba sa Yemen at sa Syria at Iraq na rin.


Ang mga ganting salakay ng mga Islamist kung tawagin at ang mga giyera ng mga nag-aagawang gobyerno gaya ng nangyayari sa Yemen, Syria at Libya ay talaga namang nakatatakot. At dito na nga napipinsala ang mga OFW.


PAGLILIKAS


Ang programang sapilitang paglilikas ay alok ng bagong buhay sa mga OFW na apektado.


Subalit bakit mas gusto pa rin ng marami ang manatili sa mga magugulong bansa kaysa ang umuwi sa mahal kong Pinas?


Dahil ba sa nakamamatay rin ang daratnan nilang gutom sa pamilya at madadamay na rin ang mga pamilyang OFW sa kanilang pag-uwi?


O kayo riyan sa Matuwid na Daan, paano isabuhay ang mensahe ng Resurrection o muling pagkabuhay ni Kristo sa mga OFW sa ganitong kalagayan?


o0o

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


.. Continue: Remate.ph (source)



KAMATAYAN AT CEASEFIRE


ARMM gov., pinayuhang 'wag mawalan ng pag-asa ang HS graduates sa Mamasapano

Sa kabila ng naganap na karahasan sa Mamasapano, Maguindanao, partikular sa barangay Tukanalipao kung saan nasawi ang 44 na police commando noong Enero 25, matiwasay nakapagtapos ng high school ang 49 na mag-aaral sa naturang lugar. .. Continue: GMANetwork.com (source)



ARMM gov., pinayuhang 'wag mawalan ng pag-asa ang HS graduates sa Mamasapano


VIDEO KARERA SINUNOG

ISA-ISANG pinagsisira at pinagsusunog ng mga tauhan ng Caloocan City Police ang mga nakumpiskang video karera na pinangunahan nina PS/Supt. Bartolome Bustamante at Mayor Oscar Malapitan sa Caloocan North City Hall. JOJO RABULAN


.. Continue: Remate.ph (source)



VIDEO KARERA SINUNOG


SUSPEK SA PAGPATAY DAMPOT

BITBIT ng mga tauhan ng Manila Police District Homicide Section ang suspek na si Roger Teodosio Jr alyas Nuynoy, 31, matapos burdahan ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang kanyang matagal ng kaalitan na ikinasawi ng biktimang si Roger Arceo, kapwa nanirahan sa Alley F Telecom Compound sa Sta. Cruz, Maynila. JHUN MABANAG


.. Continue: Remate.ph (source)



SUSPEK SA PAGPATAY DAMPOT


HOLDAPER TIKLO

Nalambat sa isinagawang Joint Operation ng dalawang istasyon ng MPD Station-5 na pinamumunuan ni P/Supt. Romeo Macapaz at MPD Station-6 na pinamumunuan ni P/Supt. Roberto Domingo, nahuli ang 3 sa 4 na nang hold-up isang Convenient Store sa Remedios st., Malate Maynila kamakalawa, kinilala ang mga suspek na sina Jenielyn Canonigo 37-anyos, Marvin Calub 27-anyos, at Ramon Solomon 42-anyos, mahaharap ang tatlo sa kasong Robbery Hold-up.


.. Continue: Remate.ph (source)



HOLDAPER TIKLO


SAFEWAY BUS, BUMIBIYAHE KAHIT SUSPENDIDO

GANITO katapang ang ilang negosyante sa Pilipinas. Kahit pinatawan na ng parusa dahil sa paglabag sa batas, lumalabag pa rin sa utos ng pamahalaan.


Kitang-kita ng dalawang mapupungay kong mata ang yunit ng Safeway Bus Lines, Inc. na may plakang TXP-623 ay napakalayang bumiyahe nitong Marso 27 (Biyernes).


Nakita ko ang nasabing yunit sa East Ave. sa Quezon City habang nakasakay ako sa ibang bus.


Tandaan natin ito: Batay sa rekord ng LTFRB, ang yunit ng Safeway na may plakang TXP-623 ay isa sa 16 na yunit ng nasabing kumpanya ng bus na sinuspinde ng Land Transportation and Franchising Board (LTFRB) nang 30-araw dahil sa napakaraming paglabag sa batas.


Nadiskubre ang mga paglabag makaraan ang isang yunit nila (TXP-845) ay nakamatay ng 14-taong gulang na si Abby Cunanan nitong Marso 1 sa kanto ng EDSA at East Ave.


Ang lakas ng loob naman ng may-ari ng Safeway sa pagpapabiyahe ng suspendidong yunit.


Mayroon ka bang padrino o pader na kinakapitan sa LTFRB?


Dapat sigurong agad itong sitahin ng LTFRB dahil lantarang pambabastos ito sa kanilang kapangyarihan na itinakda ng batas.


PROSTITUSYON SA PASAY, ‘LITTLE MAYOR’ ANG NINONG?


Kaya pala napakalalakas ng loob ng Miss Universe, XTD KTV, E.A. International at Bachelor’s Mansion sa Lungsod ng Pasay na mag-alaga at mag-alok ng mga napakababatang babae sa mga kliyente nito, lalo na sa mga dayuhan, ay ‘Little Mayor’ pala ang kinakapitan nila sa administrasyon ni Mayor Tony Calixto, Jr.


Ang Little Mayor kung ituring sa administrasyon ni Calixto ay hindi ang city administrator, kundi ang hepe ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) na si Boyet del Rosario.


Maaaring hindi lang malakas na kapit, kundi may parating pa ang mga may-ari ng mga club sa kinauukulan.


Totoo ba ito, Little Mayor, (ay!) BPLO Chief (pala) Del Rosario?


Com’on, hindi naman tayo ipinanganak kahapon upang hindi natin maintindihan ang ganyang kalakaran.


Teka, sino ba ng kinauukulan sa Pasay? Si Boyet o si Mayor Calixto?


***

Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271 o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


.. Continue: Remate.ph (source)



SAFEWAY BUS, BUMIBIYAHE KAHIT SUSPENDIDO


OPO NAMAN, HINDI KAYO HAYUP!

“TAO lang po ako!” Sinabi po iyan ni Pangulong Aquino.


Bakit kaya niya sinasabi ito? NGAYON lang ba niya nalaman?


***


Obvious naman po, Mr. President, na TAO KAYO. At kung tutuusin, kayo po ang pinakamataas na TAO sa BALAT NG LUPA ng Pilipinas.


At saka, wala naman pong nagsasabi na kayo ay HAYUP! Kaya hindi n’yo na dapat IPINALIWANAG.


***


Makalipas ang dalawang buwan, wala pa rin daw kumukuha sa reward ukol sa pagkakapatay sa teroristang si MARWAN.


TAKOT sigurong MAKIDNAP.


***


PARANG tumama sa lotto ang makakukuha ng P200-milyong reward sa pagkakapatay kay Marwan. Manggagaling ang pera sa pamahalaan ng Amerika. Bukod pa sa P7-milyong ibibigay ng pamahalaan ng Pilipinas.


Pero bakit wala pa ring kumukuha? Kasi, kahit para siyang tumama sa lotto. Para na rin siyang NAGPAKAMATAY.


***


SIMULA na ang Mahal na Araw. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit ito Mahal na Araw.


Hindi po dahil sa ginugunita ang PAGKAKATUBOS sa atin ng PANGINOONG HESUKRISTO sa mga kasalanan.


Ang Mahal na Araw sa Pilipinas ay araw ng pagsasamantala ng ilang negosyante.


Kapag Mahal na Araw, nangangahulugan ito ng salitang BAKASYON.


Kahit saan pumunta o magbakasyon ay kay MAMAHAL NG BILIHIN. Kay MAHAL ng gasolina. Kay MAHAL ng hotel. Kay MAHAL ng PAMASAHE sa eroplano, barko at kahit pa sa bus.


Pati singil sa toll gate ay kay MAHAL. Kay MAHAL din ng mga pasalubong.


***


Pero sa mga Pinoy, kahit kay MAMAHAL pa ng mga bagay sa paligid ay balewala ‘yan. Basta kasama si MAHAL at iba pang MAHAL SA BUHAY, okey na okey lang.


Kaya sa ating mga kababayang nasa biyahe at bibiyahe, ingat lang po. I-enjoy n’yo lang ang bakasyon. Pero sana, huwag nating kalimutan ang tunay na diwa ng SEMANA SANTA.


Ang MAHAL NA ARAW o SEMANA SANTA ay pag-alala sa sakripisyong ginawa ng ating PANGINONG HESUKRISTO upang iligtas tayo sa mga kasalanan.


Mabuhay po kayo! KANTO’T SULOK/NATS TABOY


.. Continue: Remate.ph (source)



OPO NAMAN, HINDI KAYO HAYUP!


TAGILID SI ROXAS?

AMININ man o hindi ng Liberal Party ay malinaw na mahina ang kanilang pambato sa 2016 election.


Kitang-kita sa mga isinagawang survey na sablay ang kanilang pambato dahil malinaw na hindi ito umaangat sa pwesto at ang pinakamasaklap nga nito ay ang katotohanang naungusan pa ito ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ngayon pa lamang isinama sa survey.


Kitang-kita rin na kahit giniba ng husto si VP Jojo Binay ng kanyang mga kalaban ay nanatili pa rin angat ito sa lahat dangan nga lamang ay patuloy rin ito sa pagbaba.


Sa mga sinasabing kakandidato sa 2016, klaro na matunog ang pangalang Duterte at Grace Poe kaya ito na lamang siguro ang dapat i-push ng LP kaysa kay Roxas na masasabi na nating ginawa na ang lahat pero patuloy pa rin ito sa pangungulelat.


Klaro rin na ang mga trying hard na sina Roxas, Sen. Alan Cayetano at Antonio Trillanes ay hindi kinakagat ng publiko kahit pa may mga punto at nasa tamang direksyon ang ginawa nilang pag-iimbestiga sa Senado.


Sa madaling salita, ayaw na ng tao sa trapo o mga dating politiko dahil ang pakiramdam nila ay wala namang magbabago sa pamahalaan kung ito pa rin ang kanilang ilalagay sa pwesto.


Medyo matagal pa ang laban pero klaro na naghahanap ang tao ng bagong mukha dahil nabusabos lamang ito ng mga trapong politiko na magaling lamang sa panahon ng halalan.


Mabigat ang laro tinatahak ng LP pero kakayanin nila ito kung magpapalit sila ng pambato sa tao. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


.. Continue: Remate.ph (source)



TAGILID SI ROXAS?


NANG-AASAR KA BA, MR. NOYNOY AQUINO?

BAGO ka maupo, tinawag mo kaming BOSS mo. Kesyo ihahatid mo kami sa Matuwid na Daan. Palakpakan lahat nang ipatigil mo na literal ang paggamit ng wang-wang. Pero ano nangyari?


Natuwa ang mamamayan sa pangako mo na pagbabago at pag-unlad. Lalo na sa sunod-sunod na pagsasampa ng kaso sa mga itinuro mong korap. Nagpakulong ka pa. Sina Juan at Maria ay pumalakpak sa tuwa.


Mahigit ka nang apat na taong President, G. Benigno Aquino III. Mula sa iyong panunumpa hanggang ngayon, wala kang sinabi na bago. Paulit-ulit. Puro kwento tuloy. Pero walang kwenta!


Tingnan mo ang iyong modernisasyon para sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police (AFP-PNP). SA PNP, namili ka ng libo-libong pistola at ripple pero kulang naman sa bala. May mobile pa pero nauubos sa mga politiko at tauhan mo ang kanilang gasoline.


Sa AFP, bumili ka ng dalawang barko na pandigma. Ipinagyabang mo iyan at ginamit para takutin ang mga mangingisdang Chinese mula China. Resulta, inangkin nila halos lahat ang isla natin! Asan na ‘yung mga barko mo?


Kailan lang, sumingaw ang baho sa Defense Department ni Voltaire Gazmin. Yes, sa ngalan uli ng iyong ipinagyabang sa SONA na modernisasyon. Sa halip na matuwa ang AFP, lalo na ang Philippine Air Force sa binili mo na 21 helicopter, nanggagalaiti sila sa iyo sa galit!


Aba, sino nga ang sasakay sa UH-1D na kulang-kulang ang piyesa? Sabi ng mga piloto, katumbas ng lumilipad na kabaong ang UH-1D. Sa mga taga DND-Malacañang na nagsasabing pareho lang ang UH-1D sa UH-1H, isama mo silang sumakay at paliparin nga ninyo ito papuntang Maguindanao?


Bakit hindi mai-deliver ‘yung F-50 jets ng South Korea na sabi ninyo inorder ninyo? Hep, hindi mga bago iyan batay sa inyong press releases, ha. Segunda mano pa rin. At least, consistent kayo sa moderisasyong luma lahat.


Bakit ayaw ninyong ilabas ang donasyon ng US Armed Forces na nagamit na nila ngunit parang bago pa rin ang LABING WALO NA TANGKENG PANDIGMA? Ang mga tangke ay parang bago, umaandar nang maayos at may mabibili agad na piyesa sakaling masira.


Bakit hindi ninyo tinanggap? Bakit, “BUMILI KAYO NG DALAWANG TANGKE NA SIRA NA NAMAN o LUMANG APC???!!!”


Sobra na ang kasakiman ninyo sa pera. Bilyon-bilyon na dapat ay ginamit sa serbisyong pangtao, ubos!


Huwag mong sabihin na “niloko at ginawa ka na naman tanga,” this time ng DND?


Nang-aasar ka ba, Mr. Aquino? BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



NANG-AASAR KA BA, MR. NOYNOY AQUINO?


HUKOM KORAP NA, MANYAK PA

GINAWA nang libangan nitong tiwaling mahistrado ng Court of Appeals ang pag-iisyu ng writ of preliminary injunction kapalit ng milyon-milyong piso bilang kabayaran sa kanyang pagtataksil sa sinumpaang tungkulin.


Kaya naman hindi lang ang mga nabiktima ng Hukom mula sa Mataas na Hukuman ang naiirita sa kanya kundi maging ang Coalition of Filipino Consumers, ang grupong responsable sa pagsasampa ng kaso sa Ombudsman laban kay dating Philippine National Police chief Dir. Gen. Alan Purisima.


Dahil sa sobrang inis sa balitang nakarating sa kanya na may dalawang Hukom mula sa CA ang nagbebenta ng kaso, lalo na sa mga maiimpluwensyang tao, gigil na sinabi ni Perfecto Tagalog, secretary general ng CFC, na dapat ibase ang mga desisyon ng kaso sa merito at hindi sa salaping itinatapal sa mukha ng Hukom.


Kaya nga ang isa sa dalawang Hukom na kilala ng koalisyon ay dapat matakot at magbago na dahil hindi siya patatawarin ng grupo kapag nagkaroon ng sapat na ebidensya laban sa kanya.


Kilala na kasi ang nasabing Hukom na dating halal na public servant sa isang lalawigan sa South.


Ang matindi rito, mataas ang libido ng manyakis na Hukom na ito sapagkat may ikino-condo, take note hindi ibinabahay, ang lalaking ito na isang dating starlet subalit nalaos na ngayon. May ampon ang mga ito.


Tulad nang ginagawang pamemera ng Hukom sa mga kliyente ng kanyang silid tanggapan, ang babae nito ay walang humpay rin ang pamemera sa kanyang lover boy.


Nakagugulat pa ang pagkakahumaling nito sa iba pang babae, bukod sa nalaos na starlet na sinasabing mahusay naman ang serbisyo sa mahilig na mahistrado.


Tuloy-tuloy ang pambababae nito kaya madalas na makita ito sa Shangrila Hotel, kasama ang mga babaeng bayaran. Matindi talaga ang libog sa katawan ng mamang ito.


Marami nang naipon ang tiwaling opisyal na ito na nakatira sa Teachers Village sa Quezon City pero regular na nagtutungo sa kanyang farm sa San Pablo, Laguna kapag Sabado at Linggo.


Siyempre, milyon-milyon ang bentahan ng kaso sa korte kaya milyon-milyon din ang kanyang naisubi at ipinambili ng ari-arian kung saaan-saan.


Pero naniniwala pa rin ang maraming Filipino na mangilan-ngilan lang ang mahistradong tulad nitong nasa CA na bukod sa pagiging korap ay manyak din.


Ilang panahon na lang ay matatapos na rin ang pamamayagpag ng justice na ito na walang ginawa kundi lagyan ng bahid ang malinis na kredibilidad ng kanyang hukuman, ang CA. PAKUROT/LEA BOTONES


.. Continue: Remate.ph (source)



HUKOM KORAP NA, MANYAK PA


Mga banyaga, bawal magpapapako sa krus sa Cutud, Pampanga ngayong taon

Ilang araw bago ang tradisyunal na pagpapapako sa krus ng ilang deboto sa San Fernando, Pampanga, ilang deboto na ang sinimulang magpadugo ng kanilang likuran gamit ang paghampas ng burilyo. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Mga banyaga, bawal magpapapako sa krus sa Cutud, Pampanga ngayong taon


ANG AHAS, ADAN AT EBA SA HALAMANAN

SUMPA ang aabutin ni Pangulong Noynoy Aquino kabilang na ang mga heneral na umuto sa kanya kaya nailagay sa kumunoy ng kamatayan ang tinaguriang ‘SAF 44’.


Ito’y kung pagbabasehan natin ang naging hatol ng Panginoong Dios sa ahas na umuto sa uto-utong si Eba na kung saan nagpauto naman si Adan doon sa halamanan.


Nang matuklasan ng Dios na kumain si Adan ng ipinagbabawal na bunga ng kahoy sa halamanan, agad ininguso ni lalaki na inuto siya nung babaeng si Eba na ibinigay sa kanya ng Dios.


Tinanong naman niya itong si Eba subalit mabilis niyang sinisi ang ahas na umuto sa kanya upang kumain ng nasabing ipinagbabawal na bunga. O ‘di ba, parang sina Purisima, Napeñas at PNoy lang ang eksena?


Isinumpa ng Dios ang ahas na umuto kina Adan at Eba kaya gumapang sa lupa at kumain ng alikabok si Mamang Puring este, si ahas. Si Napeñas naman, este, si Eba naman na nagpauto ay isinumpa rin gaya ni ahas.


Kasama sa sumpa kay Eba ang paghihirap sa kanyang panganganak kabilang na ang pagiging panginoon ng asawang lalaki sa kanyang buhay. Kaya tayong mga macho guwapito, huwag kang andres de saya tssk tssk.


Aba’y hindi rin ligtas sa sumpa ang uto-utong si PNoy, este, mali na naman, si Adan pala. Habambuhay siyang tatagaktak ang pawis sa trabaho upang mabuhay.

Pero ang pinakamasakit ay ang sumpa ng kamatayan.


Ganito ang naganap kung sisilipin natin ang ilang mga talata sa ikatlong kapitulo ng aklat ng Genesis ng Bibliya. Isusumpa ng Dios ang umuto na si Puring, ang uto-utong si Napeñas at ang nagpauto na si PNoy.


Hindi dahilan ang katwiran ni PNoy na nauto lamang siya ng mga heneral kaya wala siyang kasalanan. Batay sa pamantayan ng Dios ay may pananagutan din ang nagpauto tulad nina Adan at Eba.


Hindi ubra sa Dios ang nguso-nguso ng sisi sa iba gaya ng ginawa ni PNoy sa isyu ng engkwentro sa Mamasapano. Walang duda na makakamtam din nila ang sumpa ng kanilang kapalkapan. Biyak ang nguso nila pagdating ng araw!


***

Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


.. Continue: Remate.ph (source)



ANG AHAS, ADAN AT EBA SA HALAMANAN


1 Pinoy patay, 3 sugatan sa bomb attack sa Libya

MANILA, Philippines – Isang overseas Filipino workers ang nasawi sa pagsabog ng bomba sa Zawiya, Libya. .. Continue: Philstar.com (source)



1 Pinoy patay, 3 sugatan sa bomb attack sa Libya


‘He should just keep quiet at harapin ang kaso sa korte’ – Sunshine Cruz

ISA sa mga nakachikahan namin nitong linggo ay ang comedian-host na si Wally Bayola. Sa pagkakataong ito kinamusta namin siya. Ano na ba ang mga pinagdaanan niya after the scandal incident at paano niya ito minanage nu’ng mga oras na ‘yun at paano ba niya ito na-overcome lahat?


“Medyo mahirap talaga ‘yun mga nangyari para sa akin at sa pamilya ko pero kumawala na ako sa fear. Kasi sabi sa’kin, ‘di ko rin matutulungan sarili ko sa trauma na dinanas ko kung ‘di ko tutulungan sarili ko.


“Siyempre, siyempre, sabihin na natin ‘yung huling nangyari is kumbaga aksidente or whatever na talagang kapalpakan o sabihin natin na scandal nga, scandal nga. Even nag-sorry ka na, kahit may mga tao na nagsasabing ‘It’s ok’, may mga gumagawa niyan mas malala pa nga. Move on, move on,” bungad niya.


Saan ba siya kumuha ng lakas para ma-overcome ang lahat ng nangyari sa kanyang buhay?


“Una sa Diyos, sa pamilya ko, sa mga tao, parang sila ‘yung nagsasabing ‘Ano ba?’ Sila na rin ‘yung kumbaga (nagsasabing) ‘Wala na kaming time sa ganyan.’ Parang, ‘Stop it, move on ka na. Di na kailangan pag-usaapan pa o balikan ‘yang issue na ‘yan. Just move on’. So ako naman, ‘Let’s go! Let’s move!’ Kasi wala naman talaga sa mga tao. I’m very thankful talaga na kahit papaano natulungan ko rin sarili ko to stand up. Sa mga tao, wala na sa kanila, e. Ako lang talaga!” sey pa niya.


Kamusta na ba ang relasyon niya sa kanyang pamilya before and after the scandal na kinaharap niya? “We’re in good terms naman, medyo apektado rin ng mga oras na ‘yun pero hindi rin sila tumigil na suporthan ako sa naging dagok ko sa buhay. Sobrang thankful ako ‘run. Sa mga nangyari noon at ngayon.”


***


Nitong Martes, March 24, sa Quezon City Hall of Justice, muling nagkaharap ang dating mag-asawang sina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Sa kanilang panayam, parehas sila nagbigay ng mga saloobin patungkol sa kasong isinampa ng aktres na annulment of marriage sa dating asawa na si Cesar Montano.


Para kay Cesar,”Stay will the Truth! Sabihin n’yo ang totoo. ‘Wag nyong hayaang turuan kayo ng mga kasinungalingan. Tandaan n’yo ang bawat sasabhin n’yong panget at hindi totoo ay makasisira sa inyong ama na nagpapaaral at nagbibigay sa inyo nang lahat ng inyong pangngailangan. Pls pray, for Me, Your Mommy!” sey ni Cesar.


Ayon naman kay Sunshine, “This is about annulment. This is not about the kids. The kids are telling the truth.”


Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagkita muli ang mag-asawa matapos magsimula ang isyung kinasasangkutan nila ngayon. Dagdag pa ni Sunshine sa kanyang pahayag, “I don’t want to talk to him. Sa totoo lang, ang dami-rami niyang sinasabi kasi na kung tutuusin, as the father of my kids and my ex-husband, hindi na dapat niyang sinasabi. He should just keep quiet and harapin na lang niya kung ano ‘yung kaso na nasa korte.”


Kamusta naman ang muling pagkikita nila? “Wala naman. Okay lang! Nasa left siya, nasa right ako. Nakita ko siya kaso sideview lang. ‘Yun lang at hindi naman ako intresado na tingnan siya. Let’s move on!” sey pa niya. SABEEEEE!/THROY J. CATAN


.. Continue: Remate.ph (source)



‘He should just keep quiet at harapin ang kaso sa korte’ – Sunshine Cruz


WATCH: Mga celebrity na gumanap sa karakter bilang Kristo at mga Santo

Alam ba ninyo na ilang celebrities na ang gumanap sa karakter bilang si Hesukrito at mga Santo para bigyang-buhay ang kanilang mga kuwento sa pelikula, telebisyon at entablado. Kilala ba ninyo kung sinong aktor ang madalas na gumanap sa papel na Anak ng Diyos na ipinako sa krus? .. Continue: GMANetwork.com (source)



WATCH: Mga celebrity na gumanap sa karakter bilang Kristo at mga Santo


Napaiyak si Matteo dahil sa sweetness ni Sarah!

GRABE ang pagmamahalan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil ipinararamdam nila sa publiko.


May kuha sila na mahigpit ang yakap ni Matteo sa nakaraang concert ni Ed Sheeran.


Sa nakaraang kaarawan naman ng actor ay napaiyak siya habang binibigay ni Sarah ang kanyang birthday wish, “I love you… Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal mo. You are now becoming a man and I pray that you will continue to seek God, that you will become the man that God has planned you to become, okay? Ako man ang makatuluyan mo o hindi. I love you.”


How sweet! Pak!


-0o0-


Marami na ang nasasabik na muling magtambal sina Alden Richards at Louise Delos Reyes.


Kung si Alden ay open na muling makasama si Louise, ang aktres naman ay nasasabik na sa tandem nila. Hindi maitatanggi na rater ang tandem nila kaya hindi malabong pagsamahin ulit sila ng GMA 7.


Almost one year na rin na walang serye si Louise after Kambal Sirena. Hindi kaya nabigyan siya ng leksyon dahil sa pagkaka-link niya noon kay Aljur Abrenica?


Sa Sunday All Stars lang siya madalas mapanood at sa kawalan ng serye ay sinasabi nilang flooder siya sa kanyang Instagram Account. Kumbaga, masipag mag-post ng kanyang mga larawan.


Talbog!


-0o0-


Hindi break sina Gerald Anderson at Maja Salvador. At hindi pumapalag si Gerald sa pagsasayaw ng sexy ni Maja sa kanyang sexy dance number sa kanyang bagong serye.


Sexy naman daw si Maja. Alangan namang itatago niya ‘yun. Naiintindihan niyang trabaho ‘yun.


Pak!


-0o0-


Marami ang nagsasabi na malaki ang chance ni Karla Estrada na manalo sa “Your Face Sounds Familiar”. ‘Pag pumasok daw ito sa top 4 ay siguradong susuportahan siya ng Kathniel at iboboto sa text.


Pero may mga nagsasabing kokontrahin daw ito ng nga karibal ng Kathniel gaya ng fans nina James Reid at Nadine Lustre. Nandiyan pa ang sumisikat na tandem nina Enrique Gil at Liza Soberano. Posibleng ibibigay nila ang suporta sa mga kalaban ni Karla.


Samantala, tumitindi at nagiging bayolente ang ilang fans ng Kathniel. Diumano’y sasabuyan nila ng kumukulong mantika si Nadine lalo’t sinasabing kahawig ito ni Kathryn. May masama pang binabansag ngayon sa Jadine fans group.


Pinagsasabihan naman ni Daniel ang mga fans na ‘wag sadista at ‘wag awayin sina James Reid at Nadine Lustre. Mabubuting tao raw ang mga ito. Mas maganda na maging happy na lang lahat.


Tama!


-0o0-


Isa sa hilig ng bida ng Second Chances na si Jennylyn Mercado ang diving.


Favorite past time niya ang mg-explore underwater dahil ayon sa kanya kakaibang mundo talaga ito. Kaya’t hindi nakapagtataka na ngayong darating na Holy Week ito ang gagawin niya. Sa Malapascua in Cebu, diving with sharks ang plano ng award-winning actress. XPOSED/ROLDAN CASTRO


.. Continue: Remate.ph (source)



Napaiyak si Matteo dahil sa sweetness ni Sarah!


Francine Prieto in-demand ngayon sa pagbebenta ng sariwang itlog

PAGTAASAN man siya nang kilay ng iba, deadma lang ang dating bombshell ng Seiko Films na si Francine Prieto sa mga hindi naniniwala na hindi siya involved sa flesh industry. Kasi ‘yun naman talaga ang totoo na kahit wala na siyang datung at kahit na umabot pa siya sa pagdildil ng asin ay never daw gagawin ng sexy actress ang magbenta ng katawan kapalit ang marangyang buhay. At isa kami sa naniniwala sa sinseridad ni Francine dahil noong makasabay namin ito ng BFFT kong si Pete A. sa isang guesting namin noon sa defunct ng Face The People sa TV 5 ay sinabi nito sa show na sa kawalan daw niya ng raket ay dumating siya sa punto na P500 lang ang laman ng kanyang wallet.


Looking back, kung anu-ano na raw trabahong marangal ang gusto nitong pasukin para magkapera lang. Natutuwa naman kami sa bagong balita nakarating sa amin about Francine, na nagtayo raw ang actress ng small business na may kinalaman sa pagbebenta ng sariwang mga itlog at sabi ay in-demand ang negosyo nito ngayon at marami na siyang na mga costumer na kung mag-order ng kanyang paninda ay maramihan talaga. Bawat isang tray ng itlog ay P180 ang benta ni Francine at free delivery siya kapag maramihan ang kinuha.


At sosyal dahil makikita rin sa internet site ng aktres ang negosyo niyang ito na FraP kung saan pwede kayong mag-order sa AskFrancineP@gmail.com. Maging ang beteranong journalist na si Teddy Boy Locsin ay highly recommended daw ang nasabing business ni Francine. Eh, ‘di wow gyud! WALANG KIYEME/PETER LEDESMA


.. Continue: Remate.ph (source)



Francine Prieto in-demand ngayon sa pagbebenta ng sariwang itlog


Jinggoy, sobrang masakit daw ang balikat; nais madala sa ospital

Hiniling ni Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan nitong Martes na payagan siyang makalabas ng piitan para madala kaagad sa Cardinal Santos Medical Memorial Hospital dahil sa matinding sakit na nararamdaman sa balikat. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Jinggoy, sobrang masakit daw ang balikat; nais madala sa ospital


Mega depressed dahil wala nang pag-asang magka-show!

HAHAHAHAHAHAHAHA! He who laughs last laughs the loudest. And I’m doing it now. Hahahahahahahaha!


Finally, come uppance or retribution has caught up with Bubonika, the rat-faced chakita.


