PINAG-AARALAN na ng pamahalaan na masolusyunan ang pasanin ng mga consumer sa kabila ng isyu sa presyo ng kuryente.
Ayon kay Pangulong Noynoy Aquino, masusing pinag-aaralan ng pamahalaan ang panukalang pagkakaroon ng subsidiya at paggamit ng Malampaya fund.
Giit ng Pangulo, dapat naaayon pa rin sa batas ang solusyon para na rin sa interes ng mamamayan.
Kamakailan sinabi ni Atty. Dennis Manalo na lahat ng mga nakuha ni Ruby Tuason mula sa sinasabing pork barrel scam at Malampaya fund ay nakahanda niyang isauli dahil aminado siyang hindi sa kanya ang pera.
Batay sa rekord si Ruby Tuason, ang nakalabas ng bansa na sinasabing nakakuha ng P243 million mula sa ghost project na Malampaya funds ay nagmula sa kinita sa natural gas field sa Palawan na sinasabing may 2.7 trillion cubic feet na natural gas reserves na siya ngayong ginagamit sa tatlong power plants sa Luzon.
The post Paggamit sa Malampaya fund, pinag-aaralan na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment