DALAWA ang kumpirmadong patay sa nangyaring salpukan ng Partas Bus at tricycle sa kahabaan ng national highway, sakop ng Barangay Camiling, Balaoan, La Union kahapon.
Batay sa impormasyon, dead-on-arrival sa ospital ang dalawang lulan ng tricycle na sina Melchor Ferrer at Marcus Cariaso, kapwa residente ng Callautit, Bacnotan, La Union.
Nakilala naman ang drayber ng Partas Bus na si Ignacio Villamor.
Napag-alaman na binabagtas ng nasabing bus ang kalsada pa-hilaga nang mangyari ang head-on collision sa kasalubong na traysikel patungo naman ng opposite direction.
Dahil sa lakas ng impact ng aksidente, naputol pa at nabasag ang ulo ni Ferrer.
Samantala, inilipat naman sa ibang Partas Bus ang pasahero nito matapos isailalim sa kustodiya ng mga pulis ang driver na kabilang sa naaksidenteng bus.
The post Salpukan ng bus at tricycle sa La Union, 2 patay appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment