Saturday, March 1, 2014

HINDI BIG ANG PAGBABALIK NI WALLY SA EAT BULAGA

TRADEMARK na talaga ni Joey de Leon ang mga birong may laman as in, may patama na madalas niyang ginagawa sa Eat Bulaga. No excemption dito si Wally Bayola noong nagbalik ito sa nasabing noontime show. Aniya, alangang kanyang seryosohin ang pagbabalik ng komedyante. Saka palagi namang naka-smile ito kaya walang problema. Pero ang hindi alam ng madlang pipol ay may pinagdaraanan din itong personal problems. Sa ngayon, parang masamang panaginip ang nangyari sa kanila pero ito’y papunta na sa limot.


Inamin din ni Joey na wala siyang kinalaman sa pagbabalik ng komedyante dahil pagdating sa usapang-Wally ay tahimik sila dahil alam nilang lilipas din ang pinagdaanang kontrobersya.


Obviously, sanay na sina Tito at Vic Sotto sa mga biro ni Joey at tiyak pagtatawanan lang nila ang one-liner ng kapwa nila host ng Eat Bulaga patungkol sa pagsabing siya ang mabait sa kanilang tatlo. May basehan naman ang veteran actor/comedian sa kanyang pagiging mabait sa tatlo dahil ang pinaka-routine nito araw-araw ay trabaho, bahay. As in, hindi na ito gumigimik kung saan-saan pagkatapos ng trabaho dahil dederetso na ito sa kanilang tahanan para asikasuhin ang pamilya.


Ayon sa kanya, malalaki na ang kanyang mga anak pero he sees to it na nasa bahay na ang mga ito bago lumalim ang gabi. “Hindi naman ako istriktong ama, pinapayagan ko naman silang mag-party pero hindi ako sang-ayon sa pagsisimula ng party ng alas-dose ng gabi. Kaya dapat on or before 12 midnight, nasa bahay na sila kasi hindi ako mapalagay.”


Busy ngayon sa pagte-taping si Joey sa kanyang pinakabagong sitcom sa TV5, ang One Of The Boys at makakasama niya rito ang TV5 drama princess Eula Caballero.


Kasama rin dito ang Brinoy hunks of Juan Direction at sidekick niya rito si Empoy. Napag-alamang ito ang kanyang comeback sa sitcom gentre after 7 years which will air in March. Kasama din sina Nadine Samonte, Benjo Leonico of Artista Academy and other surprise weekly guest comedians.


The post HINDI BIG ANG PAGBABALIK NI WALLY SA EAT BULAGA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



HINDI BIG ANG PAGBABALIK NI WALLY SA EAT BULAGA


No comments:

Post a Comment