Friday, March 28, 2014

PMA cadet Aldrin Cudia gustong ampunin ng mga bakla

HONESTLY, may tipo at malakas ang sex appeal ng kadeteng si Aldrin Cudia, na naging controversial at pinag-usapan talaga dahil hindi nga pinayagang maka-graduate sa PMA.


At dahil pambading ang kanyang pigura, ang mga kapatid nating sa pederasyon ang talagang nagre-react nang husto sa pang-aaping ginawa ng ilang opisyales ng Philippine Military Academy.


Dahil lang sa 2 minutong pagkaka-late sa klase ay nagdesisyon silang i-dismiss ang nasabing estudyante na matalino pa naman at kabilang sa mga honor student.


At grabe ang interes ng mga bakla kay Aldrin dahil ‘yung mga parlorista sa lugar namin ay gustong-gusto siyang ampunin at gawing Papa. ‘Yung owner ng isang salon na dinudumog ng mga kustomer gustong isama ang papable na kadete sa bakasyon niya sa abroad.


May nabasa rin kaming item na puwedeng pasukin ni Cudia ang pag-aartista. Well, kami rin maga-apply sa kanya bilang publicist at willing kami sa pro bono o walang pay na trabaho para sa kanya.


Yes, I am serious to dat gyud!


***


TATLONG MALALAKING PROJECTS NG DREAMSCAPE ENTERTAINMENT WAGING-WAGI SA RATINGS!


SA lugar namin sa Tandang Sora ay dumadagundong talaga ng sabay-sabay ang mga boses ng mga artistang bida sa mga teleseryeng Dyesebel at Ikaw Lamang. At kahit sa buong subdivision namin ay majority ng mga residente rito ay nakatutok talaga gabi-gabi sa mga nabanggit na serye.


Kaya masasabi naming lahat ng mga project ngayong 2014 ng Dreamscape Entertainment ni Sir Deo Endrinal ay pawang panalo sa televiewers. Paano naman kasi mga big budgeted lahat ito kaya malalaki talaga at dekalidad ang pagkakagawa. Kaya naman pinupuri ng lahat at waging-wagi sa ratings nationwide.


Ngayon ay hindi lang ang Dyesebel ni Anne Curtis with Gerald Anderson and Sam Milby at Ikaw Lamang na pinagbibidahan ng hari at prinsesa ng teleserye na sina Coco Martin at Kim Chiu with Jake Cuenca and Julia Montes ang mga pumapalo sa mataas na ratings.


Maging ang kalulunsad lang na MiraBella ni Julia Barretto kasama ang bagong ka-loveteam na si Enrique Gil na nagsimulang ipalabas last March 25 ay impressive rin ang viewership.


May isa pa kayong dapat abangan sa Dreamscape at ito ay ang pinakamalaki at very challenging project na pagbibidahan naman ng maganda at mahusay na aktres na si Bea Alonzo sa “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” kung saan tatlong character ang gagampanan niya.


***


HAKOT ALL YOU CAN, IBINALIK NG EAT BULAGA PARA SA MGA DABARKADS NA NANGANGAILANGAN


NAGING malaking tulong sa mga Dabarkads natin especially sa mga magulang ang Hakot All You Can sa Eat Bulaga. Iba’t ibang kuwento at problema ang ating nadinig mula sa mga napiling kalahok at mga nagsipagwagi rito. Na bago sila sumalang sa hakutan ay katakot-takot na payables tulad ng bayad sa upa sa apartment, kuryente, tubig, tuition fees at baon ng mga anak, medication sa maysakit na kapamilya. ‘Yung iba naman sa kanila ay may mga loan o utang na dapat nilang bayaran dahil over due na. \


At nang mawala ang nasabing portion sa EB, walang patid ang dating ng email sa Tape office at lahat ay humihiling na sana ay ibalik naman ang favorite at sinusuportahan nilang programa dahil isa ito sa sagot sa kanilang mga problema sa usaping financial. At dahil mahal at naiintindihan ng mga taong nasa likod ng Bulaga ang hinaing ng mga kababayan natin, simula noong Lunes ay ibinalik na nila sa show ang hakutan ng datung na this time ay nag-evolve na.


Yes, may kantahan at kung anu-ano pa bago maghakot ng coins. Tulad ng sweet couples na naglaro last Wednesday. At ang mga coins na nakuha ay may katumbas na malaking datung.


Kaya ano pa ang hinihintay niyo practice na ng inyong talent para ready always once na napili kayo na maglaro rito.


The post PMA cadet Aldrin Cudia gustong ampunin ng mga bakla appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PMA cadet Aldrin Cudia gustong ampunin ng mga bakla


No comments:

Post a Comment