Tuesday, March 25, 2014

Bentahe ng pagkakamali

KAPAG nagkamali, tiyak na hindi na tayo uulit. Bakit? Dahil takot na tayong magkamali.


Ngunit alam n’yo ba na ang mga pagkakamaling ating nararanasan ay maaaring makatulong sa atin ng malaki upang maging matatag at magtagumpay sa buhay?


Narito ang ilang rason kung bakit ko nasabing ang mga pagkakamali ay advantage:


Failure encourages lateral thinking—kung nagkamali tayo ng desisyon, hindi tayo titigil bagkus, iisip pa tayo kung paano mareresolba ang isang problema. Mas tayong maeengganyong humanap ng solusyon na kadalasang hindi natin ginagawa kung madali lamang ang problemang ating kinakaharap.


Failure give us experience—kung nagkamali tayo sa una, sa susunod mas maingat na tayo sa bawat hakbang na gagawin hanggang sa maabot ang iyong ambisyon. Kung halimbawa namang walang kahirap-hirap na naabot ito, masasabi nating hindi tayo naging adventurous upang maghanap pa ng ibang paraan kung paano ito maabot sa ibang paraan.


Failure builds character—siyempre, ang lahat ng nagkakamali sa una ay laging nagtatanda. At sa muling pagharap sa problema, medyo mas confident, maingat, at binibigyang importasya ang lahat ng kilos na gagawin upang huwag na muling magkamali sa ikawalang pagkakataon.


Failure encourage the strong and discourages the weak—kung talagang determinadong maabot ang tagumpay, kahit na ilang beses na magkamali, babangon at babangon muli upang maabot kahit na maraming sagabal na maaaring makasalubong upang makamtan ang tagumpay na inaasam-asam.


Failure makes you honest with yourself—kung nahihirapang tanggapin sa sarili na kung bakit ninyo ginagawa ang isang bagay, puwes isa lang ang ibig sabihin nito hindi ka nagpapakatotoo hindi lamang sa ibang tao kundi maging sa iyong sarili mismo. Ngunit kung patuloy mo pa ring ginagawa ang mga bagay na nais, determinado ka talagang maabot ang iyong mga pangarap.


Success too soon can give you false confidence—kung halimbawang sa simula pa lang ay talagang sobrang hirap ang naranasan ngunit talagang pinagpursigihan mo ito, mas malaki ang tsansa na makamtan ang mga pangarap kompara sa mga taong nagkaroon ng tamang desisyon ngunit kulang naman sa gawa, siguradong hindi rin sila uusad nito para sa isang magandang kinabukasan.”ika nga ng marami, slowly but surely.


Failure encourages improvements and planning—kung paulit-ulit na nagkakamali sa isang bagay, aba, huminto muna sandali at tingnan mabuti kung ano ba ang nagiging problema. Ang mga pagkakamali ay isang paraan upang malaman mo kung bakit hindi natupad ang iyong mga pangarap. Iplano at mag-obserba ang bawat kilos na gagawin. Gawing stepping-stone ang mga pagkakamaling naranasan.


Failure reveals your weaknesses—kung saan ka mahina at laging nagkakamali, gawin mo itong inspirasyon upang magkaroon ng lakas na harapin ang mga darating pang pagsubok upang makamit lamang ang mga adhikain sa buhay.


The post Bentahe ng pagkakamali appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bentahe ng pagkakamali


No comments:

Post a Comment