MASALIMUOT, parekoy, ang hirit ni Commissioner Kim Jacinto Henares na repasuhin ng Kongreso ang Bank Secrecy Law upang mapahintulutan ang BIR na silipin ang mga “bank accounts.”
Kaya naman maging ang mga senador ay hati ang opinyon sa isyu dahil posible nga namang humina ang “banking industry” kung papayagan ang BIR na bulatlatin ang mga impok sa bangko.
Idagdag pa, parekoy, na posibleng gamitin lang ito ng pamahalaan para habulin/gipitin ang kanilang mga kalaban sa pulitika.
Pero sa panig naman ng BIR, malaking tulong ito sa kanilang pagkuha ng buwis.
Dahil sandamakmak nga naman ang mga politiko at negosyante na hindi nagdedeklara ng tamang buwis!
Kung tutuusin, ano nga naman ang dapat ikatakot ng bangko at/o depositor kahit silipin ng BIR ang mga deposito kung ang mga may-ari nito ay wala namang itinatago pagdating sa buwis?
Katwiran naman ng depositor, bakit pa nga naman magbabangko kung nakabesaklat din lang ang kanilang inimpok na halaga?
Lalo na sa malalaking depositor, malay mo nga naman kung ang tiwaling taga-BIR ay may kasabwat na mga holdaper! Ang gulo! Huh!
Sa ganang atin, parekoy, mas maganda kung magpakita ng halimbawa ang mga opisyal ng ating pamahalaan.
Na ang lahat ng elected at appointed officials, sa unang araw pa lang ng panunungkulan ay obligadong lumagda ng “waiver” na pinahihintulutan ang BIR na silipin ang kanilang bank accounts!
Tutal naman ay ipinagyayabang din lang ng mga animal na sila ay “matitino at tapat.”
At hindi mga korap! Hak, hak, hak!
-o0o-
MALIBAN sa naglipanang video karera machines ni Gina Gutierrez at “lotteng” ni Boy Abang, may isa pang sikat na puwesto ngayon ng sugal sa Maynila.
Sa Bangkusay area, sakop ng Stn. 1 ng MPD ay nakalatag ang “puwesto pijo” ni Ombeng.
Taga-Malabon itong si Ombeng na bata ni Navotas City Mayor Tiangco.
At kaya pala nagyayabang ang animal na hindi siya kayang kalawitin ng Erap boys sa Maynila dahil magkaibigan sina Mayor Erap at Mayor Tiangco.
Ikaw ba MPD Director C/Supt. Rolando Asuncion ay kabigayan, este, kaibigan din ni Ombeng?
VK SA TAGUIG
HALOS punuin naman ng 220 pirasong mga makina ng VK (video karera) ni Boy Intsik ang lungsod ng Taguig.
At kaya pikit-mata ang COP dahil kausap na pala ni Boy Intsik ang kanyang bagman na si Jun Laurel.
Sa ngayon, parekoy, ay 2 linggo nang bukas ang nasabing mga makina dahil ang padrino ay R2 ng NCRPO!
The post BANK SECRECY LAW AT SAKLA SA MAYNILA ATBP. appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment