TINIYAK ni Vice President Jejomar Binay na kakalas na siya sa Partido Demokratiko ng Pilipinas (PDP Laban).
Si Binay ang tumatayong national chairman ng PDP-Laban.
Ayon kay Binay, bubuo siya ng bagong political party bilang paghahanda sa kanyang pagsabak sa Presidential elections sa 2016.
Tikom naman ang bibig ng bise-presidente kung kasama sa political party na ito sina Sarangani Rep. Manny Pacquiao, Cebu Rep. Gwen Garcia, Parañaque Rep. Gus Tambunting at Makati Rep. Monique Lagdameo.
Samantala hugas kamay naman ang Palasyo sa pagbuhay muli ng kaso ni dating Makati City Mayor Atty. Elenita Binay sa Office of the Special Prosecutor ng Office of the Ombudsman.
Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi alam ng Palasyo ang pagbuhay muli sa kasong graft ni Mrs. Binay na asawa ni Vice Pres. Jejomar Binay hinggil sa sinasabing overpricing sa hospital beds sa Ospital ng Makati.
Napag-alaman na ang kaso sa dating mayor ay una nang ibinasura ng korte noong 2011 mahigit sa 10 taon na ang nakalipas subalit muling naghain ng motion for reconsideration ang co-accused sa kaso na inaksiyunan naman ng Office of the Special Prosecutor.
The post PDP-Laban lalayasan na ni VP Binay appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment