Friday, March 28, 2014

Napoles pinayagang ma-confine sa Ospital ng Makati

PINAYAGAN na ng Makati Regional Trial Court (RTC) si Janet Lim-Napoles na ma-confine sa labas ng Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna kung saan ito kasalukuyang nakapiit.


Pumayag ang korte na makapagpatingin si Napoles sa Ospital ng Makati na isang pampublikong pagamutan.


Pinili ni Judge Elmo Alameda ang Ospital ng Makati bunsod na rin ng mariing pagtutol ng prosekusyon na maipasok sa St. Luke’s si Napoles.


Nais ni Napoles na sumailalim sa surgery para alisin ang myoma na nadiskubre sa matris nito saka ma-confine sa isang ospital.


The post Napoles pinayagang ma-confine sa Ospital ng Makati appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Napoles pinayagang ma-confine sa Ospital ng Makati


No comments:

Post a Comment