LUMOBO na sa 108 katao ang mga nawawala sa naganap na landslide sa Washington.
Pero ayon kay Snohomish County Emergency Management Director John Pennington, hindi nangangahulugan ito na patay lahat ang mga pangalang kabilang sa listahan ng missing.
Sa ngayon, nananatili sa walo ang kumpirmadong nasawi habang pito ang sugatan.
“The affected area includes 35 traditionally built houses, 13 manufactured homes and RVs, and a cabin. About half were occupied full time, while some others were vacation homes,” wika ni Pennington.
Napag-alaman na nasa 30 kabahayan ang natabunan ng mudslide.
Ayon sa mga otoridad, pahirapan ang search operation dahil napakakapal ng putik.
Nagdeklara na si Washington Governor Jay Inslee ng state of emergency kasunod ng kalamidad.
Ang mudslide ay dulot ng ilang araw na pag-ulan sa estado.
The post Landslide sa Washington, higit 100 nawawala appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment