Wednesday, March 26, 2014

Muslims at NDF supporters nagbatuhan sa Mendiola

NABALOT ng tensyon ang Chino Roces Bridge sa Mendiola matapos magbatuhan at maghabulan ang grupo ng mga Muslim at tagasuporta ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), ilang oras bago ang pirmahan ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).


Pasado alas-10:00 kaninang umaga nang isang tropa ng mga miyembro ng Kabataang Makabayan na pawang nakatakip ang mukha ang sumulpot mula sa Bustillos na nagsisigaw para sa kanilang lightning rally sa ika-45 anibersaryo ng NPA.


Nagkataong nagbabasa ng Koran bilang bahagi ng kanilang programa para sa lagdaan ng CAB ang grupo ng mga Muslim nang dumating ang nasa 100 aktibista.


Nabulabog ang mga Muslim at hinarap ang NDF supporters.


Umaatikabo ang sunod na pangyayari kung saan umabot pa hanggang Recto Avenue at Morayta ang habulan, batuhan at pukpukan ng dalawang grupo.


Hindi nagawang mapigilan ng dalawang pulis na unang rumesponde sa lugar ang unang bugso ng paghaharap ng dalawang grupo.


Bahagya namang humupa ang gulo nang dumating ang mas marami pang pulis.


Sa tulong ng ilang Imam na namagitan sa tensyon, napayapa ang dalawang kampo at natigil ang tensyon.


Umatras ang grupo ng mga aktibista habang bumalik sa kanilang programa sa Mendiola ang mga Muslim.


The post Muslims at NDF supporters nagbatuhan sa Mendiola appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Muslims at NDF supporters nagbatuhan sa Mendiola


No comments:

Post a Comment