Monday, March 24, 2014

Malaysian Airlines bumagsak sa Indian Ocean

KINUMPIRMA ngayon ni Malaysian Prime Minister Najib Razak na sa southern Indian ocean natapos ang biyahe ng nawawalang Malaysia Airline flight MH370.


Sa news conference kaninang alas-10:00 ng gabi, batay ito sa Immarsat satellite analysis na nagpapakitang lumipad ang Malaysia Airlines sa southern corridor at natapos ang biyahe sa southern Indian Ocean, kanluran ng Perth, Australia.


“MH370 flew along the southern corridor, and that its last position was in the middle of the Indian Ocean, west of Perth. This is a remote location, far from any possible landing sites.”


“It is therefore with deep sadness and regret that I must inform you that, according to this new data, flight MH370 ended in the southern Indian Ocean,” ani Najib.


Habang nagsasagawa ng conference si Najib, inabisuhan na ng Malaysia Airlines ang pamilya ng 239 pasahero at crew ng eroplano na “all lives are lost”.


Matatandaan na madaling-araw noong Marso 8 nang mawalan ng kontak sa Boeing 777 na umalis ng Kuala Lumpur patungong Beijing.


The post Malaysian Airlines bumagsak sa Indian Ocean appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Malaysian Airlines bumagsak sa Indian Ocean


No comments:

Post a Comment