VERY excited na nagkuwento ang dating Viva Hot babe na si Gwen Garci sa pagpapalabas ng kanyang Hollywood Indie movie na pinamagataang Sabine. Ayon pa sa sexy actress, very challenging daw ang kanyang role rito at kakaibang Gwen daw ang mapanonood nila sa nasabing pelikula. Kasama ni Gwen sa pelikula ang sexy actress na si Bangs Garcia at ang Hollywood actor na si Jean Monson. Sa Davao umano ginawa ang shooting ng pelikula.
Dagdag pa ni Gwen na world class ang galing ng Pinoy kaya hindi raw siya nagtatakang darami pa ang mga ganitong proyekto sa hinaharap. Sa ngayon masaya si Gwen sa takbo ng kanyang career kasi kahit paano raw, muli siyang napapansin sa kanyang pagbabalik pelikula via an international film.
000
KAHIT wala raw ang kanyang pangalan sa orihinal na Walk of Fame sa Eastwood Libis, Quezon City, ngunit kabilang naman siya sa Kapuso stars at iba pang personalidad na naging bahagi ng GMA na naroon ang pangalan sa palibot ng GMA compound sa Edsa at Timog Avenue. Sa panayam sa magaling na actor:
“I feel so blessed. Sobrang saya! Sobrang saya! I’m honored and thankful. It’s a humbling experience,” kuwento pa ng aktor. “So, talagang historic. Personally, for me. Its historical. Na-late nga lang ako. Pero at least, nakarating pa rin.
“Naipit kasi ako sa traffic dahil may nagbanggaan sa Edsa.”
Kabilang ang actor sa bagong teleserye ng Kapuso network ang Rhodora X kung saan kasama niya rito sina Jennlyn Mercado, Yasmien Kurdi at Mark Herras. Dagdag pa ng actor: “So far, maganda ang script at magaling ang aming director at mga kasama kung artista rito sa Rhodora X. Sobrang pasalamat ako kasi napasama ako sa magandang proyektong ito.”
Ginagampanan ni Mark ang role ni Nicko Ledesma, na inlove kay Yasmien na kapatid ni Jennylyn.
Patungkol naman sa kumakalat na isyung nagbalik daw siya sa pagdo-droga, ano naman ang reaksyon niya rito? “Sa totoo lang, hindi naman ako affected, e. Basta alam ko kung ano ang totoo.” pagtatapos pa niya.
000
NAGSIMULA na ang pilot episode noong Lunes ang pinakabagong serye ng Kapamilya network, ang Mira Bella kung saan ipakikita na ng Kapamilya stars na sina Julia Barretto at Enrique Gil sa primetime viewers ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ano nga ba ang kuwento sa buhay ni Mira (Julia Barretto) bilang si Mira? Siya ang dalagitang nagmana ng sumpa ng pagkakaroon ng balat tulad nang kahoy at dahil sa kanyang taglay na anyo, marami ang sa kanya’y huhusga at mang-aalipusta ngunit hindi ito magiging hadlang sa dalaga para ipakita ang tunay na kagandahan ng kanyang kalooban.
Sa kauna-unahan pagkakataon, magtatambal nina Julia Barretto at Enrique Gil. Kasama rin nila sina Pokwang (Osang) at John Lapuz (Paeng). Sila ang nag-ampon kay Mira (Julia).
Bukod kina Julia, Enrique, Sweet at Pokwang, kasama rin sina Sam Concepcion, Mylene Dizon, James Blanco, Liza Dino, Dj Durano, Mika Dela Cruz, Arlene Muhlach, Alora Sasam at Gloria Diaz.
Ito ay handog sa atin ng Dreamscape Entertainment Television. Abangan gabi-gabi Monday thru Friday sa primetime bida bago mag TV Patrol, ang pagsibol ng naiibang kuwento ng pag-ibig ni Mira Bella. Pak!
The post Labis na ikinatutuwa ang kanyang staying power appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment