Wednesday, March 26, 2014

Abogado todas sa pananambang

NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) hinggil sa pag-ambush sa isang abogado matapos tambangan ng ‘di nakikilalang suspek sa Sta. Ana, Maynila kaninang umaga.


Namatay habang ginagamot sa Sta. Ana Hospital si Atty. Clinton Laudencia, Jr., tubong Muñoz, Nueva Ecija at residente ng 677 Lerma St., Mandaluyong City sanhi ng tama ng bala sa leeg, katawan at braso.


Inaalam na ang pagkakakilanlan sa suspek na nakasakay ng naplakahang motorsiklo at naka-helmet na tumakas matapos ang insidente.


Sa report, alas-10:15 ng umaga kanina nang naganap ang pananambang sa kanto ng Panadero at Azucena Sts., Sta Ana, Manila.


Nabatid na galing ang biktima sa kanyang opisina sa Silang St., Sta Ana at pauwi na sakay ng kanyang gray na Honda Civic (ZNP-207) nang tambangan ng suspek.


Patuloy na inaalam ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen.


The post Abogado todas sa pananambang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Abogado todas sa pananambang


No comments:

Post a Comment