TINIYAK ng liderato ng Senado na magiging prayoridad ang pagtalakay ng Bangsamoro basic law sa oras na makarating na sa Kongreso ang panukalang batas.
Ito ay sa harap ng gagawing makasaysayang paglagda ng Bangsamoro comprehensive Agreement ngayong araw sa Malacañang sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, target nilang maipasa ngayong taon ang basic law upang agad na maratipikahan ng taong bayan sa mga nasasakupang lugar sa Mindanao.
Kasabay nito ay muling tiniyak ng Senado na magiging alinsunod sa Konstitusyon ang pagtibayin nilang batas upang wala nang balakid ang inaasam na kapayapaan sa Mindanao.
Batay sa time frame ng Transition Commission, ngayong Marso 31 ang kanilang self-imposed deadline para isumite sa Malacañang ang first draft ng basic law at maaaring sa buwan ng Mayo ay maisusumite na ito sa Kongreso.
Binigyang diin ni Drilon na mahalaga na maisakatuparan ng usapang pangkapayapaan sa Mindanao upang umangat ang antas ng pamumuhay lalo na ng kababayang Islam.
Malaking mensahe rin aniya ito sa buong mundo na maipapakita ng Pilipinas na nagkakaisa ang kultura at lahi, mapa-Kristiyano man o Islam.
The post Bangsamoro Law maipapasa ngayon – Drilon appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment