MAGPAPAHINA lamang sa gagawing laban ni VP Jojo Binay sa 2016 presidential race ang pagkuha nito sa Partidong Lakas. Ito ang malinaw na mangyayari sakaling magkaroon ng alyansa ang bubuuing partido ni Binay at Lakas ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.
Bukod kasi sa wala nang appeal ang Lakas sa madla dahil sa sandamakmak na kontrobersiyang kinasangkutan nito hinggil sa kuwestyonableng paggastos sa pondo ng bayan ay wala na rin itong matinong lider na puwedeng tumayo sa ngalan ng kanilang grupo.
Si Senador Bong Revilla, ang kanilang lider sa ngayon ay bumagsak na na rin ang dating nito sa publiko dahil sa pagkakadamay nito sa pork barrel na daang milyong piso ang umano’y nilustay nito.
Maging ang lider nilang si Gloria Macapagal-Arroyo ay hindi na rin puwedeng ipambala sa sambayanan dahil sa kaliwa’t kanang kontrobersiyang kinasasangkutan nito; dagdag pa rito ang usapin ng kalusugan ng dating lider ng bansa.
Kung si dating Pangulong Fidel Ramos naman ang itatayong lider ng Lakas ay mukhang malabo na rin dahil nawala na ang appeal nito sa tao, dagdag pa ang usapin ng nalipasan na rin ito ng panahon.
Samakatuwid ay hindi na dapat ikonsidera bilang treat at hebigat ang Lakas sa 2016 dahil papunta na ito sa pagkakawatak-watak at pagkawasak dahil sa mahinang pundasyon ng partido nito.
o0o
MARAMI na ang lumalaro sa Liberal Party ni Mar Roxas at sa bubuuing partido ni VP Jojo Binay. Malinaw sa pahayag ni Rep. Toby Tiangco, tagapagsalita ng grupo ni Binay, na sandamakmak nang trapo ang nakikipag-usap sa kanila upang ireserba sila ng puwesto sa bubuuing partido.
Sa maikling salita, wala nang loyalty ang mga politiko ngayon sa bansa dahil kung totoo ang sinasabing ito ni Mang Toby ay wala nang kakampi ngayon si Roxas sa Kamara. Bagay na dapat nang itsek ng grupong Roxas dahil baka papalapit nang papalapit ang 2016 ay mawalan sila ng kaalyado dahil kilala naman natin ang mga politiko sa bansa at iyan ay ang ugaling oportunista at sigurista.
Sa grupong Mar Roxas lalo’t higit kay Mang Bong, na isa sa trusted ng DILG boss, aba’y kilos-kilos din ‘pag may time!
The post ‘DI MAKATUTULONG ANG LAKAS KAY BINAY appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment