NARARAPAT lang imbestigahan ng Senado ang ginawa ni Palo, Leyte Mayor Remedios Petilla na pagtapon ng “relief goods” na dapat sana’y pinakinabangan ng Yolanda victims.
Saan ka makakikita, parekoy, ng isang meyor na habang dumaranas ng matinding gutom at kawalan ng saplot ang kanyang nasasakupan ay ipinatatapon naman ng hinayupak ang maraming “pagkain at damit” na ipinagkaloob o ipinagkatiwala sa kanya bilang tulong sa Yolanda victims!
Onli in da Pilipins! King-inaaaa!
Pakinggan natin ang sagot ni Mayor Petilla; Kaya raw niya ipinatapon sa basurahan ang mga ito dahil “inaamag na ang nasabing mga pagkain at mga damit.”
Ha? Anyare?
Ibig sabihin ay binigyan kayo ng donasyon o relief goods na inaamag, expired o sira na?
Kalokohan! Gago ba ang pamahalaan o private donors na pagkalooban kayo ng mga hindi mapakikinabangang donasyon?
Hindi kaya nag-expire, inamag o nasira na lang ang mga ito habang nasa imbakan ninyo?
Na habang nganga sa gutom, uhaw at kawalan ng saplot ang inyong mga nasasakupan ay mas pinili pa ninyo na pabulukin sa imbakan ang nasabing relief goods?
Hijo de-putang buhay ito! Hindi naman pala nagkulang sa dami ang donasyon, ang problema nga lang dahil walang “puso, atay at balumbalunan” ang mga nakaupong opisyal! Pwe!
Opps, gusto ko lang ipaalala sa inyo, parekoy, na itong si Mayor Remedios Petilla ay nanay ni Energy Secretary Jericho Petilla.
And, speaking of Sec. Jericho Petilla, nangako ang mamang ito na siya ay lalayas o magre-resign kung hindi niya maibabalik nang 100% ang kuryente sa Leyte at Samar bago sumapit ang Pasko.
Hindi na nga natupad ang pangakong maibabalik nang maayos ang kuryente ay hindi rin tinupad ni Sec. Petilla ang pangakong lalayas sa pwesto! Pwe!
‘Yan, parekoy, ang kalibre ng magnanay na Petilla.
Palibahasa, sila ay mga bigatin o naturingang “malalaking ebak” ng Liberal Party!
-o0o-
KAHIT winawasak na ng gambling lord sa Quezon City na si Pinong ang kredibilidad ni QCPD Director C/Supt. Richard Albano ay mas pinili pa ng magaling na opisyal na siya ay manahimik kaysa pahintuin ang “lotteng” ni Pinong!
Kahit ipinangangalandakan ni Pinong na ang kanyang “weekly tongpats” sa tagatanggap, este, tanggapan ni Gen. Albano ang dahilan ng kanyang pamamayagpag, ay hinahayaan pa rin siya nitong magiting na heneral!
Ngayon, Gen. Albano, sir, masisisi ba natin ang taumbayan kung sabihin nila na ang sugal ni Pinong ay sugal ni Gen. Albano?
Alangan namang sugal ni Bistek! Hak, hak, hak!
The post MAYOR PETILLA IGISA AT SUGAL NI GEN. ALBANO appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment