NABAWASAN na ang bilang ng mga Pilipino na naninigarilyo dahil sa mahigit isang taong pag-iral ng Sin Tax Law o Republic Act 10-351.
Sa joint statement ng 17 medical association at health group, nakasaad na nababawasan ang konsumo ng mga Pilipino na tobacco user dahil sa nasabing batas at napipigilan na ring mahikayat ang mga “would-be smoker” o nagbabalak magsigarilyo.
Sa pag-iral ng nasabing batas, tumaas ang presyo ng sigarilyo at alak.
Ito rin ang kasama sa joint statement ng 2013 Youth Adult and Fertility and Sexuality Study na isinagawa ng University of the Philippines Population Institute and Demographic Research and Development Foundation.
Nakasaad sa ulat kung paano bumagsak ang smoking prevalence sa mga Pilipinong edad 15 hanggang 24 sa 19.7 percent nitong 2013 mula sa 21.9 percent noong 2002.
Kaugnay nito, naniniwala ang nasabing grupo na epektibo ang Sin Tax Law bilang smoking reduction measure.
Kabilang sa signatories sa joint statement ang Action for Economic Reforms, FCTC Alliance of the Philippines, New Vois Association of the Philippines, University of the Philippines-Manila, Woman Health Philippines at Youth for Sin Tax Coalition.
The post Sin Tax Law nakabawas sa paninigarilyo ng Pinoys appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment