Monday, July 28, 2014

SSS CALAMITY RELIEF AT ASSISTANCE PACKAGE

ANG assistance package ng Social Security System (SSS) ay nag-aalok sa mga kuwalipikadong pensyonado ng SSS sa isang opsyon na maaari nilang makuha ng mas maaga ang kanilang tatlong buwan na halagang pensiyon. Ang pagkamit ng advance pension payments ay nangangailangan ng aplikasyon na may sertipikado ng Punong Barangay.


“Ang mga Pensioner ay maaaring ilakip ang certification mula sa Barangay Chairman, DSWD, o NDRRMC na nagpapatunay ng kanilang pagiging residente sa apektadong lugar ng bagyo. Kami ay tatanggap lamang ng mga aplikasyon na wala ni isa man sa mga katibayan na ito, kung ang lugar ng nasabing pensyonado ay nakasama sa mga opisyal na dineklarang lugar ng kalamidad at ito ay parehas sa aming “database,” paliwanag ni Ciriaco.


Sinabi rin ng opisyales ng SSS na ang karaniwang pagbibigay ng pensiyon ay awtomatikong magpapatuloy pagkatapos ng tatlong-buwang saklaw ng advance payments.


Maliban sa SLERP at tatlong-buwang advance pensions, binabaan din ng SSS ang singil sa interes para sa SSS Direct House Repair and Improvement Loan hanggang 6% bawat taon. Ang service fee ay sinantabi rin para mas makatulong sa mga miyembro na nangangailangan na magkumpuni ng kanilang mga tahanan, sabi ni Ciriaco.


Ang huling araw sa pagbibigay ng aplikasyon para sa SSS calamity relief package ay sa Oktubre 31, 2014, maliban para sa Direct House Repair and Improvement Loan, na kung saan may hanggang isang taon mula sa paglalabas ng SSS Circular. Makukuha ang mga application form sa mga sangay ng SSS o pwedeng mai-download mula sa SSS website (www.sss.gov.ph).


Para sa mga miyembro ng SSS na nakatira sa mga apektadong lugar na hindi pa opisyal na naideklara na nasa estado ng kalamidad, ang SSS ay magbibigay ng anunsiyo o lathala sa pamamagitan ng “media advisory” sa oras na makumpleto ng NDRRMC ang pagtatantiya sa mga nasira ng Bagyong Glenda. ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong


.. Continue: Remate.ph (source)



SSS CALAMITY RELIEF AT ASSISTANCE PACKAGE


No comments:

Post a Comment