Tuesday, July 1, 2014

PUPWEDENG HINDI SUNDIN ANG GOBYERNO SA RH LAW

burdado-jun-briones2 MAY bagong desisyon ang Supreme Court ng Amerika ukol sa kanilang batas sa birth control.


Ang batas sa birth control sa Amerika ay nakapaloob sa sinasabing Obamacare na programang pangkalusugan na ipinangalan kay Pangulong Barrack Obama.


Sa Obamacare, lahat ng mga kompanya sa Amerika ay obligadong gastusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga empleyado sa usaping pangkalusugan, kabilang na ang mga para sa birth control.


Kinontra ito ng mga may-ari ng dalawang kompanya na nagsabing sila’y mga Katoliko at labag umano sa kanilang pananampalataya ang pagsuporta sa artificial birth control at abortion.


Conestoga Wood Specialties ng Pennsylvania and Hobby Lobby ng Oklahoma ang mga nabanggit na kompanya.


Sa desisyon ng SC ng Amerika, kinilala nito ang karapatan sa kalayaan sa relihiyon ng mga may-ari ng mga kompanya at hindi na sila obligadong ipatupad ang Obamacare.


Lalo na ang mga gamot at pamamaraan makapagdudulot ng aborsyon.


Heto ngayon, parekoy, ang siste.


“Di ba, may kahawig tayong batas sa Obamacare, ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 o RH Law?


May idineklara ng sarili nating Korte na mga bahagi ng RH Law na labag sa Saligang Batas.


Aling bahagi sa RH Law na labag sa ating Konstitusyon ang kahawig ng bahagi ng Obamacare na idineklarang labag sa Konstitusyon ng Amerika?


Tinatanong natin ito sapagkat pupwedeng gamitin ng mga anti-RH law sa Pinas ang desisyon ng SC ng Amerika bilang batayan ng hindi nila pagpapatupad ng RH Law.


Bakit?


Sapagkat, sa maraming pagkakataon, ang mga desisyon ng SC ng Amerika ay atin ding tinatangkilik na batas at ginagawang batayan ng mga desisyon ng mga hukuman sa Pinas.


O kilos-kilos na, kayong mga anti-RH law para kontrahin si Obama, este, si PNoy na naging masugid na suporter ng RH Law. Pwe!


The post PUPWEDENG HINDI SUNDIN ANG GOBYERNO SA RH LAW appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PUPWEDENG HINDI SUNDIN ANG GOBYERNO SA RH LAW


No comments:

Post a Comment