PAKAKASALAN na ni Patrick Garcia ang girlfriend at mother ng latest love child niya na si Nikka Martinez. Nag-propose na si Patrick kay Nikka during a church service na dinadaluhan nila pareho. Kasunod nito ang pagsi-share ng video ng proposal niya kay Nikka sa kanyang social media.
“It will make me very happy if you’d allow me to make it right with you and most of all if we could make it right with The Lord,” sabi ni Patrick kay Nikka.
Lumuhod pa raw si Patrick nu’ng tanungin niya si Nikka with matching blue sapphire ring kung pwede siyang pakasalan ng aktor. Nagulat syempre si Nikka at sa sobrang kaligayahan, may pinost din siya sa kanyang social media account.
“I thought you were just going to share your powerful testimony in church. Little did I know. Well I did not know at all you had this planned today! I love you @onlypatrickgarcia !!!! Yes, I will gladly marry you???????????? #makingthingsright #allglorytoYouLord #WLCM,” laman ng mensahe ni Nikka.
Masaya naman for Patrick ang kapatid niyang si Cheska pati na ang kanilang ina at binati ang bagong engaged na couple.
“I’m so happy for the both of you! Make it right with the Lord and everything will follow,” post naman ni Cheska.
Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanyang first birthday ang unica hija nina Patrick at Nikka na si Chelsea.
-ooOOoo-
Another singer from Cavite again ang tinanghal na champion sa katatapos lang na singing contest ng ABS-CBN, ang ‘The Voice Kids.’ Taga-Cavite rin kasi ang ina ng ‘Star Power’ champion na si Angeline Quinto.
This time, ang nine-year-old at scavenger ang mga magulang sa Cavite na si Lyca Gairanod ang nag-champion sa ‘The Voice Kids’ last Sunday.
Napanood namin ng live si Lyca sa Resorts World Manila last Saturday. That night, hindi kami aprub sa naging performance niya, both sa ballad and upbeat rounds. Pero nakabawi si Lyca nu’ng sumunod na gabi sa performance niya kasama ang Aegis.
Tingin namin maagang nakuha ni Lyca ang sympathy ng viewers bago pa man ginanap ang Performance Night ng four grand finalists. Kaya kahit angat ang performance ni Darren Espanto na win ng second place nu’ng Sabado, parang ‘di pa rin natinag ang mga nagkagusto kay Lyca.
Kunsabagay, okey na rin kahit second lang ni Lyca si Darren. Naipakita naman niya kung gaano talaga siya kahusay kumanta. Tingin naman namin, e, Darren will have a very bright future sa pagkanta and possibly, pati sa pag-arte.
And speaking of Angeline, two nights na lang and for the first time ay magpe-perform na si Angeline Quinto sa Klownz Quezon Avenue for her show titled “Angeline Quinto Live@Klownz!” on Wednesday, July 30, 9 pm.
Total satisfaction guaranteed kapag bumili kayo ng tiket at nanood ng show ni Angeline sa Klownz Quezon Avenue. Kaya maaga pa lang, pumila na kayo sa Klownz.
May 16 songs ang kakantahin ni Angeline sa show and for every ticket na mabibili ninyo ay may kasamang CD ng official soundtrack ng tope rating teleserye na Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Paulo Avelino. SWAK NA SWAK/Julie E. Bonifacio
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment