Wednesday, March 26, 2014

10 bayan sa Misamis Oriental, inatake ng peste

TODO-ALERTO ang Department of Agriculture (DA Reg. 10) dahil sa muling pag-atake ng tinaguriang scale insects sa mga pananim sa 10 bayan na kinabilangan ng isang siyudad at siyam na bayan ng Misamis Oriental.


Inihayag ni DA regional director Lealyn Ramos, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang municipal agriculturists upang malaman kung gaano na kalaki ang danyos na ginawa ng mga peste.


Ayon kay Ramos, partikular na inatake ng peste ang lanzones production sa nasabing mga lugar.


Sinabi pa ng opisyal, ang pag-atake ng mga peste ay dati na ring nangyari noong nakaraang mga taon sa lalawigan.


Inihayag ni Ramos na bagamat mayroon na silang ginawang mga hakbang subalit inamin nito na mahirap mapigil ang presensiya ng mga peste dahil sa sobrang lawak na naapektuhan na mga sakahan.


Bagamat gumamit na ang mga magsasaka ng mga insecticide para panlaban sa mga peste subalit tila hindi na nila ito mapigilan pa.


Kabilang sa mga lugar na sinalakay ng mga peste ang Gingoog City, Lagonglong, Salay, Binuangan, Kinoguitan, Sugbongcogon, Balingoan, Talisayan, Medina at Magsaysay.


Mayroong mga ulat na nakapasok na rin ang nasabing mga peste sa bahagi ng Camiguin at maging sa ilang bahagi ng Caraga region.


Paliwanag pa ng DA, ang scale insects ay mga maliit na organismo na mag-secrete ng “wax” na nagsisilbing depensa nito upang hindi madaling maatake.


Una rito, unang bumuhos ang mga peste sa mga dahon ng mga pananim hanggang sa mga puno na.


Mapapansing tuluyan na lamang itong mananamlay.


Wala pang mailahad na danyos ang tanggapan ng DA sa nasabing scale insects attack sa lalawigan.


The post 10 bayan sa Misamis Oriental, inatake ng peste appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



10 bayan sa Misamis Oriental, inatake ng peste


No comments:

Post a Comment