PATAY ang isang lalaki nang paluin ng tubo sa ulo ng kanyang kapatid na napikon sa kanyang tawag na bingot sa Butuan City.
Nabatid na naganap ang krimen alas-12:45 ng madaling-araw kanina sa Purok 3, Brgy. Salvacion, nasabing lalawigan.
Sa imbestigasyon, nag-inuman ang magkapatid nang tawagin ng biktimang si Romy Panilaga, 30, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Ramil Panilaga, 39, ng bingot.
Dahil sa asar ay kumuha ng tubo ang suspek at hinataw sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.
The post Tinawag na bingot: Bunso pinatay ng kuya appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment