Saturday, March 1, 2014

Lady Eagles umibabaw sa Lady Bulldogs

DINAGIT ng Ateneo Lady Eagles ang 25-22, 8-25, 25-19, 25-22 panalo laban sa mabangis na National University Lady Bulldogs sa semifinals stepladder ng nagaganap na 76th UAAP women’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum.


Ang Lady Eagles na minamanduhan ng Thai coach na si Anusorn Bundit ay makakaharap ang defending champions De La Salle Lady Spikers sa Finals.

Nagsanib puwersa ang “Tres Marias” na sina league-top scorer Alyssa Valdez, rookie Michelle Morente at Jorella De Jesus upang ilipad ng Lady Eagles ang set 1.

Sa men’s division, namuro ang defending champions National University Bulldogs matapos walisin sa tatlong sets ang Ateneo Blue Eagles, 29-27, 25-22, 25-22 sa game 1 ng kanilang best-of-three finals.

Nahirapan din ang Bulldogs na sumandal sa kanilang championship experience laban sa Blue Spikers na unang pumalo sa finals ay noong pang 1980.

Humataw si Edwin Tolentino ng 12 points, siyam na attacks at tatlong blocks upang tulungan ang Bulldogs na sagpangin ang game 1 at tanghaling best player of the game.

“Masaya at nakuha namin itong binigay ni God sa amin,” ani Tolentino. ” sa Game 2 gagawin namin ang lahat para makuha na ang titulo.”

Sa set 1 nakalayo ng limang puntos ang NU, 21-16 subalit dumagit ng 5-1 ang Blue eagles upang idikit ang iskor sa 22-21.

Umiskor sa palo si Bulldog netter Peter Torres para sa 23-21 pero kumana ng 3-0 ang Ateneo upang makauna ito sa set points, 23-24.

Tatlong set point ang nasayang ng Blue Eagles at makakuha ng SP ang Bulldogs ay tinapos na nila agad ang laro.

Lumaban din ng pukpukan ang Blue eagles sa set 2 nang habulin nila ang six-point lead ng Bulldogs14-8.

Naitabla ng Ateneo ang iskor sa 16 bago muling kumalas ang Bulldogs, 17-20 at tapusin ang pangalawang set.


The post Lady Eagles umibabaw sa Lady Bulldogs appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lady Eagles umibabaw sa Lady Bulldogs


No comments:

Post a Comment