ANG electronic payment ay isang wave of the future, na nagbibigay ng kaginhawahan pati na rin ang pinahusay na bilis at seguridad sa bawat gumagamit.
Ang pagkakaisa na ito ay isang commitment o pagtuon ng Citi upang magsilbi at magbigay ng solusyon sa pagbabayad hindi lamang sa mga pribadong kompanya, pati na rin sa pampublikong sektor.
Tinanggap ang Social Security System (SSS) Citi Visa prepaid card sa higit 15,000 Automated Teller Machine (ATMs) at 200,000 Visa merchant sa Pilipinas, pati na rin ang sa mga pagbili sa online.
Ang kanilang mga miyembro ay maaaring gumamit ng card, dahil may sampung milyong retailers ang tumatanggap ng Visa at makapag-withdraw sa lokal na pera sa dalawang milyong mga ATM sa higit na 200 teritoryo sa buong mundo at bansa.
“Ang Visa ay nakatulong sa mga pamahalaan sa buong mundo upang makapaggawa ng mas maganda sa pamamagitan ng paggamit ng mga electronic na mga pagbabayad. Ang aming pakikipagtulungan sa SSS at Citi Philippines ay isang mahusay na halimbawa na kung paano gamitin ang Visa prepaid card upang magbigay ng mas maginhawa, nakasisiguro at may mahusay na sistema upang gamitin ang salary loans sa sampu-sampung milyong mga miyembro ng SSS sa bansa ,” sinabi ni Peter Maher, Visa Group Country manager para sa Timog-Silangang Asya.
Ayon kay SSS Vice President and Officer-in-Charge of Lending and Asset Management Division May Catherine Ciriaco, “Walang karagdagang singil o bayarin kapag kayo’y namili gamit ang card sa Point-of-Sale (POS), habang ang withdrawal charges naman ay ilalapat para sa lahat ng ATM transaction, depende sa bangko na nagmamay-ari ng ATM.”
Nabanggit ni Ciriaco, “Ang mga prepaid card ay walang maintaining balance at maaari pang gamitin sa iba’t ibang promo na inilalahad ng mga Visa partner merchants.”
The post SSS CITI VISA PREPAID CARD NAGBIBIGAY NG GINHAWA, BILIS AT SEGURIDAD appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment