NANINIWALA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magiging matagumpay ang gagawing paglagda ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Malakanyang ngayong araw.
Ayon kay Col. Ramon Zagala, hepe ng Public Affairs Office ng AFP, buo naman ang suporta ng hukbong sandatahan ng Pilipinas at naniniwala sila na magiging kapaki-pakinabang ito sa magkabilang panig.
Sinabi pa ni Zagala na indikasyon lamang ito na mababawasan na ang pagsabak ng mga sundalo sa labanan dahil sa mababawasan na rin ang kalaban ng pamahalaan.
Giit pa ng opisyal, hudyat ng pagtatapos ng matagal nang bakbakan sa pagitan ng militar at ng ibang grupo ang lalagdaang kasunduang pangkapayapaan.
Umaasa aniya ang AFP na matapos ang paglagda sa kasunudan ay susunod na rin sa MILF ang iba pang grupo sa Mindanao maging ang New People’s Army (NPA).
The post AFP sa MNLF: ‘Makipagsundo na rin’ appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment