Tuesday, March 25, 2014

Impeachment ni Umali, ibnasura ni speaker Belmonte

BINIGYANG-DIIN ngayon ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte, Jr. na anomang tangkang pagpapatalsik sa pamamagitan ng impeachment sa sinomang miyembro ng Supreme Court (SC) ay hindi magtatagumpay.


Tiniyak ng liderato ng Kamara na alinmang impeachment complaint laban sa sinasabing tatlong miyembro ng SC dahil sa flip-flopping ruling sa pork barrel at pagpapatalsik sa isang kongresista ay mabibigo.


Ito ay kasunod ng pamimigay ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali sa tatlong kongresista ng draft ng kanyang impeachment complaint upang ito ay pag-aralan habang naka-break aniya ang Kongreso.


Naninindigan si Belmonte na ang impeachment na ihahain ni Umali, miyembro ng ruling Liberal Party, laban sa tatlong hindi pinangalanang mahistrado ay walang constitutional basis.


“To impeach any justice is definitely a long shot,” ani Belmonte.


Paliwanag ni Belmonte na hindi maituturing na impeachable offense sa panig ng mga SC justices ang deklarasyon na unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas kahit sa unang desisyon ay constitutional maging ang pagdidiskuwalipika kay Rep. Regina Reyes ng Marinduque.


“We may feel bad about the decision, may disagree with it, but that’s not a ground for impeachment,” ayon pa kay Belmonte.


Sinuportahan naman nina Deputy Speaker at Isabela Rep. Giorgidi Aggabao at ni House Deputy Majority Leader at Quezon City Rep. Bolet Banal ang pahayag ni Belmonte na pagbasura sa impeachment ni Umali.


“It’s a long shot. Presiding from the intrinsic merit of the complaint, there is simply no appetite in Congress to pursue an impeachment complaint against any member of the SC at this time. To be sure, the congressional plate is full. At the top of the heap is the ChaCha (charter change) resolution being pushed hard by the Speaker. There is also the FOI (Freedom of Information) bill,” giit naman ni Aggabao.


Kumbinsido naman si Banal na hindi maisusulong ni Umali ang impeachment complaint kung mismong si Belmonte na LP vice president ay tutol dito.


“If the Speaker is opposed to it, of course it’ll be tougher for the proponents to muster the numbers. The Speaker wields considerable influence not just within the LP, but with the other coalition partners as well,” sinabi ni Banal.


The post Impeachment ni Umali, ibnasura ni speaker Belmonte appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Impeachment ni Umali, ibnasura ni speaker Belmonte


No comments:

Post a Comment