Dati talaga, ang feeling ng sinaunang (sinauna raw talaga, o! Harharharharhar!) humal ay wala nang katapusan ang kanyang pagre-reyna sa mga showbiz-oriented talkshows.


In fairness, top-rating naman talaga ang showbiz-oriented talkshows na anchored niya before.


But only because Kuya Boy Abunda and Kris Aquino were not yet active then at the hosting department.


But things have inordinately altered when the duo started penetrating the turf once solely dominated by Crispy Chaka, along with her whimpwring and whining nasal tongue. Hahahahahahaha!


Anyhow, with the advent of Kuya Boy who’s the paradigm of wittiness, intellence and competence as a host, nagsimulang magkaroon ng comparison at eventually ay mailawan ang incompetence ni Bubogski bilang TV host.


Imagine, halos mapa-jingle talaga sa kanyang panty si Bubonic kapag may naliligaw na mga American guest sa kanyang show noon na Chakah Per Minute. Hakhakhakhakhak!


Anyway, nagsimulang mawalan sa kanya ng paniniwala ang network nang ma-compare nila ang brilliance ni Kuya Boy against Lola Fermi’s intrinsic kabaduyan. Hahahahahahahahaha!


Ang nakababaliw pa, alam na ngang salat na siya sa panlabas na kaanyuan, tinindihan pa ang lamon kaya ang ending, lomobo nang husto at lomodic ng tunay. Hahahahahahahaha!


Ang maganda pa kay Kuya Boy, he’s humane and innately caring.


Kumbaga, tumutulong nang walang bukeke o funfare.


Si Bubonika, tumutulong nga raw (nang barya-barya…Hahahahahahahaha!) pero gusto’y ipaalam sa sanlibutan.


Si Kuya Boy, he helps to forget.


Meaning, bukal sa kanyang kalooban ang pagtulong at hindi paimbabaw lang tulad ni Chakita, the lomodic chakah. Hahahahahahahahaha!


Looking back, nakatulong lang na madala sa Bikol ang bangkay ng nakatatandang kapatid ni Nong na si Pareng Edgardo Naval (si Major Jude Estrada ang talagang gumawa ng paraan para madala sa Bikal, Libmanan, Camarines Sur ang labi ni Pareng Gardo), hayan at ikinalat na sa apat na sulok ng show business ang ginawa raw niyang tulong.


Ang kapal!


Over sa kapalllllll!


Yuck!


At any rate, lately, dahil hindi isinali sa showbiz-oriented talkshow nina IC Mendoza na trinaydor niya pati ang ina nitong si Dolly Anne Carvajal no’ng time na siya pa ang reyna sa Cinco, kiyemeng promote to death daw sa kanyang ratingless na radio program na pipito lang yata ang nakikinig, kamag-anak incorporated pa niya ever. Hahahahahahahahahahahaha!


Yuck!


At any rate, God really never sleeps. He knows who’s the real villain and bitch who’s hiding in the beguiling image of a mother hen personality.


Yosi-kadiri!


I’m sorry, lola, but you’ve unfortunately reached the end of the line.


Butata ka na day at hopeless na ever, why don’t you just peddle some Maruya along the Parada, Valenzuela area? Doon ka nababagay, sa totoo lang!


Hahahahahahahahahaha!


Babetchbetch gurangski! Hahahahahahahahahahaha!


EDGAR ALLAN GUZMAN’S SECOND COMING!


Mahuhusay ang mga personalidad na kasama niya sa show na Your Face Sounds Familiar but I have to give credit to the underrated competence of Edgar Allan Guzman.


Kahit noong gayahin niya si Gary Valenciano, kitang-kita na ang kanyang pagiging isang mahusay na mimic pero for some reasons, hindi gaanong impressed sa kanya ang mga board of judges na kinabibilangan nina Gary Valenciano, Jed Madela at Megastar Sharon Cuneta.


But the other week, he practically brought the house down with his flawless impersonation of teen idol Daniel Padilla.


Honestly, kung mahusay siya sa impersonation niya kay Gary V., mas believable at kapani-paniwala ang emote niya bilang Daniel Padilla. Imagine, he was able to ape not only Daniel’s body movements and appealing vocals but his arresting looks as well. Hahahahahahaha!


No wonder, Maxine Magalona’s palpably smitten with his intrinsically sex appeal and appealing maleness.


Appealing maleness raw talaga, o! Hahahahahahahahaha!


Exaggeration aside, Allan’s so telegenic and so manly. Hahahahahahaha!


Ang komontra, magiging dead ringer ni Bubonika. Hakhakhakhakhakhakhakhak!


TYRONE HAS FOUND HIS NICHE IN THE SUN!


Inasmuch as he really loves our country, Tyrone Oneza must admit that he has found his niche in the sun in Barcelona, Spain where he, along with his protege Martina Ona, happens to be a veritable celebrity.


Kung sa Pinas ay hindi siya gaanong tinitilian and is considered one of the many struggling but gifted talents, in Barcelona, Spain he gets paid a cool 1,500 Euro every show or roughly P150,000.00 in our country?


Now, isn’t that something that’s perfectly impressive?


Pero iba nga ang kaway ng Pinas sa ating kaibigan kaya naman he always comes back to his homeland to get anchored.


Nice naman, ‘di ba?


Anyway, two weeks from now, Tyrone is going to pay our country a visit to renew some old acquaintances and do some shows on the side.


Welcome home, Tyrone. You’re being missed by your friends and fans alike.


***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mega depressed dahil wala nang pag-asang magka-show!


BIFF high ranking leader, natiklo

NAKUWELYUHAN ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) ang isang high ranking BIFF leader sa Cotabato City.


Ipinaalam ni Lt. Col. Harold M. Cabunoc, Chief, Public Affairs Office, AFP, na ang suspek na si Abdulgani Esmael Pagao ay naaresto sa loob ng Campo Muslim, sa Bgy. Mother Bagua, Cotabato City nitong Martes, alas-8:30 ng gabi.


“He did not resist arrest when the law enforcers served the arrest warrant issued by Executive Judge Bansawan Z. Ibrahim,” pahayag pa ni Lt. Col. Cabunoc.


Nakumpiska kay Pagao ng cal. 45 M1911 pistol at isang fragmentation grenade.


Ibinigay naman agad si Pagao sa PNP’s Criminal Investigation and Detective Group para sa inquest proceedings.


si Pagao ay ikinokonsiderang second ranking BIFF leader na natiklo ng gobyerno simula nang ilatag ang law enforcement operations laban sa BIFF noong Pebrero 2015.


Isa pang lider na si Commander Bisaya, ang napatay sa pakikibakbakan sa tropa ng pamahalaan sa Datu Unsay town noong Marso 29.


Tinapos na ni Gen. Gregorio Catapang, Jr., AFP Chief-of-Staff, ang “all out offensive operations” laban sa BIFF dakong 12 p.m. noong nakaraang Lunes (Marso 30).


Gayunman, nagpapatuloy pa rin ang calibrated law enforcement actions laban sa mga bandido na gumagamit ng small unit patrols. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



BIFF high ranking leader, natiklo


3 lagas sa pagtatapos na Fire Prevention Month

BAGO magtapos ang Fire Prevention Month, tatlong katao ang nalagas kabilang ang dalawang paslit sa naganap na sunog sa Zamboanga Sibugay, kaninang madaling-araw (Marso 31).


Ang bangkay ng tatlong biktima na isang biyuda at dalawang anak na babae na hindi nakuha ang mga pangalan ay inilalabas ng mga residente habang nakasilid sa body bag.


Sa ulat, naganap ang sunog dakong 1 a.m. sa bahay ng mag-iina sa may Ipil town, Zamboanga Sibugay.


Bago ito, binulahaw ang pagtulog ng mga residente nang biglang umapoy ang bahay ng mag-iina.


Sa biglang laki ng apoy, na-trap ang mga biktima sa loob ng kanilang nasusunog na bahay na napag-alamang sanhi ng nabuwal na kandila.


Naapula ang sunog dakong 4 a.m. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



3 lagas sa pagtatapos na Fire Prevention Month


Maynila, wala ng pasok ngayong Martes – Mayor Erap

BILANG paggunita sa Semana Santa, idineklara ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na wala ng pasok ngayong araw (Abril 1) ang mga empleyado sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.


Ayon kay Mayor Estrada, nagdeklara na agad ito na wala ng pasok ngayong Miyerkules Santo ang mga empleyado ng City Hall upang mapahalagahan ng mga ito ang panahon ng Mahal na Araw bukod pa sa karamihan ng mga empleyado ay nais makauwi sa kanilang probinsya.


Balik sa normal ang trabaho ng mga empleyado sa Manila City Hall sa darating na Lunes matapos ang Semana Santa.


Nilinaw naman ni Mayor Estrada na hindi kasama ang mga health workers partikular na ang mga nagpapatakbo sa mga pampublikong ospital ng lungsod ng Maynila sa idineklara nitong walang pasok.


Samantala, half day naman ang mga pasok sa mga empleyado sa hudikatura. JAY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



Maynila, wala ng pasok ngayong Martes – Mayor Erap


Negosyante kulong sa shabu at baril

SWAK sa kulungan ang isang negosyante matapos mahulihan ng shabu at mga baril sa isinagawang pagsalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga pulis sa bahay nito sa Tuguegarao City, Cagayan kagabi, Marso 30.


Kinilala ni PDEA Director General Usec. Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Jacinto Mallillin, 37, alyas Jack, may asawa ng Bgy. Atulayan Norte, Tuguegarao City, Cagayan.


Ayon sa PDEA dakong 10:00 ng gabi sinalakay ng PDEA Regional Office 2 (PDEA RC2) sa ilalim ni Director Juvenal Azurin, National Bureau of Investigation (NBI) Cagayan Valley Regional Office (CAVRO) at Tuguegarao City Police station hinalughog ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng RTC Branch 1, Tuguegarao City na nagresulta ng pagkakadakip ng suspek.


Nakumpiska mula rito ang 15 gramo ng shabu na may street value na P45,000, jsang Colt AR-15 cal. 5.56, isang Remington cal. 45 pistol, Pietro Beretta cal. 9mm pistol, ARMSCOR cal. 45 pistol, iba’t ibang uri ng money remittance na resibo, bank transactions, dalawang passbooks at Mitsubishi Montero GLX (WRO-827).


Nakapiit ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Bukod sa kasong illegal drugs ay nahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms). SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Negosyante kulong sa shabu at baril


Mag-asawa, anak sugatan sa sunog

DAHIL sa napabayaang cellphone charger, nasunog ang may anim na kabahayan na ikinasugat ng tatlong katao sa Quezon City kaninang madaling-araw (Marso 31).


Nagkasugat-sugat sanhi ng pagtalon mula sa ikalawang palapag ng kanilang nasusunog na bahay ang mga biktimang sina Tomas at Elizabeth Lanuza at kanilang anak na si Steven, 11.


Sa ulat, nagsimula ang apoy sa dakong 12:10 a.m. sa isa sa anim na kabahayan sa Novaliches, Q.C.


Ayon sa mga residente, bago ang insidente ay nakaamoy sila ng nasusunog na electrical wirings.


Sa pag-aakalang may nagsisiga lamang, hindi nila ito pinansin at bagkus ay nagpatuloy sa kanilang ginagawa sa bahay.


Pero nang biglang lumaki na ang apoy sa isa sa mga kabahayan ay nagkanya-kanya na silang paghakot sa kanilang mga gamit.


Naipit naman ang pamilya Lanuza kaya napilitang tumalon mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay


Sa pagsisiyasat ng arson investigators ng Bureau of Fire Protection (BFP), napag-alamang nagsimula ang sunog sa isang napabayaang cellphone habang nagcha-charge.


Pasado alas-dos ng madaling-araw nang maapula ang apoy. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Mag-asawa, anak sugatan sa sunog


Hindi bawal maligo at kumain sa Mahal na Araw – CBCP

NILINAW ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) na hindi bawal kumain at maligo ngayong Semana Santa.


Ang paglilinaw ay ginawa ni CBCP president at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Socrates Villegas dahil nakaugalian na ng ilang matatanda na hindi maligo at kumain tuwing Huwebes Santo at Biyernes Santo dahil ayon sa kanila ay mahigpit itong ipinagbabawal.


Pinabulaanan naman ito ni Villegas at sinabing maging ang panonood ng telebisyon ay hindi rin ipinagbabawal ng simbahan.


Paliwanag pa niya, iisa lamang ang bawal gawin tuwing Mahal na Araw, at kahit hindi panahon ng Semana Santa, at ito ay ang paggawa ng kasalanan dahil ito ang naghihiwalay sa mga tao sa Panginoon.


“Ang pinagbabawal ay iisa lang, kasalanan. Sapagkat sa pamamagitan ng kasalanan, nahihiwalay tayo sa Diyos,” ani Villegas. MACS BORJA


.. Continue: Remate.ph (source)



Hindi bawal maligo at kumain sa Mahal na Araw – CBCP


LGUs sa ilang bahagi ng Visayas at Southern Luzon, pinaghahanda sa bagyo

Pinaghahanda ni Interior and Local Government (DILG) secretary Mar Roxas ang mga lokal na opisyal sa silangang bahagi ng Visayas at katimugang bahagi ng Luzon na maging handa sa posibleng maging epekto ng paparating na bagyong si "Maysak" (international name). .. Continue: GMANetwork.com (source)



LGUs sa ilang bahagi ng Visayas at Southern Luzon, pinaghahanda sa bagyo


Bank hours ngayong Semana Santa, inanunsyo

INANUNSYO ngayon ng pamunuan ng anim na bangko, sa kanilang mga kliyente, kaugnay sa iregular na oras ng operasyon ngayong Holy Week.


Ayon sa BPI Islands, BPI Family Savings Bank, Philippine Savings Bank, Philippine Veterans Bank, Security Bank at UCPB, hanggang bukas, Abril 1, lamang sila bukas at muli silang mag-ooperate sa Lunes, Abril 6.


Mananatili namang bukas ang dalawang branch ng security bank, ang una ay sa NAIA na bukas sa Abril 2 at 4; habang bubuksan naman sa Abril 5, Easter sunday ang kanilang mga branch sa Sta. Elena at 168 shopping mall sa Binondo.


Sa kabila nito, tiniyak naman ng mga bangko na maari naman magsagawa ng transaksyon sa pamamagitan ng online at mobile banking, at kanila din lalagyan ng cash ang ATM, bago mag-Huwebes Santo. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bank hours ngayong Semana Santa, inanunsyo


Biyahe ng MRT, LRT at PNR, lilimitahan bukas

LILIMITAHAN ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR) bukas, Miyerkules Santo.


Ayon kay MRT General Manager Roman Buenafe, isasagawa ang pagpapalit ng mga depektibong railroad tracks sa pagitan ng Ortigas at Santolan stations.


Nauna nang inihayag ng pamunuan ng MRT na magsisimula ang kanilang operasyon bukas ng alas-4:30 ng madaling-araw.


Magsasara ang North Ave. station ng alas-7:40 ng gabi habang sa Taft Ave. station ay alas-8:20 ng gabi.


Sa LRT lines 1 at 2, alas-8:00 ng gabi naman ang mga huling biyahe nito.


Ngayong Holy Week, limitado rin ang operasyon ng PNR na bumabiyahe mula Tutuban hanggang Calamba.


Magbabalik ang regular na operasyon ng MRT-3, at LRT-1 at 2 sa Abril 6, Lunes. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Biyahe ng MRT, LRT at PNR, lilimitahan bukas


4 rebelde lagas sa bakbakan sa Bukidnon

INAKUSAHAN ngayon ng isang pamilya na minasaker umano ng militar ang tinatayang 50 magsasaka na nagresulta sa pagkamatay ng apat nitong kasamahan habang tatlong iba pa ang sugatan sa Bgy. Mantibugao sa bayan ng Manolo Fortich, Bukidnon.


Kinilala ang namatay na mag-amang si Enemesio Sr. at Pepe Casas na taga-Kibawe, Bukidnon; Bernabe Sacurom ng Claveria, Misamis Oriental; at Rosalie Aluto ng Bgy. F.S. Catanico ng nasabing lungsod.


Ayon sa anak ni Casas Sr. na si Anabel Casas-Valle, hindi nanlaban ang kanyang ama subalit wala pa rin itong habas na pinaulanan ng mga bala ng special force ng tropang militar.


Inaakusahan din nito ang mga sundalo na kumuha sa mga paninda nila sa kasagsagan ng engkwentro.


Una nang nasugatan at dinala sa pagamutan sina Enemesio Casas Jr., Jessie Meo-Meo at Eliseo Dacumo na pawang taga-Kibawe, Bukidnon.


Samantala, kinumpirma naman ng pulisya na hawak na nila ang testigo na makapagpapatunay na grupo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nakasagupa ng militar sa nasabing lugar.


Inihayag ni Manolo Fortich Police Station chief of police C/Insp. Dante Incaso na maging ang kanilang hawak na testigo ay dati umanong hinikayat na sumali sa kilusan.


Iginiit pa ng testigo na hiningian pa umano ito ng membership fee upang maging kasapi at mabigyan ng sariling armas.


Samantala, ani 403rd Brigade, Philippine Army commander Lt. Col. Jesse Alvarez na isang armadong grupo ang kanilang nakasagupa na ikinamatay ng apat na katao.


Sinabi ni Alvarez na hindi sana mangyayari ang bakbakan kung hindi nagdadala ng mga baril ang mga namatay na biktima. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



4 rebelde lagas sa bakbakan sa Bukidnon


17 arestado sa pekeng gadgets sa Quiapo

ARESTADO ang 17 katao sa pamemeke ng libo-libong smartphone nat tablets sa Quiapo, Manila.


Karamihan sa naaresto ay mga Chinese na hindi umano nakaiintindi at nakapagsasalita ng Filipino.


Sa ulat, ni-raid ng Manila District Police Intelligence Operations Unit ang isang warehouse ng gadgets sa Quiapo, Maynila.


Sa bisa ng search warrant, napasok ng awtoridad ang lugar na pagmamay-ari ng Sky High Marketing Corporation at tumambad sa kanila ang kahon-kahong units ng smartphones at tablet.


Nakitang rehistrado naman ang mga produkto ng “Ace” na gawang China at may ICC stickers ang mga ito.


Pero ang modus operandi ng grupo, tinatastas ang orihinal na tatak saka pinapalitan gamit ang engraver, na narekober din sa lugar.


Naibebenta ang mga pekeng gadgets mula P4,500 hanggang P7,000.


Lahat ng nasakote ay dinala sa presinto para maimbestigahan.


Bukod sa warehouse, nasabat din ng mga operatiba ang ilan pang ide-deliver nang paninda sa merkado kaya umabot sa 9,700 units ang nakumpiska. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



17 arestado sa pekeng gadgets sa Quiapo


Pag-angkin ng Pinas sa Sabah, nananatili – Palasyo

MATIBAY ang hangarin ng pamahalaang Pilipinas para igiit ang pag-aari nito sa Sabah na inaangkin din ng Malaysia.


Tugon ito ng palasyo kaugnay ng mga balitang binibitiwan na nito ang pag-angkin sa pinagtatalunang teritoryo upang mahimok ang Malaysia na suportahan ito sa kasong isinampa sa United Nations laban naman sa China kaugnay ng West Philippine Sea.


Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na walang katotohanan ang mga naglabasang ulat. Katunayan aniya, ipinakita sa mga nagdaang taon na maganda ang relasyon ng Pilipinas at Malaysia.


Dagdag pa ni Lacierda, itinanggi na rin ng Foreign Affairs Department (DFA) ang balita sa pagsasabing ang note verbale na ipinaabot ng pamahalaan sa Malaysia ay tungkol sa West Philippine Sea at hindi sa Sabah. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pag-angkin ng Pinas sa Sabah, nananatili – Palasyo


Daloy ng trapiko sa NLEX at SLEX, maluwag pa

NORMAL pa ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEx) at South Luzon Expressway (SLEx) ngayong Martes Santo.


Iniulat na maayos ang daloy ng trapiko sa lahat ng kalsada papasok ng expressway pa-norte kabilang ang Balintawak, Mindanao Ave. at Karuhatan.


Inaasahan ng pamunuan ng NLEx na Miyerkules Santo pa mula alas-12:00 ng tanghali mag-uumpisang dumagsa ang mga motorista hanggang Huwebes Santo ng tanghali.


Sa mga pa-Timog naman ng Metro Manila, ibinalita ni SLEX Traffic and Safety Management chief Chito Silbol na maluwag pa rin sa ngayon ang sitwasyon.


Sa tala ng SLEx, madalas na nagkakaroon ng unang pagbuhos ng mga motorista tuwing Biyernes at Sabado bago ang Holy Week. At kaya nitong nakaraang linggo nga ay nagkaroon ng pagbigat sa Calamba Toll Plaza at Sto. Tomas patungong STAR Tollway.


Ang sunod na bugso nito ay ngayong Miyerkules.


Bukod sa mga ipakakalat na ambulant tellers oras na bulto na ang mga sasakyan, mayroon na ring off-site toll collector booth sa mga gas station sa expressway (Shell, Petron – southbound at Caltex, Shell – northbound) para mapabilis ang transaksyon.


Hinihikayat na maghanda na rin ng eksaktong toll para mapabilis ang transaksyon at biyahe. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Daloy ng trapiko sa NLEX at SLEX, maluwag pa


Presyo ng krudo, sumirit ngayong Semana Santa

IPINATUPAD na ng oil companies ang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong araw.


Nagtaas na ng presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng petrolyo kaninang madaling-araw.


Bandang alas-12:01 nagpatupad ang Shell at SeaOil ng P1.10 na dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.


Aabot naman sa P0.60 ang price hike sa kada litro ng diesel at P0.80 sa kerosene.


Mamayang alas-6:00 naman ay magpapatupad rin ang Phoenix Petroleum ng kaparehong taas-presyo sa gasolina at diesel.


Ang price hike ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa world market. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Presyo ng krudo, sumirit ngayong Semana Santa


Bagyo sa labas ng PAR, umaarangkada na sa Mindanao

UMAARANGKADA na ang bagyong nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa ilang bahagi ng Mindanao.


Sa ulat ni PAGASA weather forecaster Gladys Saludes, dahil sa trough ng Typhoon Maysak, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Caraga, Northern Mindanao at Davao region.


Huling namataan ang bagyo sa layong 1,980 kilometro silangan ng Northern Mindanao.


Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 165 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 200 kph.


Miyerkules ng gabi pa rin ito inaasahang papasok ng PAR na tatawaging Bagyong Chedeng.


Nakikita namang lalapit ito sa kalupaan ng Luzon sa Sabado o Linggo.


Samantala, ridge of high pressure naman ang patuloy na makaaapekto ngayong Martes sa Northern Luzon kaya asahan ang magandang panahon sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos region.


Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, magiging maaliwalas naman ang panahon bagama’t may pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyo sa labas ng PAR, umaarangkada na sa Mindanao


Pinoy tigok sa pambobomba sa Libya – DFA

KINUMPIRMA ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na namatay ang isang Pinoy sa pambobomba kahapon sa lungsod ng Zawiya sa Libya.


Gayunman, hindi pa pinapangalanan ni DFA spokesman Charles Jose ang nasawing Pinoy.


Nabatid na nasa civil war ngayon ang Libya bukod pa sa pamamayagpag ng militanteng ISIS.


Nasa walong Pinoy umano ang dinukot sa Libya kamakailan lamang at hanggang ngayon hindi pa tukoy ang kinaroroonan ng mga ito.


Napag-alamang itinaas na ng DFA sa level 4 ang alerto sa Libya at pinapauwi na ang may 4,000 mga Pinoy na nasa naturang bansa. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinoy tigok sa pambobomba sa Libya – DFA


2 patay, 2 sugatan sa banggaan ng SUV at motor

DEAD-ON-THE-SPOT ang dalawang katao habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos maaksidente sa kahabaan ng national highway na sakop ng Bgy. Nalvo Norte, bayan ng Luna, La Union.


Nakilala ang mga namatay na sina Exequel Tabaquero, ng Bgy. San Pablo sa bayan ng Balaoan at Richard Carino, habang sugatan naman sina Nestor Rapinian, at Edgar Orfano.


Ayon sa impormasyon galing sa Luna Municipal Police Station, bago ang aksidente, pa-timog ang SUV (VEX 932), na minaneho ni Lester Gabriel Atioan, 19, ng Bgy. Dalumpinas Este, San Fernando kung saan kasunod nito ang motorsiklo na minaneho ni Tabaquero.


Diumano, nag-overtake si Tabaquero sa SUV kung saan nabangga nito ang nakasalubong na hand trucktor na minaneho naman ni Jerwin Valdez, 22, ng Bgy. Paagan bayan ng Santol, hanggang sa bumagga ito sa SUV.


Sa ngayon, nagpapagamot sa hospital ang dalawang sugatan habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang aksidente.


Ang aksidente ay unang naitala sa lalawigan habang ginugunita ang Semana Santa kung saan dalawang ang namatay. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



2 patay, 2 sugatan sa banggaan ng SUV at motor


45 katao tigbak sa air strike sa Yemen camp

IPINABATID ng International Organization for Migration (IOM) na hindi bababa sa 45 katao ang nasawi sa air strike sa isang kampo na nilipatan ng mga tao sa northwest Yemen.


Ayon sa spokesman na si Joel Millman, nasa 65 na ang bilang ng mga nasugatan kung saan 75 IOM staff ang nagpaabot ng tulong sa mga biktima.


“IOM is reporting 45 dead among internally displaced persons, 65 injured (and counting), 75 IOM staff are on hand assisting the victims.” Ani Millman.


Sa naging report ng Doctors Without Borders (MSF) kanina, 15 ang napaulat na nasawi sa tumamang air strike sa Al-Mazrak camp sa Hajja province.


Kinumpirma rin ng UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) na tinamaan ang naturang kampo.


Una rito, naglunsad ng air strikes ang Saudi Arabia laban sa Houthi fighters sa Yemen sa nakalipas na limang araw. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



45 katao tigbak sa air strike sa Yemen camp


Mister iniwan ni misis, bahay ng biyenan pinasabog

PINAGHAHANAP na ng pulisya ang isang padre de pamilya na responsable sa pagpapasabog ng dinamita sa bahay ng kanyang mga biyenan sa Bgy. Minundas, Payao, Zamboanga Sibugay.


Sa report mula kay PO1 Richard Sumalinog Mercurio ng Payao municipal police station, nangyari ang insidente pasado alas-4:00 ng madaling-araw.


Lumalabas na ang suspek na si Abdulsatta Isaac ay iniwan ng kanyang misis na si Merelyn Isaac dahil binubugbog umano ito ng mister dahil sa matinding selos at umuwi sa bahay ng kanyang mga magulang.


Hindi umano matanggap ng suspek ang pakikipaghiwalay sa kanya ng misis kaya naisipan nitong pasabugan ng dinamita ang bahay ng mga biyenan.


Maswerte namang walang tinamaan dahil tumama ang dinamita sa puno ng kahoy.


Kaagad nakatakas ang suspek bago pa dumating ang mga pulis. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Mister iniwan ni misis, bahay ng biyenan pinasabog


Bus nalaglag sa bangin sa India, 11 patay

UMABOT sa 11 ang patay na nagbabadya pang tumaas matapos malaglag ang pampasaherong bus sa bundok sa eastern India.


Ayon kay police Superintendent Priyadarshi Alok, nag-overturn ang bus na ikinamatay ng mga biktima.


Iginiit pa nito na sugatan ang 26 pasahero at iilan dito ay kritikal sa Garhwa district ng Jhakhand state.


Sinasabing mula sa Raipur city ang bus patungong neighboring state ng Bihar nang mangyari ang insidente.


Una rito, ang bansang India ay may world’s deadliest roads na may mahigit 110,000 katao na namamatay taun-taon.


Karamihan ng mga aksidente ay isinisisi sa reckless driving, poor road at maintenance o aging vehicles. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Bus nalaglag sa bangin sa India, 11 patay


Monday, March 30, 2015

LISTAHAN: 2013 top 500 tax payers ng Pinas

MANILA, Philippines — Inilabas ng Bureau of Internal Revenue nitong nakaraang linggo ang listahan ng may mga pinakamalaking binayarang buwis noong 2013. .. Continue: Philstar.com (source)



LISTAHAN: 2013 top 500 tax payers ng Pinas


Epekto ni 'Chedeng' mararamdaman sa weekend

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagbabantay ng state weather bureau sa bagyong "Maysak" na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa .. Continue: Philstar.com (source)



Epekto ni 'Chedeng' mararamdaman sa weekend


Kaminsky lone unanimous choice in AP All-American team

WISCONSIN senior Frank Kaminsky was the lone unanimous choice in this year’s Associated Press All-American team.


AP released the list of its top five collegiate players on Monday.


Kaminsky helped lead the Badgers to their second straight Final Four appearance and led the team in scoring at 18.7 points per game.


Duke freshman Jahlil Okafor fell one vote shy of receiving a unanimous selection. Okafor averaged 17.5 points and 8.7 rebounds per game.


Also selected for the AP All-American team were Notre Dame senior Jerian Grant, Kentucky junior Willie Cauley-Stein and Ohio State freshman D’Angelo Russell. Noli Cruz


.. Continue: Remate.ph (source)



Kaminsky lone unanimous choice in AP All-American team


50% ng BIFF nalagas

MANILA, Philippines – Matapos na maiskoran at mapababa na ng mahigit 50% ang pu­wersa, inihinto na ng Armed Forces of the Philippines (ang all out offensive .. Continue: Philstar.com (source)



50% ng BIFF nalagas


Pagsuko sa Sabah itinanggi ng Palasyo

MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan kahapon ng Malacañang ang iniulat ng Vera Files na isinusuko na ng pamahalaan ang pag-angkin sa Sabah kapalit ng p .. Continue: Philstar.com (source)



Pagsuko sa Sabah itinanggi ng Palasyo


Imbitasyon kay PNoy sa Mamasapano iginiit

MANILA, Philippines – Hiniling ng Makaba­yan Bloc sa Kamara kay House Speaker Sonny Belmonte Jr. .. Continue: Philstar.com (source)



Imbitasyon kay PNoy sa Mamasapano iginiit


Banat ni Robin kay Alan isinisi sa lokal na pulitika

MANILA, Philippines – Ang pulitika sa Taguig City ang itinuturong dahilan ni Senator Alan Peter Cayetano kung bakit binabatikos siya ng aktor na si Robin Pad .. Continue: Philstar.com (source)



Banat ni Robin kay Alan isinisi sa lokal na pulitika


CGMA nanalanging huwag matulad sa kanya si PNoy

MANILA, Philippines – Ipinagdarasal umano ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. .. Continue: Philstar.com (source)



CGMA nanalanging huwag matulad sa kanya si PNoy


Langit kinakalampag ng Palasyo sa BBL

MANILA, Philippines – Maging ang langit at lupa ay kinakalampag na umano ng Malakanyang para maipasa ang kontrobersyal na Bangsamoro Basic Law. .. Continue: Philstar.com (source)



Langit kinakalampag ng Palasyo sa BBL


Pacman receives gift from Curry

MANNY PACQUIAO, a huge basketball fan and player-coach in the Philippine Basketball Association, received an autographed home jersey from Golden State Warriors sharpshooter Stephen Curry.


According to Warriors World, Pacquiao used to play ball at the Warriors’ practice facility in the past.


Pacquiao continues to play even during his training for his fight against Floyd Mayweather, Jr. on May 2. He recently won a bet against a reporter by knocking down a deep three-pointer. Noli Cruz


.. Continue: Remate.ph (source)



Pacman receives gift from Curry


PANG-UNAWA ANG HINIHILING NI PNOY

HINDI talaga maintindihan ang mensahe at pinaggagawa ng pamahalaan sa kasalukuyan.


Humihingi ito ng pang-unawa sa mga malalaking pagkakamali nito habang kaguluhan din ang ibang pinagsasabi nito.


NAKASENTRO KAY PNOY


Gusto man o hindi ni Pangulong Benigno Aquino III, nakasentro sa kanya ang kamatayan ng nasa 64 katao sa Mamamasapano, Maguindanao nitong Enero 25, 2015.


Hindi maikakaila ito lalo’t mismong ang Board of Inquiry at Senado na mismo ang nagsasabi nito.


Sinabi ng BOI na binalewala ni PNoy ang chain-of-command o maayos na daloy ng paggampan ng tungkulin nang iatas kay noo’y suspendidong PNP chief na si Gen. Alan Purisima ang Oplan Exodus na proyektong panlambat kay teroristang Marwan, patay man o buhay.


Makaraan nito, pinagsisisi nito sina Purisima at Gen. Getulio Napeñas na siyang responsible sa madugong insidente. Pinagsinungalingan siya ni Purisima at pinagbobola naman siya ni Napeñas?


Sa pakiramdam ng mga mamamayan, umiiwas-pusoy lang si PNoy, inililibre lang nito ang sarili sa pagkakasala.


Diretsahan namang sinabi ng Senado na si PNoy ang puno’t dulo ng kamatayan 64 katao, kabilang na ang Fallen 44 at 18 sugatang miyembro ng Special Action Force.


Siya kasi ang nag-utos na paganahin na ang Oplan Exodus at nasubaybayan niya ito mula sa simula hanggang sa katapusan ng malagim na pangyayari.


ANO ANG SA KAMARA?


Naghahabol ang Kamara ng pagkilala matapos na balewalain ng mga ito ang pangyayari.


Inihinto ng Kamara ang imbestigasyon sa Kamara makaraang ipunin ang mga ito ng Palasyo at kausapin nang masinsinan. Ngayon ay may lumalabas na mga usok ng korapsyon sa nasabing miting.


Talaga bang pinatahimik ang mga kongresman ng malalaking insentibo? At ginawa na lang na rason ang pag-aantay ng mga ito sa resulta ng imbestigasyon ng BOI?


Ngayon nga ay “nagpupursigi” ang mga kongresman na ‘to para himayin daw ang trahedya at kasunod na nito ang pagtalakay sa Bangsamoro Basic Law.


Anak ng tokwa, saan ba talaga patutungo ang aksyon ng Kamara, huh?


NATIONAL PEACE SUMMIT


Bumuo rin ang Palasyo ng Council of Elders para pangunahan ang National Peace Summit at para makatulong umano sa paghimay sa panukalang BBL.


Kasama rito ang isang kardinal na Katoliko, isang dating Chief Justice, isang babaeng lider na Muslim at isang eksperto sa Saligang Batas.


Pero sa tingin ng iba, lalo na sa parte ng mga mambabatas sa Senado, at hindi sa Kamara, ha, layunin lang ng Palasyo na ipakita kunyari na sumasangguni ito sa mamamayan.


Hindi naman kasi sumang-ayon ang Palasyo sa malawakang pakikipag-usap para sana kasali ang mga Kristiyano at iba pang mga armado at grupong umaayaw sa pagbibigay ng BBL sa ilalim ng kapangyarihan ng Moro Islamic Liberation front.


Lalo’t sinabi mismo ni government panel chief negotiator Miriam Ferrer na hindi talaga maseselyuhan ang kapayapaan sa Mindanao dahil isa lang ang MILF sa mga sakit sa ulo ng pamahalaan at sambayanan.


Isa pa, sinasabi ng mga mambabatas na sila, hindi ang Council of Elders, ang magpapasya ukol sa BBL at pupwede nilang tanggapin o ibasura ang magiging mga rekomendasyon nito.


PANG-UNAWA ANG HILING


Ngayon nga ay humihingi si PNoy ng pang-unawa ng sambayanan.


Habang humihiling ito ng pang-unawa ukol sa Mamasapano, nagsibangonan naman ang mga kalagayan na kahit kailan ay hindi siya nagpakita ng pang-unawa.


Kabilang dito ang pambibilanggo niya sa mga kaaway niya sa politika dahil sa korapsyon at pandarambong habang malayang nakagagala ang mga korap at mandarambong ding mga kasama niya sa Palasyo at Kongreso na higit na nakararami kaysa mga itinuturing niyang mga kaaway.


Bumabangon din ang mga alaala na kahit kailan ay hindi niya binigyan ng kahihiyan ang sarili niyang bayan sa pag-atake niya sa mga korap at mandarambong sa harap ng mga dayuhan dito at sa labas ng mahal kong Pinas… nang hindi binabanggit ang mga malalaking korap at mandarambong sa loob ng kanyang sariling bakuran.


SA BANGIN


Walang nakatitiyak kung saan tayo patutungo… kung sa dulo ng Tuwid na Daan o sa bangin. Ito’y dahil sa kawalan ng malinaw na tinatahak na daan ng kasalukuyang pamahalaan.


Idagdag pa rito ang pabagsak nang pabagsak na pagtingin ng mga mamamayan sa liderato ng bansa gaya ng inilabas ng surveyor na Pulse Asia. E, wala pa noon ang resulta sa Senado.


Heto pa ang masama: mismong kaalyado ni PNoy ang nagsasabing parang halik na ni Hudas ang pag-endorso nito sa sinomang kakandidatong Pangulo, Pangalawang Pangulo, senador sa 2016.


o0o

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


.. Continue: Remate.ph (source)



PANG-UNAWA ANG HINIHILING NI PNOY


Naapektuhan dahil kay Vic Sotto!

KAMAKAILAN itinanghal na Best Actress ang Kapuso artist na si Alessandra de Rossi para sa kanyang natatanging pagganap sa independent film na ‘Bambanti’ mula sa katatapos lamang na Sinag Film Festival.


Pinangunahan ang naturang independent film festival ng batikan at award-winning na direktor na si Brillante Mendoza at ni Solar Entertainment CEO Wilson Tieng.


Sa pabirong mensahe ni Alex na ilang beses na raw siyang naghanda ng speech dahil matagal niya nang inasam makamit ang pagkilalang ito. Ngunit nabigla siya sa pagkakataong ito kaya hindi siya nakapaghanda.


Samantala, wala namang makikibahagi sa pagkapanalo ng aktres dahil aniya, masaya at kuntento siya sa pagiging single. Tumanggi ring magkomento si Alex hinggil sa kanyang ex-boyfriend at aktor na si Sid Lucero.


Dugtong pa ni Alex, “Sa wakas nagbunga din ang lahat, This is it!” sabay tawa pa niya.”


***


Hanggang ngayon hindi pa rin tinatantanan ng mga intriga ang relasyon Vic Sotto at Pauleen Luna. Sa pagkakataong ito sinagot ni Pauleen ang mga tungkol sa kanilang mga bashers. Paano ba sila naapektuhan ng mga intriga?


Bungad niya, “I would tell a lie if I say not all…Of course, may mangilan-ngilan na sobrang below the belt. But most of it naman, hindi. Very rare ‘yung times na naaapektuhan ako. It’s more of naaapektuhan ako para kay Vic, not for myself.”


Dugtong pa ni Pauleen, “Kasi parang napaka-unfair naman, sasabihin nila ang habol ko lang kay Vic, pera. ‘Yon lang ba ‘yung rason para magustuhan mo siya? Hindi na nga ako naaapektuhan sa tinatawag akong gold digger, e. I’m more affected for him. ‘Yun lang ba ‘yung rason para magustuhan siya?


“Hindi kasi nila kilala, so it’s very easy for them to judge.”


Ano nga ba ang mga nagustuhan niya kay Vic?


“A lot of reasons, too many to mention. Swak kasi kami, e. Sobrang gel ‘yung personalities namin.”


“For one, wala masyadong effort na magkasundo kami with a lot of things. That’s very important.”


Ano naman ang advice sa kanya ni Vic patungkol sa mga intriga? “Marami. Hayaan na lang daw kasi lilipas din naman ‘yan mga intriga. Sa kanya kasi parang easy lang ang lahat, pero I know nasasakatan din siya sa mga binabato para sa amin. Ang galing niyang magdala, d’yan ako believe sa kanya” deklara pa niya. SABEEEEEE!/THROY J. CATAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Naapektuhan dahil kay Vic Sotto!


Milyonaryo ang mister ni Marian Rivera!

TINALO pa ni Anne Curtis ang kanyang mga kasamahan sa It’s Showtime sa laki ng mga binabayaran na taxes sa Bureau of Internal Revenue. Ibig-sabihin nito mas malaki ang kinikita niya kaysa kay Vice Ganda.


Narito ang Top 12 Celebrity individual taxpayers for the year 2013 based on regular income taxes to Goverment as of November 24, 2014. The BIR disclosed the list Friday. The number show the rank on the list of 500 individual taxpayers. Ang akala nga ng iba ay si Kris Aquino ang number one individual taxpayer among among celebrity taxpayers, hindi pala. Narito ang kanilang ranking:


1) Manny Pacquiao (real name: Emmanuel Dapidran Pacquiao) reg. income taxes paid in Philippine money, 163,841.863.00


14) Piolo Pascual (real name: Piolo Jose Nonato Pascual) reg. income taxes paid 42,533,158.00


15) John Lloyd Cruz (real name: John Lloyd Espidol Cruz) reg. income taxes paid 41,976,592.00


16) Kris Aquino (real name: Kristina Bernadette Cojuangco Aquino) reg. income taxes paid 40,481,146.00


19) Sharon Cuneta (real name: Sharon Cuneta Pangilinan) reg. income taxes paid 39,049,236.00


20) Willie Revillame (Wilfredo Buendia Revillame) reg. income taxes paid 38,305,824.00


36) Anne Curtis (real name: Anne Ojales Curtis-Smith) reg. income taxes paid 28,237,190.00


44) Judy Ann Santos (real name: Judy Ann Santos Agoncillo) reg. income taxes paid 24,322,824.00


52) Coco Martin (real name: Rodel Pacheco Nacianceno) reg. income taxes paid 22,493,825.00


53) Vic Sotto (real name Marvic Castelo Sotto) reg. income taxes paid 22,405,581.00


99) Sarah Geronimo (real name: Sarah Asher Tua Geronimo) reg. income taxes paid 16,124,644.00


101) Dingdong Dantes (real name: Jose Sixto Gonzales Dantes) reg. income taxes paid 15,732,757.00 (source Bureau of Internal Revenue).


Malaki rin pala ang income ng mister ni Marian Rivera at napasama siya sa listahan ng BIR sa top 12 money earner. Ano ngayon ang masasabi sa mga taong kumuwestyon kung saan kinuha ni Dingdong ang malaking halaga ng pera na ginastos niya sa kanyang kasal kay Marian. Hayan na ang ebedensiya. Milyonaryo itong mister ni Marian. Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Milyonaryo ang mister ni Marian Rivera!


Carmina hindi pa handang kausapin ang ex husband na naging girlita

HINDI raw naamoy ni Carmina Villaroel na malansa ang dugo ni Rustom Padilla noong panahong nagsasama sila bilang mag-asawa. Wala raw siya kaalam-alam na baklita ito. Sa bagay, iba nga ang kilos ni Rustom noon, lalaking-lalaki ito at puro action film pa ang ginagawa. Ang isa lang sa palatadaang napansin namin sa kanya noon para pagdudahan namin siya ay ‘yong madalas na pagtila-tilam at pagbasa niya ng kanyang mga labi sa tuwing ini-interview namin siya, plus ‘yong pinaputok na balita noon ng Remate nung 1993 tungkol sa kabadingan nito at may nailabas pa tayong litrato niya na nakadamit pambabae.


Anyway, ayon kay Carmina, hindi pa raw siya handang makipag-chikahan sa dating mister na girlita na ngayon at may namesung na Bb Gandanghari.


“If ever man magkikita kami, gusto ko ‘yung wala munang mga camera. Gusto ko ‘yung private lang. Kapag dumating, we’ll see,” sabi ng actres-TV host.


Sina Carmina at Rustom ay ikinasal noong 1994, 1996 nagkahiwalay at 2002 na-annul ang kanilang merriage. Sabi pa nga, dalawang beses ikinasal ang dalawa dahil magkaiba ang kanilang relihiyon. Ngayon si Zoren Legaspi na ang mister ng aktres at may dalawa na silang anak. Samantalang si Bb ay paiba-iba ang nagiging karelasyon at may tsismis na pinatanggal na raw nito ang kanyang lawit at pinalitan ng flower.


***


STARLET NA AKTOR, NAGAMIT NG AKTRES


Parating nagba-bonding ang anak ng batang aktres at ang mestisong personalidad na anak ng aktor/politician. Pero itinatanggi nitong anak niya ang bata kahit marami ang nagsasabing siya ang ama nito. At lately nga, pati ang nanay ng bata ay kasama na rin sa kanilang lakwatsa. Napurnada tuloy ang ilusyon ng isang starlet na aktor na produkto ng reality show sa telebisyon. Akala nito magagamit niya ang ina ng bata para sa kanyang ambisyon na maging isang lehitimong artista. Lumalabas na siya pala ang nagamit ng batang aktres.


Pinagselos lang nito ang dating papa para maghabol-habol sa kanya. ‘Yun na!


***


BINOE, TAGUMPAY NA MAPASAGOT SI MAYOR DUTERTE


Ibinalita ni Robin Padilla sa social media na nakapagdesisyon na si Mayor Duterte ng Davao City na tumakbong presidente ng bansa sa darating na national election sa 2016. Parang gusto niyang palabasin na hindi siya lumuha nang kumbinsihin niya ang matapang at magaling mayor na tumakbong pangulo, hindi lamang siya nasagot agad ng oo noon, pero ngayon ay ayos na raw ang buto-buto noon.


Hindi nasabi ni Binoe kung pumayag na rin si mayor sa plano niyang gawing pelikula ang kwento ng buhay nito. Umayaw kasi ito nang puntahan niya’t kausapin para sa proyektong ito.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE


.. Continue: Remate.ph (source)



Carmina hindi pa handang kausapin ang ex husband na naging girlita


Tigang kaya laging mainitin ang ulo!

HAHAHAHAHAHAHA! Kung tutuusin, hindi pa naman katandaan ang kontrobersiyal at most-hated (most-hated daw talaga, o! Hahahahahahahaha!) na personality na ‘to sa show business.


‘Yon nga lang, marami ang nagri-react sa kanyang over-protective ways in as far as her famed daughter is concerned. Hahahahahahahaha!


Nasanay na raw kasi si mudra na ang bawat sabihin niya ay batas na sinusunod ng kanyang anak.


That was before when her daughter was a lot younger and was most obedient and cowtowing.


But things are a lot different now that her famed daughter has fallen inlove again with a man who seems to be most ideal in the sense that he’s not the womanizing kind and is endearingly loyal.


Kaya naman kahit ano’ng paghihigpit pa ni mudra ay tumatakas at dinidedma talaga siya nito.


Well, it must be love. After all, her daughter is already of age and is mature enough to decide things for herself. Hahahahahahahaha!


Ang say naman ng mga intrigera, kaya raw ganon ang drama ni madir ay dahil sa disappointed ito sa kanyang asawa na sa halip na ang wife niya ang pagtuunan nang pansin ay mas feel pa nitong hinihimas ang kanyang mga manok na pangsabong. Hahahahahahahahaha!


Lately nga raw, sa probinsya naglalalagi si fadir at puro ang mga manok pangsabong niya ang pinagkakaabalahang alagaaan at himas himasin. Harharharharharhar!


Siyempre naman, may personal needs rin si mudra that needs to be sated.


No wonder, she seems to be perpetually in a foul mood since her sex life has become uneventful and practically nil. Hahahahahahahahahahahahaha!


Kung bakit naman kasi si fadir ay parang poste na lang ang tingin kay madir.


Well, in fairness kay pudra, (pudra raw talaga, o! hahahahahahahahaha!), hindi rin daw ito masisisi kung bakit mas feel pa nitong himasin ang kanyang mga alagang tandang as compared kay mudra.


Pa’no naman kasi, was na pagka-comb ng kanyang hairing si madir at hindi na rin masyadong nagpapabango at amoy ng mga nilulutong pagkain ang kanyang buhok kaya wishing it was na or deflated (deflated daw talaga, o! Hahahahahaha!) agad-agad ang erection ni fadir. Hahahahahahahahahahaha!


‘Yon nah!


NO TIME FOR LOVE!


Kung dati-rati’y medyo naka-focus ang attention ni Yam Concepcion sa kanyang lovelife to the point na nagiging secondary na lang ang kanyang showbiz career, nagbago na lately ang pananaw ng magandang sexy star.


Inasmuch as a lot of men, most of which are not in the business, would want to shower her with love and affection, the winsome sexy star would rather devote her attention to her burgeoning showbiz career.


“Na-realize kasi niyang medyo napabayaan niya nang konti ang kanyang showbiz career kaya medyo nag-lie low ito,” Ms. Claire Dela Fuente asseverates. “Kaya sa ngayon, she’s making up for lost time and is more focused on her showbiz career, na dapat lang naman since opportunities knock only but once and when you let go of these, parang matagal na muling kumatok.”


Tama!


Well, sana nga’y magtuloy-tuloy na ang medyo magagandang career opportunities na dumarating sa kanya lately.


For one, ready na talaga siyang umeksena nang husto since she’s now back to her old fighting weight.


Medyo bumilog kasi siya nitong mga nakaraang araw kaya medyo nag-lie low rin ang mga career opportunities.


Good luck, Yam. You are a very good person and is a lot levelheaded, you deserve nothing but the best. Huling napanood nga pala si Yam sa top-rated evening soap na Two Wives.


Going back to Ms. Claire, mega happy ito sa unabated support ng publiko sa kanyang Claire Dela Fuente resto along Macapagal Avenue in Pasay city.


Hitsurang sandamakmak ang resto within that area, unkabogable pa rin ang arrive ng kanyang restaurant dahil sa lutong bahay na arrive nito unlike sa ibang resto riyan na masyadong iniiba ang orig na taste ng mga pagkain to the point na nawawala na ang orig Pinoy flavor nito ever. Hahahahahahaha!


Kaya kita n’yo naman, dalawa na ang kanyang resto within the Macaoagal Avenue area pero lagi-lagi pa ring punuan ang mga ito.


Ikaw na ang maging hands on restaurateur tulad ni Ms. Claire Dela Fuente.

Babetchbetch Bubogski! Hahahahahahahahahahaha!


***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tigang kaya laging mainitin ang ulo!