Sunday, March 2, 2014

Pagkatapos ng kontrobersyal na sampalan, parehong endorsers pa ngayon!

MARAHIL ay bihira na ang nakakaalala na nagkaroon ng ugnayan dati sina Regine Velasquez at Ariel Rivera halos isang dekada na ang nakakaraan? That time, GF din ni Ariel si Gelli de Belen at dahil nga ang dalawa’y (Regine at Ariel) palaging magkasama sa mga programa at out-of-town shows, nagkaroon ng something ang dalawang sikat na singers natin noon. Hindi nga lang happy ending ang love story ng singer-tandem dahil nga kailangan nang mamili ni Ariel kung sino kina Gelli at Regine ang tutuluyan? Si Gelli ang nagwagi at hindi lingid sa lahat na iniyakan ito ni Regine. Hanggang sa tuluyan na ring nagpakasal ang Fil-Am singer na si Ariel kay Gelli at ‘ika nga’y they live happily ever after’.


Noong panahong husband-and-wife na sina Ariel at Gelli, naging syota naman ni Regine si Ogie Alcasid na nauwi rin sa kasalan pagkatapos ma-grant ang annulment ni Ogie sa hiniwalayan ding asawang si Michelle Van Eimeren, dating Ms. Australia na naging kinatawan ng kanilang bansa sa Ms. Universe lampas-dekada na rin ang nakakaraan.


Mapagbiro nga talaga ang tadhana dahil parang nag-rigodon lamang ang “love story” nina Gelli, Ariel, Ogie at Regine.


Napag-usapan ang kanilang nakaraan dahil sa preskon ng Confessions of A Torpe, isang TV5 program na nag-pilot na noong February 24.


Magkasama sa nasabing sitcom sina Gelli at Ogie kaya’t ‘di maiwasang itanong kay Gelli ang nangyaring awayan sa pagitan nila noon ni Regine, maybahay ngayon ng katrabahong si Ogie.


Sa pahayag ni Gelli, bago pa raw ikasal sina Ogie at Regine noong 2010, nagkapatawaran na sila. Kumbaga, panahon lamang ang nakakapaghilom ng sugat gaano man ito kalalim .


Naalala pa ni Gelli, February 3, 2003 ay naging guest si Regine sa “SIS”, isang morning talk show sa GMA-7 na ang mag-sisters na Gelli at Janice de Belen ang hosts.


“Bago naman siya i-guest noon, tinanong muna ako ng staff kung okay lang ba sa akin na mag-guest si Regine?


Kumbaga, respeto lang ng staff sa host? Sabi ko, okay na ako,” ani Gelli.


At bilang pagpapatunay na all’s well sa pagitan ng dalawang kampo, dumalaw sina Gelli at Ariel sa burol ni Mang Gerry, ang tatay ni Regine noong first week ng February. Sincere ang pagpunta sa burol ng mag-asawa sa Bulacan.


At hindi naman siguro mabubuo ang samahang Gelli at Ogie sa Confessions of A Torpe, kung hindi pa nakamo-move-on ang dalawa.


—@@@—


AT sino din ang mag-aakala na after the controversial sampalan blues sa isang bar sa The Fort, month -long ago lang ang nakakaraan ay magiging magkatuwang pa sa isang product endorsement sina Anne Curtis at John Lloyd Cruz?


Ang dalawa’y napiling mag-endorse ng isang brand ng sardinas in connection with body fitness ek-ek.


Si Anne, a.k.a. Dyesebel ay nauna nang kinuha ng nasabing kompanya at dahil kinakailangan nila ang katuwang ni Dyesebel para i-promote ang body fitness along with the product, thus, the name John Lloyd appears.


Tuloy, Lloydie (palayaw ng aktor) will undergo fitness training sa mga coach na sina adine Tengco at Jim Saret ng Pinoy Biggest Loser. May konting bilbil pa kasi si John Lloyd kaya’t kailangan nitong magbawas ng tiyan.


Subali’t ang pagiging chubby ni Lloydie ang dahilan kung bakit ‘di ito nakasipot sa launch ng said sardine product sa isang 5-star hotel. Noong panahong ilo-launch ang product, tiyempong nagkaroon ng bike accident ang aktor sa Capas, Tarlac and he has to go minor surgery dahil sa tinamong gasgas at sugat sa ilong.


—@@@—


LAST 2 weeks nang mapanonood ang Honesto at bilang pagpapaalam sa ere, nagkaroon ng isang thanksgiving preskon ang Dreamscape para i-announce ang highlight ng remaining episodes. Gaya ng napanonood nating trailer ng Honesto sa ngayon, may barilang magaganap sa pagitan ng kampong magka-away, between sa mga masasamang pamilya ni Joel Torre at ang mga aping sina Raikko Mateo, ang bida ng Honesto.


Nakaaaliw sumagot si Raikko dahil pinasalamatan niya ang mga nagsusulat sa diyaryo (mali lang ang pagkakabigkaks nito ng radyo imbes dyaryo) sa mga suportang ibinigay nila sa kanilang programa.


After Honesto, mapanonood si Raikko sa “Wansapanataym” sa buong buwan ng Marso at inihahanda na rin ang isang seryeng magtatampok sa batang aktor sa lalong madaling panahon.


The post Pagkatapos ng kontrobersyal na sampalan, parehong endorsers pa ngayon! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagkatapos ng kontrobersyal na sampalan, parehong endorsers pa ngayon!


No comments:

Post a Comment