TIKOM ang bibig ni Justice Secretary Leila de Lima sa ulat tungkol sa kanyang dating asawa na sinasabing tumulong para makausap ni Janet Lim-Napoles ang mga opisyal ng NBI noong mga panahon na nakabinbin pa sa DoJ ang kanyang kaso.
Nauna nang ibinunyag ni dating NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda na kasama ni Atty. Plaridel Bohol, dating asawa ng kalihim, si Napoles nang magtungo ang mga ito kay dating NBI Director Nonnatus Rojas noong Mayo, nakaraang taon.
Ayon kay de Lima, ayaw na muna niyang magkomento sa isyu para hindi mapangunahan ang imbestigasyon ng ad hoc committee ng NBI sa isyu.
Ang komite ay binuo ni NBI Director Virgilio Mendez para siyasatin ang isyu na nakababahala para sa kawanihan.
The post De Lima tikom sa isyu vs mister appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment