Saturday, March 1, 2014

Deadma pa rin sa ina!

UNTIL now ay hindi pa rin okey ang mga anak ni Benjie Paras at kanilang ina na si Jackie Forster. Pero si Benjie okey lang na makipag-usap kay Jackie kung gugustuhin ng dating Regal baby.


Sinasabihan din daw niya ang kanyang mga anak na kausapin si Jackie after all she’s still their mother.


Kahit daw mga mga negative issues na lumalabas sa mga anak niya, kinakausap niya ‘yung dalawa. Gaya na lang ng isyu na hindi raw marunong mag-po ang mga anak ni Benjie.


“‘Yun ang una ko’ng tinuro sa kanila. E, baligtad naman yun. Gusto mo ipakita ko ‘yung text nila sa akin,” sabay labas ng cellphone ni Benjie at ipinakita ang text messages ng kanyang anak.


“O, ayan, will I send it to her po? What’s the topic for the video po? Can you call po? Will eat dinner first here po. Balik ako ng 10 pm po,” basa ni Benjie sa cellphone niya.


Kahit daw sa mga kausap ng mga anak niya, nago-opo ang mga bagets.


“Yes, hindi totoo ‘yan. ‘Yan, e, ipaglalaban ko. Sobrang galang ng mga batang ‘yan. Minsan nasasabihan silang nga suplado lalo na nu’ng ibang reporter kasi hindi nila kilala, e. So, pagpasensyahan ninyo na. Ganoon din naman tayo sa umpisa, e.”


Feeling blessed and happy naman si Benjie sa pagkakasama niya sa Got To Believe.


Sumikat daw ulit siya dahil sikat ‘yung show. Kaya naman everywhere siya magpunta ngayon Papa Bear na ang tawag sa kanya na name niya sa Got To Believe. Maging ang mga anak daw niya sa current wife niya ngayon, Papa Bear na ang tawag sa kanya.


Anyway, may ‘Best Fair Ever’ ngayong Linggo (March 2) na handog ang Got To Believe sa mga tumangkilik ng show nila. Ang fair ay gaganapin sa Makati Circuit simula 8am hanggang 5pm na alay sa ‘G2B Army’ na binuo ng mga kabtaan na solid supporters ng most ronantic series sa primetime TV na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


-ooOoo-


WALANG tigil ang pagtulong ng tinaguriang Charity Diva na si Token Lizares. This time ang Holy Family Home Bacolod Foundation, Inc. at ang Capachin Tertiary Sisters ofthe Holy Family ang beneficiaries ng nalalapit niyang concert titled My Token of Love sa Teatrino sa may Greenhills, San Juan on March 22.


Special guests ni Token sa kanyang concert sina Rochard Poon, German Moreno, Michael Pangilinan, Prima Diva Billy, Nixa Limjap, A.J. Tamisa and Le Chazz.


Kita ang excitement ni Token sa nalalapit niyang concert when she treated us sa isang sing-along bar. Nagparaya rin siya ng ilang mga kanta at lahat kami napapanganga sa husay niya, huh!


Wish naming maging scuccessful ang concert para marami pa siyang matulungan na mga kababayan natin.


The post Deadma pa rin sa ina! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Deadma pa rin sa ina!


No comments:

Post a Comment