Saturday, March 1, 2014

NAPOCOR sinupalpal ng Malakanyang

SINUPALPAL ng Malakanyang ang National Power Corporation (NAPOCOR) at Department of Energy (DoE)dahil sa patuloy na pagsisisihan sa nangyaring blackout sa Mindanao.


Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma na hindi ito ang panahon ng pagsisihan kundi pagtutulungan para hanapan ng solusyon ang problema ng kawalan pa rin ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi sa nasabing rehiyon.


Patuloy namang tinututukan ng mga government regulatory agency ang pagpataw ng mga singil sa consumers ng Meralco.


Tugon ito ng Malakanyang sa ulat na may utang na ang MERALCO na P 1.5 billion sa kalahati ng kanilang consumers sa nakalipas na 10 taon bunsod na rin ng kabiguan na ibalik ang mga refund sa corporate tax na unang ipinasa sa consumers.


Tiniyak naman ni Sec. Coloma na makakaasa ang publiko na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang siguruhin na nasusunod ang lahat ng batas hinggil sa pagbigay ng proteksyon sa kapakanan ng mga mamamayan at hindi papahintulutan ng pamahalaan ang pagpataw ng walang katwirang pagsingil sa paggamit ng kuryente.


The post NAPOCOR sinupalpal ng Malakanyang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



NAPOCOR sinupalpal ng Malakanyang


No comments:

Post a Comment