Sunday, March 2, 2014

Gary V’s anniversart concert

GARY VALENCIANO is celebrating his showbiz anniversary in April at the Smart Araneta Coliseum. Two nights ito kaya siguradong sasaya ang kanyang supporters at fans. So far, wala pang tumatalo sa kanyang galing at wala pa ring makapapalit sa kanyang puwesto bilang “Pure Energy.”


YVES FLORES is a very promising young actor. Maganda ang timing nya sa “Got to Believe.” Gumagawa ng ugong si Yves dahil sa kanyang role. Nakatutuwa ang rivalry nila ni Joaquin sa puso ni Chichay. Mahusay ang role nya sa kanyang unrequited love kay Chichay. Talaga namang nakarelate ang thousands of teens. Hindi porke pogi eh nakakukuha ng girl of his dreams.


ELLEN ADARNA is an interesting IT girl. Beauty na at sexy pa. Prangka at very revealing sa interview. May laman ang utak at talaga namang palaban. Tamang packaging lang at publicity eh may bago na namang pagpipiyestahan sa big screen.


DARIUS RAZON is staging a comeback in showbiz as he turns 61 on March 13. Yes, senior citizen na ang singer who popularized “Everybody Knows.” Nasa radio minsan ang konsehal ng Mandaluyong para sa isang interview. Nagkuwento ng planong pampulitika at pang-showbiz ang singer who rendered a Taglish version of his memorable hit. It sounded better and for sure, it will connect to younger listeners.


Mahina na talaga ang showbiz sa USA dahil madalas sa casino na lang ang mga singers. Yan ang sabi nga mga regular viewers ng concerts. Minsan kasi mahal ang presyo ng singers at para kumita ang producers, sobrang patong pa ang ginagawa nga promoters. Kaya nakalulungkot na lugi ang producers sa kanilang ventures.


The post Gary V’s anniversart concert appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Gary V’s anniversart concert


No comments:

Post a Comment