Wednesday, March 26, 2014

Petisyon ni Revilla idadaan sa oral argument

IDADAAN sa oral argument ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ni Senador Bong Revilla laban sa imbestigasyon sa kanya ng Tanggapan ng Ombudsman kaugnay sa pork barrel fund scam.


Itinakda ang oral argument sa April 1, 2014, ganap na alas-2:30 ng hapon, sa Supreme Court (SC) Session Hall sa Lungsod ng Baguio.


Sa notice of resolution na pirmado ni Division Clerk of Court Lucita Abjelina Soriano, tatlong isyu ang inilatag ng hukuman na tatalakayin sa oral argument kabilang ang usapin kung nagkaroon ba ng grave abuse of discretion sa panig ng Tanggapan ng Ombudsman nang ibasura ang motion to suspend the preliminary investigation na inihain ni Revilla sa kabila ng pagkakaroon ng prejudicial question.


Nauna nang ibinasura ng Tanggapan ng Ombudsman ang reklamong plunder na inihain ni Revilla laban kay Technology Resource Center Director General Dennis Cunanan at whistleblowers sa PDAF scam sa kabila ng umano’y malinaw na ebidensya laban sa kanila.


Tatalakayin din kung maituturing na paglabag sa right to equal protection ni Revilla at kung nararapat ba na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na pipigil sa preliminary investigation ng Ombudsman laban sa kanya.


The post Petisyon ni Revilla idadaan sa oral argument appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Petisyon ni Revilla idadaan sa oral argument


No comments:

Post a Comment