PATAY na nang matagpuan ang katawan ng isang 67-anyos na Tsinoy sa loob ng inuupahang kuwarto sa Binondo, Maynila .
Ayon sa pulisya, may dalawang araw nang patay ang biktimang si Roberto Ong, ng Room 201 750, Ongpin St., Binondo, Manila.
Ayon kay Romulo Ignacio, isang tubero, naglalakad siya sa nasabing lugar nang naamoy nito ang isang masangsang na amoy mula sa kuwarto ng biktima dahilan upang ipaalam kay Jaime Regio, Barangay Chairman ng Brgy. 296 Zone 28.
Kasama ang isang Mircek Eco Que, kapitbahay ng biktima at si Ignacio, binalikan ni Chairman ang kuwarto ni Ong kung saan tumambad sa kanila ang patay at namamaho nang katawan ng biktima.
Huling nakitang buhay ang biktima noong tanghali ng March 22.
Ang biktima ay walong buwan nang naninirahan sa kanyang kuwarto nang mag-isa.
Hinala ng pulisya na namatay sa sakit ang biktima.
The post Tsinoy, 2 araw nang patay sa isang kuwarto sa Maynila appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment