UHUGING binatilyo pa lang tayo nang unang marinig ang pangalan ng kaibigan ng masa na si Pepe.
Simula noon, nababalitaan natin na hindi naging patumpiktumpik ang mga isinusulong ng mga nakikisimpatya sa mailap na si Pepe. At hanggang ngayon ay mararamdaman na hindi pa rin kampante ang mga kaaway ng matapang na si Pepe.
At matutunghayan sa mga pahayagan na marami na ring pinagdaanan na tagumpay at kabiguan si Pepe …pero nagpapatuloy!
Katunayan, kamakailan lamang ay inaresto ang mag-asawa na itinuturing na nag-aruga sa noon ay bata pang si Pepe.
Haay, ganyan talaga, parekoy, ang buhay, minsan ay sinasabi na lumilihis na ang landas ng kaibigan ng masa na si Pepe.
Pero ayon naman sa mga tunay na nakakikilala, si Pepe ay pilit lamang ipinipiktyur na masama ng kanyang mga kalaban!
Ang tanong lang natin, aabot ba sa edad na 45 anyos si Pepe kung hindi siya binibigyan ng todo-suporta ng masa?
Bago natin isinulat ito ay may mga nagpaalala sa atin na huwag raw babatiin si Pepe sa kanyang kaarawan at baka pati tayo ay pagdiskitahan ng kanyang mga kalaban.
Isa lang ang alam ko, parekoy, hindi kailangang makisimpatya o supporter tayo para batiin sa kanyang kaarawan si Pepe.
Ang alam ko, sa araw na ito ay sandamakmak ang mga bumabati sa maka-masa na si Pepe.
Idadagdag ko na lang ang sa akin! Hehehe! Happy 45th Founding Anniversary sa CPP!
-o0o-
BALISA ngayon si Masbate PNP Provincial Director S/Supt. Jacinto Culver Nasol Sison dahil namemeligrong wasakin ng iligal na sugal ang maganda niyang layunin sa lalawigan kong mahal.
‘Yan, parekoy, ang timbre ng ating tawiwit na sa totoo lang ay may personal ding kaalaman ukol sa naglipanang “lotteng” sa Masbate. Idinagdag pa ng tawiwit na hangga’t maari ay gusto ni PD na kalawitin na ang mga gambling lord upang hindi na umabot sa kaalaman ni Region 5 Regional Director C/Supt. Victor Pelota Deona ang nasabing iligal na gawain.
Ang problema, binubulag din si PD ng kanyang mga COP dahil tumatanggap pala ang mga ito mula kay Babyboy Tan, Perla Manlapaz at Benjie Lim na nag-ooperate sa Masbate City, Milagros, Balud, Mandaon, Aroroy, Baleno at Mobo.
Isa lang ang ibig sabihin niyan, Col. Sison, hindi ka pinakikinggan ng lintek na mga COP sa nabanggit na lugar dahil sa laki ng kanilang pakinabang!
Kung ako ang PD? Magreresign na lang ako!
Emedyetli! Hak, hak, hak!
The post PUMUPUTOK PA SI ‘PEPE’ AT LOTTENG SA MASBATE appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment