Tuesday, July 1, 2014

P10.00 pasahe sa jeepney, ipinasusulong

IGINIIT kanina, Hulyo 1, Martes, ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P10.00 singil sa pasahe sa jeep matapos muling tumaas ang presyo ng petroleum product.


Alas-6:00 ng umaga, ipinatupad ang oil hike ng Shell, Petron, Phoenix Petroleum, PTT Philippines at Seaoil ng P0.45 kada litro habang P0.10 naman sa diesel.


Hindi namang nagbago ang presyo ng kerosene.


“Heto na naman ang oil hikes, eh, kailan lamang P1.35 ang ipinatupad na oil hikes, saan na pupunta ang mga ordinary jeepney driver, tanong ni De Luna?


Kaugnay nito iginiit ni De Luna na dapat ng ibinigay ng (LTFRB) ang P10.00 pamasahe sa jeepny sa unang apat (4) na kilometro, giit pa ng transport leader matagal na nilang hinihingi ang fare hikes na ito.


Paliwanag ni De Luna, bukod sa patuloy na oil hikes, problemado rin sila sa kabi-kabilang mga road constructions sanhi ng kabi-kabilang traffic sanhi ng pagliit ng kanilang kita gayun din ang walang kamatayang mga erring traffic enforcers na walang alam gawin kundi kotongan ang mga jeepney driver.


Sa hiwalay na interview, inayunan ito ni Orlando Marquez, national president ng Liga ng Transportasyon at Opereytor sa Pilipinas (LTOP) kung kaya’t ang kanyang grupo ang nagsasagawa ng mga alternative fuel para magamit ng kanyang grupo.


Kahapon din inilunsad ni Marquez ang Thehco Tech na tutulong sa mga jeepney driver at operator kung paano makakatipid ng diesel bukod pa sa pagiging friendly at Green Technology nito.


The post P10.00 pasahe sa jeepney, ipinasusulong appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P10.00 pasahe sa jeepney, ipinasusulong


No comments:

Post a Comment