INAASAHANG madidismayang muli ang publiko partikular na ang mga motorista sa administrasyong Aquino dahil mistulang hindi na nito kayang kontrolin ang mga kompanya ng langis sa bansa sa patuloy nilang pagpapatupad ng “oil price hike” makaraang muli silang nagtaas ng presyo sa kanilang ibinebentang produktong petrolyo epektibo kahapon ng umaga.
Alas-6 ng umaga nang pangunahan ng tinaguriang “Big 3 Oil Companies” ng bansa na Pilipinas Shell, Petron Corporation at Chevron Philippines ang pagpapatupad ng dagdag-presyo ng kanilang produktong petrolyo kung saan nagdagdag sila ng P0.45 kada litro ng gasolina at P0.10 naman sa diesel.
Sumunod din nagtaas ng kaparehas na halaga ang kompanyang Seaoil, Total Philippines at Phoenix Petroleum habang wala naman paggalaw sa presyo ng kerosene.
Sa ipinadalang mensahe nina Petron Strategic Communications Manager Raffy Ledesma, Toby Nebrida ng Pilipinas Shell at Ning Ignacio ng Chevron Philippines, ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan dahil sa patuloy pa rin tumitinding kaguluhan sa Iraq.
Sa kabila ng pagpapatupad ng oil price hike, nagbawas presyo naman ang kompanyang Petron Corporation sa kanilang Liquefied Petroleum Gas (LPG) na P0.10 kada kilo na katumbas ng P1.10 kada tangke na tumitimbang ng 11 kilogram habang sa auto LPG ay nasa P0.06 kada litro na epektibo din ng alas-6:00 ng umaga kahapon.
Matatandaang huling nagpatupad ng pagtaas ng presyo ng mga gasolina ang mga kompanya ng langis ay noong Hunyo 24 kung saan nagdagdag sila ng P1.30 kada litro sa presyo ng gasolina, P1.45 kada litro sa kerosene at P1.20 naman sa diesel.
The post Oil price hike muling ipinatupad appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment