Wednesday, March 26, 2014

Ayaw paawat sa pagkanta inutas

PATAY sa palo ng tatlong hindi pa kilalang suspek ang isang lalaki makaraang mabuwisit ang grupo sa kakakanta ng biktima sa isang videoke bar sa Caloocan City Miyerkules ng madaling-araw, Marso 26.


Dead-on-the spot sanhi ng mga pinsala sa ulo si Bryam Timpug, 26, ng Hito st., Longos ng lungsod.


Sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw, panay ang awit ng biktima sa J. Grajo Resto Bar sa Tanigue St., kung saan naasar ang mga suspek na nag-iinuman naman sa katabing mesa dahil masakit sa tenga ang boses ng nasawi.


Hindi nagpaawat sa pagkanta ang biktima na naging dahilan upang lapitan ng mga suspek hanggang sa magtalo.


Lumabas na si Timpug ng bar subalit sinundan ng mga suspek na may dalang mga pamalo at hinabol ang una hanggang sa maabutan bago pinagtulungan hatawin sa ulo.


Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek na inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga ito.


The post Ayaw paawat sa pagkanta inutas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ayaw paawat sa pagkanta inutas


No comments:

Post a Comment