KING-INA, inutil talaga ang gobyerno sa pagliligtas sa mga overseas Filipino worker sa oras ng maramihang kagipitan at kamatayan.
Naganap ang isang halimbawa nito sa Benghazi, Libya na kinalalagyan ng maraming OFW mula sa kabuuang 13,000 OFW sa buong Libya.
Nagaganap ang mabangis na giyera sibil, parekoy, kabilang na ang paglaganap ng mga militante, sa Libya kaya naman nagdeklara na ang pamahalaan ng sapilitang paglilikas ng mga OFW sa nasabing bansa.
Itinulak ang gobyerno na gumawa ng alert level 4 nang isang OFW ang hinuli at pinugutan ng mga militante sa isang lugar sa nasabing bansa.
Sa patakarang alert level 4, sinasabi ng pamahalalan na gastos nito ang lahat at aktibo itong aakay mismo sa mga OFW na lalabas ng Libya o anomang bansa na kinalalagyan nila na may delikadong kalagayan.
Ngayon nga ay may gustong lumikas na OFW ngunit sa pulong na dinaluhan ng nasa 300 OFW na gustong lumikas, hindi naman nakita kahit anino lang ng pamahalaan sa lugar.
Rason ng mga hijo de puta na taong pamahalaan, eh, natakot daw sila sa maraming patay na naraanan nila sa kanilang pagbiyahe patungo sa lugar ng meeting.
King-ina, ganyan na ba kainutil ang gobyerno at magaling lang ito sa pagtanggap at paggamit nito ng bilyon-bilyong dolyar na padala ng mga OFW?
Maganda ang ibinabalita ng pamahalaan na mga aksyon nito sa mga OFW na naiipit sa mga kaguluhan at digmaan ngunit kainutilan ang totoong dala-dala nito.
Kailangan na ang pagbabago para sa tapat na paglilingkod ng pamahalaan sa mga OFW.
Kailangan ang tunay na sakripisyo ng pamahalaan upang maligtas sa kapahamakan ang mga OFW na ginagawa nitong sandalan sa mga matitinding krisis nito sa pananalapi, empleyo at pamumuhunan. BURDADO/Jun Briones
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment