KAMAKAILAN lamang ay tinanggap ng Social Security System (SSS), ang CTBC Bank (Philippines) Corp. sa kanyang listahan ng accredited banks para sa mabilis, ligtas at maayos na pagpapalabas ng employers reimbursement sa ilalim ng SSS Sickness at Maternity Benefit Payment sa pamamagitan ng bangko (SMBPB) program.
Ang Employer-clients of CTBC Bank (formerly known as Chinatrust Philippines), ay maaaring magkaroon ng savings o current accounts sa pamamagitan ng pagsusumite ng kanilang SMB PB application sa CTBC bank.
Ang application forms ay maaaring makuha sa SSS branches at maaari ring i-download sa SSS website (www.sss.gov.ph). Ang mandatory implementation ng programa ay nagsimula noong Enero 2014, bilang bahagi ng SSS thrust upang paunlarin ang serbisyo at paghahatid ng SMB PB program na ipinalit sa dating SSS system reimbursing employers sa pamamagitan ng tseke, na nag-aalis sa paghihintay sa mga iniisyung tseke para sa clearing time, gayundin maisaayos ang mga nawawala at naliligaw na tseke na for delivery.
Pagkatapos nilang pirmahan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa SSS main office, Diliman, Quezon City. Nakipagkamay si SSS President at Chief Executive Officer Emilio S. De Quiros, Jr. kay CTBC bank Executive Vice President Raymundo Martin M. Escalona at kina SSS Sickness, Maternity and Disability Benefit Administration Department Manager Normita M. Doctor, CTBC Bank Assistant Vice President Grace N. Morales at CTBC Bank Cash Management Officer Brian Jasper R. Suarez.
-oOo-
Sana maging masaya ang inyong kaarawan! Happy Birthday to NWRB Birthday Celebrants for the month of March 2014: Imelda C. Vergara (March 6), Marilyn A. San Pedro (March 11), Emmanuel C. Abalain (March 12) at Vilma A. Vergara (March 17).
The post SSS AT CTBC BANK PUMIRMA NG KASUNDUAN PARA SA EMPLOYERS REIMBURSEMENT appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment