PATAY ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo sa Caloocan City, Martes ng umaga, Marso, 25.
Kinilala ni Chief Insp. Jay Agcaoli, hepe ng operation division ng Caloocan City Police ang biktima na si Pedro Ramirez, 57, chairman ng Barangay 183 at residente ng Guandonville Subd., ng lungsod.
Lumalabas na alas-7:45 ng umaga, nasa tapat ng Amparo Hardware and Construction sa Gate 2, Amparo Subd., Quirino Highway ng lungsod ang biktima nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril si Chairman ng nakaangkas na dahilan ng agad na kamatayan.
Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.
Ayon pa kay Agcaoli, nagbuo na ng Task Force Ramirez ang kapulisan upang madaling matukoy kung sino at ano ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.
The post Chairman patay sa riding-in-tandem appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment