Wednesday, March 26, 2014

Mommy ni Piolo Pascual biktima ng snatcher

AYON kay Piolo Pascual, mahirap nang talunin ang mahigit na P400 (Five hundred million na ang gross income ng movie as of presstime, Gerry boy! – Ed) million na kinita ng Starting Over Again movie nila ni Toni Gonzaga under Star Cinema. Kung masusundan pa raw ito ay kailangan daw ng masinsinang pag-iisip, paghandaan ang magiging istorya ng pelikula para magkaroon uli ito ng kakaibang magic sa takilya.


Pero alam ba ninyo na na-snatch ang bag ng mommy ni Piolo sa araw mismo nang ginanap ang premiere night ng Starting Over Again?


Ayon sa nagtsika sa amin, pababa na raw ng scalator ang mommy ni Piolo sa mall na pinagdausan ng premiere night ay sinabayan daw ng isang lalaki ito at sabay hinablot ang bag. May laman daw na P40,000 ang bag na binigay ni Piolo dahil may pinababayaran daw ang aktor sa ina.


Gabi na kasi nang matapos ang premiere night kaya wala nang tao at patay na rin ang mga camera sa mall dahil sarado na ang mga store sa dinaanan ng mommy ni Piolo nang bumababa na ito sa escalator ng nasabing mall.


Balewala ang nahablot na bag naglalaman ng fourty thousand pesos sa laki ng kinita ng pelikula ni Piolo. May malaking bonus namang natanggap ang lead star ng nasabing movie.


Ang hindi lang puwedeng bayaran sa nangyari sa mommy ni Piolo ay traumang dinanas nito sa kamay ng magnanakaw na nangyari pa mismo sa mall na pinagdausan ng premiere night.


000


HINDI biro ang hirap ng kalooban na pinagdadaanan ni Senator Bong Revilla at ng pamilya magmula nang masangkot siya sa pork barrel scam.

“Itong pinagdadaanan namin ngayon, mula noong nasimula ito, walong buwan, eight month to be exact. Can you imagine, eight months kang nag-iisip kung ano ang mangyayari the next day?


“Ano ba, headline na naman tayo? Wawasakin na naman ba tayo? Ano na naman panggiba pa nila?


“Kaya sabi ko nga, ang gagawin mo na lang, magdasal, magdasal, magdasal,” say ni Senator Bong.


Nakaka-touch din ang kuwento ni Sen. Bong na sa tuwing gumigising daw siya sa umaga ay nagdadasal siya ng pasasalamat dahil isang araw na naman ang kanyang nalampasan. “Kumbaga, paggising ko sa umaga, ang sasabihin ko, ‘God, thank you, I’m still alive. Thank you for another day. Naririto pa rin ako, lumalaban,” pahayag ni Sen. Bong.


Nakatatanggap din si Sen. Bong ng death threats, lalo na raw noong pagkatapos niyang magsalita ng kanyang privilege speech sa Senado. “Pero hindi na ako nagsasalita dahil sanay na ako sa death threats. Handa nga ako kung anoman ang mangyari. I’m ready,” ulit pa niya.


Nagpapasalamat si Sen. Bong sa lahat ng tao na nagbibigay sa kanya ng fair judgement—ang media na inilalabas raw ang kanyang panig at ang lahat ng mga taong hindi siya agad hinuhusgahan sa kasong ito.


Samantala, kahit na anong unos pa ang dumating sa buhay ni Sen. Bong, he makes sure na makapag-taping ng kanyang Kap’s Amazing Stories na napanonood every Sunday sa GMA 7, dahil nakapagbibigay ang show ng aral sa lahat.


The post Mommy ni Piolo Pascual biktima ng snatcher appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mommy ni Piolo Pascual biktima ng snatcher


No comments:

Post a Comment