MASAYA si Jennylyn Mercado at ang ‘Rhodora X’ team dahil binabati sila ng management ng GMA 7 sa taas ng ratings ng Rhodora X. Sa Nutam, nu’ng March 18 ay 9.2 ang Rhodora X samantalang 8.7 ang katapat nito. Nu’ng March 20 ay 10.5 ang Rhodora X at 9.4 ang kalabang serye.
Pati ang galing sa acting ni Jen at hirap ng role niya ay napapansin ng management kaya sulit ang effort na ibinibigay niya. Hindi lang sina Rhodora at Roxanne ang karakter na ginagampanan niya dahil lumabas na ang ikatlong alter ni Rhodora – si Rowena, 8 years old girl.
Mapaghamon talaga ang papel ni Jennylyn bilang isang babae na may dissociative identity disorder (DID).
Ngayon pa lang ay hinuhulaang posibleng magka-award si Jennylyn sa galing na ipinapamalas niya sa Rhodora X.
-0o0-
TANGGAP ni Ellen Adarna kung na-etsapuwera siya sa pelikula ni Vhong Navarro bilang leading lady dahil sa pagkakaibigan nila ni Cedric Lee.
“Decision po yun ng management. Hindi pa naman nila ako kinausap pa. But kasi mahirap din. Feeling ko everyday na rin sila magti-taping. Ipu-push din yung April 19 na showing. E, yung time ko nandito sa series (Moon of Desire),” reaksyon niya nang tanungin siya sa presscon ng Moon of Desire na pinagbibidahan nila ni Meg Imperial kasama sina JC De Vera at Dominic Roque na magsisimula sa March 31 sa ABS-CBN 2.
Nanghihinayang siya sa pagkakatsugi niya sa movie ni Vhong pero thankful pa rin siya dahil siguradong mahihirapan din siya dahil walang tulugan din ang taping niya sa Moon of Desire. Hindi naman niya itinatanggi na kaibigan niya si Cedric pero hindi sa level na magka-text at mag-best friends. Nakilala raw niya ito nu’ng lumabas siya at may mga common friends sila.
Tinanong din siya sa napabalitang ex-boyfriend niyang si JC Intal na nag-propose na ngayon kay Bianca Gonzales ng kasal.
“Ay, good for them, good for them! Happy naman ako sa kanya,” reaksyon niya
Ano ba ang naging real score sa kanila ni JC?
“Yun ang pinakamalabong boyfriend ever. Wala talaga. Huwag na lang nating pag-usapan kasi engaged na, e,” pakiusap niya.
Apat na taon na raw ‘yung nakakalipas sa kanila ni JC at pinakamalabong six months sa tanang buhay niya.
‘Yun na!
-0o0-
AMINADO si Shalala na sumasakit ang tiyan niya sa stress dahil sa nalalapit na showing ng kanyang launching movie na Echoserang Frog na showing sa April 2. Hindi raw siya makatulog kung hindi siya iinom ng sleeping tablet.
Actually, ang hinihingi raw niyang role kay Direk Joven Tan ay ‘yung kaibigan ng bida pero malaki ang tiwala sa kanya ni Direk at laan talaga para sa kanya ang nasabing project. 18 years na rin naman sa showbiz si Shalala at nararapat na rin siyang bigyan ng launching movie.
Personal choice niya si Kiray Celis na maging bestfriend sa pelikula? Bakit si Kiray?
“Wala, nakasama ko yung bata, mabait yung bata. Pati yung Nanay at Tatay, napaka-normal na pamilya. At saka, ni-request ko rin dito na dapat nandito si Kuya Germs. Hindi puwedeng wala si Kuya Germs kasi, parang hindi naman kumpleto ang pelikula kung wala siya,” bulalas pa niya.
Isa sa guest niya sa pelikula ay si Jaclyn Jose. Pinaghandaan niya talaga at sinaulo ang script.
“Noong dumating siya, sa eksena, ‘Day, nawala ako. Umpisa pa lang, nakakalimutan ko ang linya ko. Tapos sabi niya sa akin sa scene, ‘Sige ha, nag-guest ako rito, pero, alam mo naman, huwag mo ng i-blind-item si Andi (Eigenmann),’” tumatawa pang tsika ni Shalala na inuohan naman niya.
Wish din ni Shalala at gustong imbitahan sa premiere night ng Echoserang frog sa March 31 sa Fishermall Cinema 5 ang mga kagaya niyang komedyanteng bading gaya nina Vice Ganda, Allan K, John Lapus at Joey Paras.
Kasama rin ni Shalala sa pelikula sina Joross Gamboa, Angelu de Leon, Dennis Padilla at Marco Alcaraz. Sumuporta rin sa kanyang launching movie sina Derek Ramsay, Kuya Germs, Alvin at Angelo Patrimonio, Tonton Gutierrez, Wendell Ramos, Direk Joey Reyes, Lav Diaz, Amy Perez, Mr Fu, Anita Linda, JC De Vera, Vin Abrenica, Alwyn Uytingco, Edgar Allan Guzman, Lucky Mercado, Empoy, Jojo Alejar, Perla Bautista, Odette Khan, John Nite, Lilia Cuntapay, Lou Veloso, Mon Confiado, Diego, Bona, Ate Shawie, Choco Martin, Jeremy Ian at Dingdong Avanzado.
Talbog!
The post Pinakamalabong six months sa tanang buhay niya! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment