Wednesday, March 26, 2014

Manugang ni Corona kinasuhan ng tax evasion

PINAKAKASUHAN na sa Court of Tax Appeals ng tax evasion ang manugang ni dating Chief Justice Renato Corona.


Sa 20-pahinang resolusyon, si Constantino Castillo the third, asawa ni Carla Corona ay pinasasampahan ng dalawang ulit na paglabag sa Section 254 at dalawang ulit ding paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code of the Philippines.


Ang resolusyon ay pirmado ng panel na pinamumunuan ni State Prosecutor Edna Valenzuela at aprubado ni Prosecutor General Claro Arellano.


Nag-ugat ang kaso laban kay Castillo sa inihaing reklamo ng BIR dahil sa hindi pagbabayad ng buwis noong 2003 at 2009 at dahil sa kabiguan na makapagsumite ng tax return noong 2003.


The post Manugang ni Corona kinasuhan ng tax evasion appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Manugang ni Corona kinasuhan ng tax evasion


No comments:

Post a Comment