NO offensement to other showbiz fathers pero majority talaga sa mga ito ay pabaya sa kanilang mga anak at laging iniaasa na lang ang lahat sa mga naanakan nila o babaeng pinakasalan. Isang malaking example ay itong si Raymart Santiago na puro dada lang at pabango ng kanyang pangalan sa publiko ang alam gawin. Pero ang totoo, hanggang ngayon ay deadma naman ang actor pagdating sa sustento sa anak nito kay Claudine Barretto na si Santino.
Sabi, noong July pa last year nag-abot ng panggastos si Raymart. Ano’ng buwan at taon na tayo ngayon? Aba’y kung kukuwentahin natin ay abot 8 months na hindi nagbibigay ang aktor. Ano ba naman ‘yung 10% ng kanyang mga kinikita sa show na mga ginawa sa GMA o kahit 5% na lang ay i-share naman niya sa sariling anak?
Huwag na lang kay Sabina kasi kayang-kaya naman siyang buhayin ni Claudine. Sana kahit kay Santino na lang. Pero mukhang may kakapalan talaga ang actor dahil kahit na alam na alam naman nitong walang trabaho ngayon si Claudine ay nagpapabaya pa rin siya.
Naku! ano kaya ang masasabi ng kaibigang legal counsel ni Clau na si Atty. Ferdinand Topacio sa mga pinagagawang ito ni Raymart? Mabuti pa nga ang BFF at labs naming abogado kahit na hindi niya pamilya si Claudine ay todo-todo ang ibinigay niyang suporta sa legal battle nito sa walang kuwentang ex-Papa. Kainis naman talaga gyud!
***
SIKRETONG NI CHERRY PIE SA IKAW LAMANG, NABUNYAG NA!
ISANG malaking factor kung bakit ayaw bitiwan ng televiewers ang Ikaw Lamang, gabi-gabi kasi ay iba’t ibang malalaking eksena, pangyayari at mga rebelasyon ang mapanonood mo. Tulad ng episode nila last March 21, Friday, kung saan dahil sa nakatikim ng pangungutya si Samuel(Coco Martin) mula sa mapanglait na maybahay ni Mayor Eduardo Gonzalo (Tirso Cruz III) na si Miranda(Cherie Gil) kung saan tinawag pa nitong magnanakaw ang Nanang ni Samuel na si Elena (Cherry Pie Picache).
Dahil sa sobrang nasaktan sa pangmamaliit sa kanila at hindi matanggap ang paratang sa sariling Ina, kinumpronta ng binata ang kanyang Nanang para sabihin at ipagtapat nito ang totoong nangyari sa ibinibintang ni Miranda na siya ay magnanakaw?
Grabe! Ang tindi ng impact ng acting na ipinakita ni Cherry Pie sa eksena nilang ito ni Samuel habang nagpapaliwanag sa anak na hindi siya magnanakaw kundi na-set up lang siya ng taong hindi niya alam kung sino? Inilagay raw ‘yung alahas sa gamit niya para siya ang mapagbintangang kumuha nito. At ang pangyayayaring ito raw ang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay matindi pa rin ang galit sa kanya ng pinaglingkuran noong si Mayor Hidalgo at pamilya nito. Ginawa raw siyang katiwala ng naturang Alkalde sa Salvacion at gusto pa siyang pag-aralin at dahil sa inggit ng ibang tao ay nagawa siyang sirain sa mata ng among si Eduardo at nagtagumpay nga sila. Pinagdusahan ni Elena ang kasalanang hindi ginawa at para hindi siya makasuhan noon ng pamilya ni Mayor Eduardo ay inako na lang nito ang lahat na siya ang may sala. Napakahusay talagang actor ni Coco at deserved niyang magka-award muli sa Master Teleserye nilang ito ni Kim Chiu.
Kaya tutok lang mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dyesebel sa Primetime Bida ng Kapamilya network.
***
A. MONTES ELEM. SCHOOL NG ILOILO, GRAND CHAMPION SA JUNIOR PINOY HENYO SAYAWAN SA EB
LAST Saturday ay tinutukan talaga ng mga Dabarkads natin from Luzon, Visayas at Mindanao ang Grand Finals ng Junior Pinoy Henyo Sayawan na ginanap sa pabolosang Resorts World Newport Performing Arts. Especially ang mga taga-Davao at IloIlo na parehong may manok sa labang ito.
Tatlo sa nagsilbing judges sa grand finals ay ang Diamond Star na si Maricel Soriano at mag-sweetheart na Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Paglabas palang ng mga 8 grand finalists ay dumagundong na ang buong venue sa rami ng crowd na kinabibilangan ng mga supporter ng bawat school.
At ang nag-stand out sa lahat at tinanghal na Grand Champion sa Sayawan ay ang A. Montes Elementary School na mula sa IloIlo. Tinalo nila ang Magallanes Elementary School (Davao), Malate Catholic School (Manila), Antonio Regidor Elem. School (Sta. Cruz, Manila), St. Joseph College of Olongapo, (Zambales), Sta. Cristina Elem. School (Dasmarinas, Cavite), University of The Assumption (Pampanga) at ang Toro Hills Elem. School sa Quezon City.
Kalahating milyong piso ang naiuwing premyo ng A. Montes Elem. School at Junior Pinoy Henyo trophy. Siyempre, very-very proud ang kanilang male coach sa galing ng kanilang performance sa nasabing dance showdown.
The post Raymart Santiago deadma sa sustento para sa sariling anak appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment