Tuesday, March 25, 2014

Mas inaabangan ang pagbubuyangyang ng mga lalaki kaysa babae?

INABANGAN namin ang last Saturday’s episode ng MMK featuring Viveika Ravanes na gumanap bilang Rose Fostanes ang Pinay X-Factor big winner sa Israel. Sa totoo lang, tinutukan namin ang pagiging komedyana ni Viveika sa Be Careful with My Heart, bilang isa sa mga kasambahay ni Ser Chief(Richard Yap) subali’t all-out, straight drama ang role na ginampanan ni Viveika sa MMK.


Pinaniwala kami ng komedyana na wala pala itong kasinghusay kapag pinapa-arte, pinapaiyak sa isang madramang karakter.


Kahit kaeksena pa niya si Irma Adlawan (gumanap na kanyang ina) sapaw na sapaw ang award-winning actress sa husay magdrama ni Viveika. Make or break ito for Viveika and she made it with flying colors.


Baka nga masundan pa ng ilang madramang roles ang MMK ng comedienne-singer.


—@@@—


SA totoo lang din, ang daming kinilig sa airport proposal ng sikat at poging basketball star ng Barako Bull na si JC Intal sa gf na si Bianca Gonzales last March 20 sa NAIA. Unang napanood sa Cinema News ang interbyu kay Bianca na ini-ere din sa Buzz ng Bayan noong Linggo.


Inamin ni Bianca na “clueless” at wala siyang alam sa airport proposal ni JC dahil nitong linggo lang daw sila nagkaroon ng matinding away o love quarrel.


“Zero clue. I really did not expect especially because siguro a week ago, we came from a big fight. And the fight was my fault, so akala ko sobra akong bad shot sa kanya. I really did not expect it, sobra,” maluha-luhang pahayag ni Bianca.


Sa nasabing panayam kay Bianca, inalala niya ang naganap na proposal na aniya’y may kabuntot pa (pagpo-propose-panunuyo) sa dalagang host kahit pa siya’y pa-on-board na sa eroplanong magdadala sa kanya sa London para mag-aral ng short course on Journalism and Design.


Kuwento ni Bianca, “‘Yung unang guards that i passed, dalawa sila, meron silang two roses each. So may rose ako papasok ng airport. Pagkalusot ko sa x-ray, dalawang rose na naman ang ibinigay.


Sa reception area, the three girls na naghihintay roon, they had one rose each,” aniya.


Una niyang inakala na siya’y binibiro o pinaglalaruan lang kaya tinext nito si JC kung may kinalaman ba siya sa nangyayaring kaganapan sa airport, ang pagbibigay rose at special treatment sa kanya?


“I kept on telling nga sa kasama ko na parang prank. Kasi and weird. I checked in sa counter. Before I left, may nagbigay na naman ng rose and even sa may bago mag-Immigration, someone gave me na naman a rose. I message JC. Sabi ko, ‘Hoy! may kinalaman ka ba rito? Bakit ako may roses rito sa airport?’. I just thought parang he planned something sweet kasi matagal akong mawawala.” Sabi ni Bianca.


Hanggang sa may nakapagsabi sa kanya na i-verify kung bakit (may mga roses)? “‘Yun na na ‘yun. Paglabas ko, grabe ‘yung luha ko bumabagsak na lang. The girl na dapat may ive-verify raw akong baggage, binigyan ako ng tarpaulin. Binuksan ko, it said, ‘Bianca please say yes’. And when I turned around, my friends were there. JC and his parents were there. Wala na, sobra ‘yung luha ko na talaga.” pahayag ni Bianca.


Una pa rito, sinabi ni Bianca na noon pa’y alam na ng kanyang mga magulang ang panliligaw ng binata sa anak at patunay pa nito’y hinihingi pa diumano ni JC ang “blessings” ng mga kapamilya’t mga kaibigan ng dalagang host.


“Right after I said yes, ang una kong tinanong, ‘Oh my gosh does my mom know’? It meant so much kasi, naayos na pala niya lahat. Nakausap na niya mommy ko, ate ko, kuya ko, mga friends.


“They had this one chat group na lahat sila naroon. The Proposal ‘yung chat group nila. It was everything, the whole plan, the ring, the speech, talagang beyond my wildest dreams, grabe!”


Pagkatapos ng madramang airport proposal at ang kanilang L.Q. noon, ayon sa magandang host, napagkasunduan na pala ng magdyowa na magpakasal na rin sa taong ito, either November o December.


—@@@—


HINDI kaya magbago ang isip ng MTRCB at i-review ang mga ipinapadalang tapes ng Moon of Desire dahil sa mga pampataas ng dugong eksena ng mga stars involved sa programang panghapong seryeng nabanggit? Nauna nang sinabi ng Business Unit Head- for TV na si Ruel Bayani na na-aprub na ito ng MTRCB. Na kung tutusin, mga naunang episodes lang ang naipakita-naisabmit sa nasabing ahensya.


Eh, itong si JC de Vera, ayaw kasing paawat sa pagkukuwento kung paano at gaano kaseksi ang kanilang hapon-serye? Gaya raw ng eksena sa loob ng kotse with co-star Ellen Adarna na aminadong liberated girl from Cebu, kung saan naglalampungan ang dalawa sa mga stars ng MOD na sina JC at Ellen nga? Nagsalita ang aktor na nag-init siya sa dampian ng kanilang mga labi at katawan.


Hanggang ngayon, palaisipan pa rin kung pano ito maipagbabawal sa mga menor de edad na viewers kahit pa maglagay sila ng Istriktong Patnubay at Gabay sa mga manonood? Paano nga nila mamo-monitor, samantalang libre ang panonood ng telebisyon?


Pero alam n’yo naman ang Pinoy, kung ano ang ipinagbabawal, ‘yun ang ginagawa.


But we’re sure, gaya namin, excited na kaming abangan ang pagpapakitang katawan nina JC, at ang dalawa pang kanasa-nasang male stars na sina Dominic Roque at Miko Raval. Infairness, yummy at sariwang-sariwa pa si Dominic na unang nakilala sa soap nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at sa Aryana.


The post Mas inaabangan ang pagbubuyangyang ng mga lalaki kaysa babae? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mas inaabangan ang pagbubuyangyang ng mga lalaki kaysa babae?


No comments:

Post a Comment